Chapter 8
"..ang tanong kaya mo bang saksakin si...Kuya?"
Para akong batang napatulala sa harap habang nakatingin sa mukha niya. Di ako makasagot dahil wala naman akong maisagot sa tanong na yun. Kung mamarapatin ang tanong niyang yun ay sobrang hirap para sa'kin. Iba-iba ang nag-flash sa utak ko simula ng magkamalay ako at silang tatlo ang kasama ko.
"Kaya mo bang patayin ang Kuya mo Antoniss Vel Sache?"
Sa pangalawang tanong na yun ay parang nagbalik ang lahat sa reyalidad.
Mas humigpit ang pagkakahawak ko sa kutsilyong hawak habang nakatutok yun sa kanya.
"K-Kung kinakailangan...gagawin k-ko! P-Papatayin kita dahil parang mas l-lumala ka na K-Kuya!"
"Kung ganun bakit ka naiiyak?"
Kinapa ko ang pisngi ko at nakumpirma pero pinahid ko lang din yun.
Gumalaw siya at di na ako nakahuma nakalapit na siya sa'kin para ipitin ako sa leeg.
"Bobo mo pa rin talaga. Di mo ba alam na linlang ko lang yun para mawala ang atensyon mo sa'kin? Vel, sa susunod mag-iingat ka na dahil kung di ko man to gawin ako ang paniguradong mapapatay mo, kaya uunahin na kita. Kita na lang tayong apat dun. Ayy, di pala nauna na sila mama't papa sa'kin. Hinihintay ka na nila sa impyerno wag kang mag-alala susunod din ako din sa inyo tatapusin ko muna ang lahat, huh? Tapos nun sama-sama na tayo," nanlaki ang mga mata ko sa narinig at parang ayaw tanggapin ng utak ko ang lahat ng yun.
"H-Hindi totoo yan, d-diba?" Nanginginig kong tanong.
Di pa patay sila mama eh. Buhay pa sila masyado lang sigurong high si Kuya ngayon na umabot na sa puntong na-imagine na niyang wala na sila mama.
"Totoo."
"P-Pero buhay pa sila kanina lang," nanghihina ko nang tanong. Nanatili siya sa likod ko at hinigpitan ang pagkakapilipit sa leegan ko. Di ako makahinga pero kinaya ko.
"Sabing patay na!" Hinigpitan niya pa lalo,"..kakapatay ko lang sa kanila kanina bago ako pumunta dito sa kwarto mo. Inuna ko na sila para walang sagabal! Ano okay na ba ang explanation ko, Vel?!" Pasinghal niyang tanong.
Naiiyak ako kaya parang wala na akong lakas nang agawin niya ang kutsilyo at itutok sa leeg ko.
H-Hindi pa pataaay sila mamaaaa!
Buhay pa sila—
P-Pero yung kanina? Posibleng sa kanila ba yung dugo na nakita ko sa kutsilyo ni Kuya?
Nagsalubong ang kilay ko at buong lakas siyang kinagat sa papulsuhan. Sumigaw siya sa sakit at oras ko na yun kaya sinipa ko siya ng malakas sa paa. Napaupo siya. Inulit ko pa at binigyan siya ng sunod-sunod na sipa. Nang makuntento ako at nakitang napabaluktot siya sa sakit ay nagtatakbo akong tinungo ang pintuan ko para tumakas.
Madulas-dulas ako sa pagtakbo. Nagmamadali kasi dahil sumigaw si Kuya at alam kong anumang oras hahabulin niya ako at papatayin din. Kaya ngayon ang tanging kailangan kong gawin ay tumakbo para iligtas ang sarili mula sa kamatayan na ayaw ko pang maranasan.
'Ang wish ko ay mabuhay ng matagal tapos mga 100 edad ko bago mamatay. Gusto ko pa makita ang mundo ng matagal kasama sila mama, papa, kuya. Yey!'
Ang alaalang yun nung bata ako ay naging pampalakas loob ko. Nadaanan ko ang sala una kong nakita ang kalat ng lahat ng mga gamit dito sa bahay at ang d-dugo?
Dugo na galing kila mama at papa. Napaupo ako sa gulat ng makitang nakatihaya si Mama at Papa habang duguan, maraming saksak. Di ko magawang makalapit sa sobrang pag-iyak at di matanggap-tanggap ang nangyari.
"Veeeeeeeeeel!" Umalingawngaw ang boses niya. Malapit na siya, kailangan ko nang umalis dito.
Pero pano sila mama?
Iiwan ko na lang ba sila?
Pero patay na sila?
Kahit na.
Ano bang gagawin ko?
Mama? Papa? Sorry.Tatakbo na sana ako kaso may humila ng malakas sa buhok ko. Siguro natanggal na anit ko dun.
"Di mo na matatakasan ang kamatayan mo. Nakatakda ka ng mamatay ngayon, Vel."
Napipipi kong inaagaw ang buhok ko.
"Hindiiiiii!" Tinulak ko siya ng malakas at inagaw ang kutsilyo at walang pag-alinlangang sinaksak siya sa may puso ng paulit-ulit.
Nawala na ako sa sarili at puro na lang masasama ang tumatakbo sa utak ko dahil sa mga nangyari.
Tumayo ako ng matuwid tsaka pinagmasdan ang Kuya kong nakatirik ang mata sa sahig at nababalutan ng dugo.
Nang mag-sink in lahat ng nangyari naitaas ko ang kamay ko at pinagmasdan ang dugong nakabahid dun.
"H-Hindi. Hindi. H-Hindiiiii!" Panay ang iling ko at napapaatras sa kaguluhan.
T-Totoong nagawa ko yun? Napatay ko si Kuya?
H-Hindiiii!
Nadala lang ako dahil papatayin na niya din ako.
"K-Kuya?" Tawag ko sa kanya.
Walang sagot. Patay na ba talaga siya? Napatay ko? Nangilid na naman ang luha ko at sabay nagbagsakan.
Tiningnan ko ang mga taong duguan. Ang tatlong taong mahal ko ay wala na. Gaya ni Kuya patay na rin sila Mama at Papa. Pero hindi...hindi ako ang may gawa kila mama. Si Kuya ang may kasalanan sa kanila. Siya ang pumatay sa kanila.
Pero kahit anong isip ko. Di ko pa rin maiwasang di isipin na parang ako pa rin ang may gawa ng pagkamatay nila Mama. Na ako ang dahilan ng pagkamatay nilang tatlo dahil ako na lang ang nag-iisang...nakatayo dito.
Parang kung isipin ay ako ang naging 'survivor' dito sa'min.
Tapos na ba ang lahat?
Wala na bang may gusto akong patayin?Tiningnan ko ulit sila isa-isa ito lang ang tanging kaya kong ibigay sa kanila dahil takot akong lumapit. Takot ako dahil baka hindi ko kaya kapag mas lalo kong makumpirma na...na wala na talaga sila.
Iniwan na nila akong nag-iisa.
Sino bang may kasalanan?
Oo, parang binalaan ako ng panaginip ko pero hindi ko naman nakita 'to. Hindi ito nabilang dun dahil sa totoo lang ako lang ang namatay dun!
Sino bang may kasalanan?
Sino bang dapat sisihin?
Ako o...Naiiyak akong napaupo sa sahig pero tumayo lang din ulit. Ayaw kong palungkutin ang sarili ko dahil wala na sila. Bahala na kung anong mangyari...
Mama, Papa, Kuya rest in peace.
Mag-iingat kayo dyan. Pangako lalaban ako. Mami-miss ko kayo at mahal na mahal ko kayo sobra pa.Kakayanin ko ang lahat...
03-31-22—isinulat ko.
BINABASA MO ANG
DOUBLE DREAM [COMPLETED]
Mystery / ThrillerThere is a girl named Antoniss Vel Sache. She is desperately chased by 'Death'. But our most powerful and kind warns her through a dream which can never be forgotten or will really never be forgotten. It will serve as a whole life nightmare to her...