CHAPTER 6

55 43 1
                                        

Chapter 6

SAMPAL ni Papa ang bumungad sa'kin pagkarating sa bahay. Napahawak ako sa pisngi kong parang natanggal sa lakas ng sampal.

"Bakit hindi mo sinabing may boyfriend ka na pala?" 

"Isa pa ano 'tong nakarating sa'min na napunta ka daw sa presinto? Ano bang ginawa moooo?!" Napapikit ako sa lakas ng impak.

Naiiyak ulit akong napadilat.

"Papa...?" Pagtawag ko, nagpapaawa.

"Wag mo akong matawag-tawag na Papa! Wala akong anak na 'sing tulad mo na ganyan ang ulo. Ano bang laman ng ulo mo putik?! Kung anu-anong mga ginagawa mo hindi mo ba alam na kami ang napapahiya. Kami ng pamilya mo?!"

"P-Papa..."

May isa pang sumampal sa'kin.

"Nakapatay ka daw?!!!! Ano nasisiraan ka na ba? Baliw ka na! Walang hiya kang bata ka! Puro na lang mga problema ang dala mo dito. Kailan ka ba di magpapabigat? Ikaw ang itim na tupa sa pamilyang toh!" Mama?

A-Ang sakit ng mga pinagsasabi nila ngayon. Sobra na! Samantalang si Kuya ngayon kampante lang na nakaupo sa upuan at nakangising nakatingin sa'kin.

"Hah! Ako pa? Ako pa ngayon ang 'itim na tupa' kuno sa pamilyang to? Eh, ano pala yan?!" Turo ko sa lalaking nakaupo habang nakangisi,"..mama, papa. Ano ba talaga ako dito? Sabihin niyo anak niyo ba talaga ako o hindi? Bakit ganito kayo? Bakit ganito niyo ako kung itrato? Ibang-iba kay Kuya kasi kahit kailan di niyo pa ako napapakitaan ng mga nakikita kong pinakikita niyo kay Kuya. Bakit ganyan kayo? Siguro naman pantay niyo kaming anak? Mama, Papa simula pa man nangungulila na ako sa lahat. Di niyo man lang ako napakitaan ng pagmamahal o pag-aalaga ng isang ina't ama k-kasi...kasi palagi na lang kay Kuya lahat niyo binibigay yun. Unfair niyo di kayo patas. Pero kahit ganun...! Di ako nagreklamo, di ko sinabi o ano, di ako nagpumilit at ako na lang mismo ang umintindi sa inyo. Pero ngayon? Oo, ito na nasasabi ko na bastos man pero ang sakit na ng mga salita ninyo ngayon sa'kin. Parang...parang di niyo ako anak! Pakiusap naman oh wag ganito nasasaktan na ako palagi dahil sa inyo. Mama, Papa mahal ko kayo pero parang ako...ako na bata ay hindi niyo man lang mabigyan ng pagmamahal ng kahit konti. Konting atensyon lang din sana pero wala. Aasa na lang ba ako habang-buhay?!!!" Mahaba kong litanya.

Di ko man lang sila nakitang umiyak at natamaan sa sinabi ko. Wala silang reaksyon dun at dun ako mas lalong nainis sa kanila.

"Pasok sa kwarto mo!" Yun lang ang natanggap kong mga salita sa taas ng sinabi ko.

Ang utos na yun ni Papa ay sinunod ko din. Umalis ako sa harapan nila ng may sama ng loob. Isinalampak ko ng malakas ang pinto matapos kong makapasok. Tumakbo ako sa kama at umiyak ng umiyak dun.

Sa haba ng sinabi ko yun lang ang nasagot nila? 'Pasok sa kwarto' kaiba! Di man lang ba sila na-guilty o ano? Di ba nila na-relate. Ang sakit nun at matagal ko na yung kinikimkim pa. Tapos ngayon na nasabi ko na nga sa wakas ay ganun lang ang reaksyon nila? Kainis. Nakakagalit!

Ilang beses pang nagpabalik-balik ulit ang mga nangyari kanina hanggang sa hinila ako ng antok habang may sama pa ng loob.

Sabi nila masama daw'ng matulog kapag may sama ka pa ng loob o bigat. Dapat pagaanin mo muna at ialis ang lahat ng problema bago matulog ng walang dala dala para matiwasay ang lahat.

Nagising ako ng biglaan at napagpasyahang ayaw munang bumangon sa kadahilanang ang bigat pa ng dibdib ko. Ang nangyari ay naaalala ko pa rin.

Naibaling ko ang ulo ko sa bandang pintuan. Nakahiga pa rin ako. May narinig kasi ako na kung anong meron sa labas ng
pintuan ko. Narinig kong parang may gumagalaw sa pintuan ko. Parang may kumukulikot dun? Bumangon ako at umalis sa kama. Naglakad ako ng dahan-dahan at pinakiramdaman ang nangyayari.

Tama nga! May tao sa likod ng pinto ko.

"Sino yan?" Tanong ko.

"Ako to buksan mo ang pinto!" Kuya? Kumatok na siya ng sunod-sunod.

Nagdalawang-isip pa ako kung bubuksan ko ba. Hindi kami bati niya kaya bakit siya nandito?

Binuksan ko ang isang lock bago inikot ang doorknob. Nakita ko siya at ng mabuksan ko na ng malaki ang pinto. Di na ako nakaatras sa pagsugod niya.

Para akong nanghina at di makapaniwala sa ginawa niya. K-Kuya? Sinaksak niya ako sa mismong dibdib ko.

"Mamatay ka na!" Yun lang ang narinig ko at sinaksak niya ako ng ilang beses pa.


"Haaaaaaaaaaaa!" Napabangon ako at malakas na napahinga.

Kinapa ko ng madalian ang dibdib ko, ang lakas ng tibok ng puso ko.

Tumingin ako sa pintuan. Nakasarado naman at parang wala namang mali?

"Panaginip lang pala." Napatango-tango ako.

Kung panaginip talaga yun ano ang panaginip na yun? Anong ibig sabihin? Masama yun?

"Wala lang yun. Oo, simpleng panaginip lang."

Dala na siguro 'to ng dahil sa nangyari. Nakatulog din ako kanina ng may dalang sama ng loob kaya ganun.

Hay! Pero parang totoo? Sana mali 'tong iniisip ko.

Para maalis ang walang kwentang panaginip na yun ay pinili ko na lang tawagan si George.

"Okay ka na? Kumusta?" Tanong kaagad niya may himig pag-aalala pa din.

"Oo, okay na ako. Salamat nga pala."

"Kanina ka pa nagpapasalamat sabing wala na yun. Tsaka alam ko naman na wala ka talagang kasalanan. Kilala kita alam kong di mo magagawa yun," aniya sa kabila.

"S-Salamat George. Kung wala ka siguro di ko alam kung anong gagawin ko."

"Basta ikaw malakas ka sa'kin. Girlfriend kita kaya dapat kitang tulungan sa kahit na anong problema mo."

Oo nga pala nalaman na nila Mama at Papa na may boyfriend ako. Patay!

"Vel?" Tawag niya ng di ako sumagot.

"Alam na nila Papa ang tungkol sa'tin."

"Okay ka lang ba? Ano sabi nila? Sinaktan ka ba nila?"

"Pinag-alala tuloy kita. Wala, okay lang ako!"

Narinig ko namang namang napahinga siya sa kabila ng maluwag.

"Basta sabihan mo lang ako kung anong problema mo. Andito lang ako tutulungan kita palagi, tandaan mo yan." .

"Oo."

Oo, tagumpay akong nakauwi. Nagpapasalamat ako ng marami kay George dahil sa tulong niya para di ako tuluyang makulong. Buti may mga koneksyon siya at may malakas na abogado at yun ang tinawagan niya ewan lang kung anong pinag-usapan ng abogado niya kung bakit napatunayang wala akong kasalanan.

My name is Antoniss Vel Sache at hanggang ngayon bumabagabag pa rin sa'kin ang panaginip na napanaginipan ko kanina. Parang...t-totoo.




03-04-21—isinulat ko.

DOUBLE DREAM [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon