11

129 11 3
                                    

Hans Sebastian Villavicencio

05:42 PM

Hans Sebastian: Congrats!

Hans Sebastian: Tapos mo na exam mo.

Hans Sebastian: Masasabi kong November 2015 ang pinakamasayang buwan ng buhay ko kasi hindi kita nakikita.

Hans Sebastian: Pukpukang review ba? Hindi ka kasi nauwi eh. Tapos every weekend naman exam niyo, di ba?

Hans Sebastian: Actually, curious ako bakit hindi ka umuuwi eh. Chance mo na para magpabida kay daddy.

Hans Sebastian: o di kaya magtanong ka sa kanya ng tungkol sa mga ite-take mo sa exam, ganyan.

Seen. 05:46 pm

Kalimutan mo na favorite mo November. Pauwi na ko ngayon, November pa rin.

Hans Sebastian: Not counted.

Miss na miss mo na ba ko?

Hans Sebastian: What? Ang kapal mo ha?

Okay lang naman sakin kung miss mo ko. Di naman ako magagalit 😂

Hindi ako makauwi kasi kailangan ko talagang mag-review.

Anyway, hindi ko naman kailangan umuwi para makita si Tito Luis. Nagkikita naman kami weekly, pati mommy mo. Dinadalhan nila ko ng pagkain sa apartment.

Hans Sebastian: Ang kapal mo rin talaga no?

Hans Sebastian: Tinatanggap mo naman?

Ano ko tanga?

Binibigyan na ko ng pagkain tatanggi pa ko?

Duh! Sino tatanggi sa pagkain?

Hans Sebastian: Ris, out of courtesy man ang pagtanggap mo, ang normal na sagot kapag in-offer-an ka ng pagkain ay "Hindi na po. Thank you", hindi thank you sabay kuha.

Hans Sebastian: That's the proper way of showing courtesy.

Basti, una sa lahat, hindi ako inalok. Binibigyan ako.

Bigay yun. Kaya ang proper way sa pagtanggap ay thank you sabay kuha.

That's the proper way of showing gratefulness.

Hans Sebastian: Mukha kang pagkain. Walang hiya.

Sino ba hindi mahilig sa pagkain?

Please.

Ikaw nga ang dami mong kumain ng kanin. Saan mo ba nilalagay yun?

Hans Sebastian: So, you're watching me eat ha? 😏

Excuse me? Yuck ha!

Hans Sebastian: Pati ba naman pagkain ko ng kanin, napapansin mo pa?

Hans Sebastian: Didn't know that you have the hots for me, huh.

Yuck!

Kadiri ka ah?

Hans Sebastian: Grabe, I don't like you pa naman.

Hans Sebastian: Kahit paulit-ulit nilang ibalita na girlfriend kita simula noon, hindi ko pa rin makita kung anong bagay daw satin eh.

Hans Sebastian: Paano babagay tong mukhang to sa mukha mo?

Oo, mukha kang alimango.

Hans Sebastian: Alimango but you find me sexy?

Ew. Wala akong sinabi na sexy ka!

Hans Sebastian: Pero pinagmamasdan mo katawan ko kasi malakas ako kumain tapos hindi mo makita kung saan napupunta, di ba?

Yuck. Na-stress ako sayo.

Hans Sebastian: See you at dinner, rumored girlfriend.

Hans Sebastian: Sorry na lang. Hanggang rumor lang.

Ew!

Hindi ko naman gugustuhin na magkatotoo.

In your dreams.

Hans Sebastian: Nice. Now you are dreaming of me, too.

Bwisit!

Seen. 06:02 pm

Hans Needs To Be Fixed, TooTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon