Mansyon Villavicencio
11:46 PM
Inday: Congrats, Ris! Guys may abogada na tayo.
Pura: Congrats!
Tino: Congrats Ris
Mang Shoti: Ililibre daw tayo ni Hans!
Mac: Yun! Congrats ate Ris
Aling Iska: Tumigil kayo. Wag ninyo tuksuhin si Ma'am Ris
Salamat po sa inyong lahat!
Para sa atin po ito.
Aling Iska naman. Ris lang po.
Bruno: Oo nga naman nay. Kasama naman natin si Ris ha?
Candy: Amo natin si Ate Ris, Kuya Bruno.
Hindi totoo yan Candy
Candy: Di ba ate mapapangasawa ka ni Sir Hans?
Candy!!!
Mac: Alam na ba to ni Nanay Anita?
Bruno: Naku lagot na
Inday: Swerte naman talaga ni Ris. Gwapo na, mayaman pa.
Excuse me???
Inday: Grabe noon pa malapit ka na sa mga Villavicencio napakaswerte mo talaga
Hindi rin ate inday
Naku kung alam mong kapag kasama ko si Hans Naku talaga
Bruno: Wow Hans lang
Mang Shoti: Ganyan sila ni Hans talaga
Mang Shoti!
Aling Iska: Nahiya pa ang bata
Aling Iska: Wag ka mag-alala, hija. Alam namin
Ano pong alam niyo?
Mac: Alam namin yung relasyon niyo ni Kuya Hans
Pura: Alam namin na ipapakasal kayo ni Madam Sita
Inday: Alam namin yung kasunduan niyo
Bruno: Alam namin na may nangyari na sa inyo
Ha???
Ano???
Sino nagsabi?
Aling Iska: May nangyari na sa kanila?
Mang Shoti: Bakit parang di ko alam yan?
Candy: Anong nangyari sa inyo ni Kuya Hans?
Tino: Grabe Ris lagot ka kay Nanay Anita
Hoy!!!
Walang nangyari sa amin
Kiss lang yun promise
Bruno: Kiss?
Mac: Ah nag-kiss naman pala sila
Inday: Iba naman talaga
Candy: Bakit mo kiniss amo natin?
Pura: Kasi nga may something na sa kanilang dalawa
Tino: magiging amo na pala natin si Ma'am Ris
Grabe
Bye
Ewan ko sa inyo
Aling Iska: Tigilan niyo na si Ris
Mang Shoti: Baka umiyak yan
Seen by everyone