Almost two years ago, EDSA revolution holiday to be exact, nakilala ko si Lee Seokmin. Hindi 'yong totoong Lee Seokmin, bale IGN niya kasi 'yong Lee Seokmin. That time, I was utterly bored. A month before that certain holiday, I downloaded an online game. Sobrang tahimik ko lang talaga doon sa game. May local server siya tsaka cross-server.Well if you know me personally, alam mong hindi ako mahilig maglaro, in any forms of entertainment. Never akong na-hook sa mga games kasi mahilig talaga kong magbasa. Kahit anong genre, kahit anong babasahin, I prefer reading than playing. Pero dito sa larong 'to, kahit tahimik lang ako at hindi talaga marunong, I actually enjoyed playing... and yes, sa same game kami nag-meet ng aking jowa. Wah. Charot! HAHAHAHA.
Going back to the topic, these few people that I met in the game na naka-usap ko through cross server chat (oo, mas naka-close ko mga hindi ko ka-server.) ay mga fans ko. Chz! Nakuha sila sa Sup, mga kababayan! chat ko. Few moments later, naging close kami lahat dahil sa mga kalokohan ko. Mga sira ulo, eh. Nagpabilog sa mga random chats na sinend ko. May rapport kami. Ang saya, seryoso. Alam niyo ba kung ano pinag-uusapan namin? Magwalis ng 500 sa EDSA. 🤷🏻♀️🤦🏻♀️💆🏻♀️
Tapos naglapag lang ako ng hint kung sino ko, amputa 'tong Lee Seokmin, na-stalk na agad ako. Na-follow ako sa IG at na-add pa ko sa gc ng mga peenoise sa messenger. TANGINA! May future ka pala sa pagiging spy, ghorl? 🤣🤣🤣
My Dearest Momma Lele, I would like to take this opportunity to thank you for being my constant these past two years. Sa sobrang chismosa nating dalawa, hindi tayo nag-uulit ng topic. No need denying, alam kong ako ang pinakaclose mo sa lahat. Duh! Sino ba maganda, matalino at diyosa? Wala namang iba, ako lang. Tsaka iniyakan mo ko, 'di ba? HAHAHAHA! Sa mga random kwento, to latest chika, sa pag-uugali at sa mga kung ano-anong bagay, sobrang dami nating similarities. Naniniwala akong soul mate mo talaga ako. Mabuhay ang Aquarius at Taurus. Mortal enemies daw signs natin pero where are we now? 😂 Sorry na din pala kasi hindi ko naibigay sa 'yo si Ollie. I love you, but it's not enough, para makuha at mabago mo ang tadhana ni Ollie. HAHAHAHAHA.
Friends, thank you for reaching this part. Hans is my 6th FM Boy. Meaning, FMS is at 6th book of my spontaneous series, at hindi ko 'to mararating kung hindi ko naramdaman 'yong love and support mula sa inyo. Words are not enough for the happiness that you are making me feel and for that, I will always be grateful. Sana mahalin niyo rin si Hans tulad ng pagmamahal niyo sa mga nauna.
Mother Theresa, Happy Birthday! I love you. ❤️❤️❤️ — Zoe