Chapter 11

13 0 0
                                    

Feels Like Home

"Home is where your heart belongs.."

I woke up the next day with the news about my dead body found on a seashore, several miles away from where my car was found.

"Isang bangkay ang natagpuan sa dalampasigan ng Lapaz na natukoy ng mga awtoridad na si Blaire Fenella Candelanza. Sa isang aksidente..."

I zoned out. Halos mapanganga ako sa gulat and I can't believe how this is all happening. First, kahit hindi naman nakita ang katawan ko sa kotse, they pushed it on the river para magmukhang nahulog iyon doon at nawawala ang inanod kong katawan. At ngayon, natagpuan na ang bangkay. Gusto kong humagalpak ng tawa. Lylian and those people who are with her are seriously murderers. They're dangerous and scary. Hindi ako makapaniwalang kaya niyang magbayad ng tao para gawin ang ganito ka samang bagay.

They want me gone at all cost. Kaya kahit buhay na buhay pa naman ako'y ginagawa nila ang lahat para ilibing ako sa limot. Dahil dito ay mas lalo lang lumakas ang kutob ko na may tinatago talaga si Lylian at Melynda, na may iba pang nangyari at may sekreto sa likod ng aksidenteng nangyari more than 20 years ago.

I grabbed my phone from the bedside table and read the articles regarding the dead body that was found. They killed an innocent person. Apparently, dahil ilang weeks na sa tubig ay sobrang naging bloated na ng bangkay. Hindi na ito makilala. The only indication that it was me ay ang damit na soot nito. The dead body was wearing exactly the same clothes I wore that day. Nakakapangilabot sila. Nanginginig ako sa galit at takot. How could Lylian be this kind of human being? Tao ba talaga sila? How do you win against inhumane people like them?

I distracted myself and diverted my attention by doing some exercise sa gym ng bahay. Nanginginig ako tuwing naiisip ko iyon so I did my best to not think about it. I took a shower bago bumaba na.

Naabutan ko si Zyan sa kusina na nagluluto. My eyes stayed longer on him than it should have. Nakatalikod siya sa akin, simpleng itim na t-shirt at shorts lang ang soot. His hair is messy.
His broad shoulders looks so defined na  para bang binayaran niya ang brand ng t-shirt na iyon to make it fit him so well.

Nang nilingon niya ako'y agad akong nag-iwas ng tingin. I sat on a chair and glance at him. Nakatingin pa rin siya sa akin.

"Good morning." He smiled. I bit my lower lip and pouted. How could he look so hot in his woke-up-like-this face.

Nagtaas siya ng kilay dahil sa paninitig ko kaya iniwas ko nalang uli iyon. Binalikan niya ng tingin ang niluluto.

"Good morning." I greeted back kahit hindi naman talaga maganda ang umaga ko. I know he knew about the news already dahil may mga tauhan siya na nag-iimbestiga. It probably reached him first thing in the morning.

The smell of bacon and eggs fill my nose. Nagsalin nalang muna ako ng isang basong tubig dahil mukhang hindi pa siya tapos sa pagluluto.

"You're not going to work today?" Tanong ko ng mapansing lagpas na ng 7 AM. Madalas ay umaalis na siya ng ganitong oras.

"No. I'll stay home today." Simpleng sagot niya. I wanted to ask why pero pinagkibit-balikat ko nalang iyon.

"Bakit ikaw ang nagluluto? I told you to get some househelps para wala ka ng ginagawa."

Nilingon niya ako gamit ang seryosong mga mata.

"It's too risky. I don't want more people knowing you're alive and you're here. "

He's right. I felt so stupid for not realizing that. I nodded and sighed. Hindi ko alam kung ano ba talagang plano niya. He's going to be engaged to Lylian and I can't stay here hiding. I know Ryle and his men are gathering enough evidences to sue Lylian but nothing is certain. I am scared. Zyan is all I have left of me now. At natatakot akong pati siya ay abandonahin ako. Natatakot akong marealize niya bigla na wala naman pala akong halaga sa kanya. He did told me before, "Don't get excited. If not for your successful empire, I would never even consider sparing you a glance."

The Fake HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon