Special Chapter

71 5 1
                                    

"Wife, anong ginagawa mo?" nakangiti pa kong lumapit sa asawa ko nang agad na kumuyom ang kamao ko sa nakita ko. She's watching the 11 o'clock news about my father; the conference we held for me to inform the public regarding his condition.

Unfortunately, he was involved in a vehicular accident that sends him to coma for almost 12 hours yesterday. Mabilis na kumalat ang balita. We are happy that even though my dad was in coma, he recovered fast and easily. Kaya nga masaya rin kaming nakapag-hapunan mag-asawa, my dad is doing well now.

Some say that my dad just got unlucky to be there, while the others said that it was not an accident because it's almost election. But our family considered it as an accident. As per Lola Sita, 'Villavicencios must stay grounded. We will not blame anyone.'

Timely? Coincidence? Political Agenda?

Ito ang nakalagay na headline ng balitang pinanonood ni Ris. Dahil sa aksidente, at sa mabilis na paggaling ng tatay ko, halos siya at ang pamilya namin ang laman ng balita. And this is what I hate most by being the infamous Senator's son.

Mr. Villavicencio, do you have any plans on running for a seat in the Senate?

Now that your father plans to retire, will you continue your family's legacy?

If you don't want to follow Senator Luis's footstep, maybe you are aiming for a higher position in the government. A presidency perhaps?

"Very well said, husband." napahinga ako ng malalim, na hindi ko naman napansing pinipigil ko na pala, noong hawakan ako ni Ris. "Tinanong ka talaga nila ng ganyan habang wala ako."

"I can easily say I invoke my rights against self-incrimination." then I winked at her, she laughed.

"I like your answer though. 'I do not have any plans to take any other seat except the chair beside my wife.', parang ang sweet mo doon, ah?"

"Are you saying that I am not sweet?"

"No. I find it sweeter when you tell it to the public." her smile makes my heart melt. "But seriously, Basti, if you wanted to enter politics, just say so. I will support you all the way."

"My love, like I have said, wala akong planong pumasok sa politika. Sana tinapos mo muna kasi 'yong full coverage ng press conference ko para narinig mo lahat ng sagot ko. I'm sure, you'll be proud of me."

"Nah." umiling siya. "I don't need to watch your conference just to feel proud of you. I always do."

Lord, what did I do to deserve a wife like this?

"You sure know how to boost your husband's ego."

"Totoo nga!" napatingin siya sa TV ng marinig ang sumunod na tanong sa akin ng isang media na naroon sa venue.

Mr. Villavicencio, totoo po ba ang nabalitaan namin, nasa ospital na kayo ni Atty. Desullan kahapon bago isinugod ni Senator Luis dahil buntis na ang asawa niyo?

"Pakialam niyo." natawa ako. My wife's condition and our relationship is irrelevant to this conference. I refuse to answer. We will appreciate it if you will never meddle in our affairs.

"Asawa ko 'yan!" napatingin ako kay Ris. "Galing ng sagot mo dyan. Hindi na natin kailangan mag-review ng isasagot. Gusto ko 'yan."

May problema po ba kayo ni Atty. Desullan? Are you harassing your wife, Mr. Villavicencio?

"Kung may nangha-harass dito, ako 'yon. Joke!"

"Gabi na, Emilia. Hinaan mo ang boses mo."

"Wala naman makakarinig sa akin. Soundproof kaya 'tong kwarto natin."

Nakaisip ako ng kalokohan. Pagapang akong lumapit sa kanya ay magaang hinalikan siya sa leeg. "Uy, anong ginagawa mo?"

"Wala naman makakarinig sa atin. Soundproof kaya 'tong kwarto natin."

"Umayos ka, Hans Sebastian. Huwag kang lalapit sa akin."

"Bakit? Wala naman ako sakit, ah. Tsaka kakaligo ko lang." hinawakan ko ang paa niya noong magtangka siyang tumayo paalis sa kama. "Akala mo makakatakas ka sa akin."

"Ano ba? Ang harot, ah. Nasa ospital pa si Daddy. Ikaw, ang dami daming kailangan intindihin, kalandian lang nasa isip mo."

"Hindi ko naman masasaktan si baby." hinaplos ko ang pipis pang tiyan ng asawa ko. Totoo naman ang hinala nila. Buntis na si Ris. At nasa ospital kami bago isugod si Daddy dahil nagpa-check up kami noong malaman naming isang buwan na siyang hindi dinadatnan ng dalaw. "Maliit pa lang siya."

"Hindi. Tumigil ka!" sumandal siya sa akin. Niyakap ko siya at muling inilapat ang kamay sa tiyan niya. Kung hindi lang na-aksidente si dad, nag-celebrate na sana kami kahapon ng makumpirma namin na buntis na talaga si Ris. Ang tagal na rin nila kaming kinukulit na bigyan sila ng apo. "Massage mo nga ako, Basti."

Bumaba ang mga kamay ko sa mga hita niya at pinisil-pisil iyon. "Hoy! Anong kalokohan na naman 'yan?"

"Sabi mo massage?"

"Masahihin mo 'yong ulo ko. Wala akong sinabing himas-himasin mo hita ko." hinampas niya ang kamay kong nakapatong sa hita niya.

"Wala ka rin naman sinabi na ulo mo ang ima-massage ko." nang inirapan niya ko ay hinalikan ko siya sa ulo.

"Tumataba na ba ko?"

"Ang bigat mo na nga, eh." sumimangot siya bago lumayo sa akin. "Halika dito. Bakit ka nalayo?"

"Mabigat pala, ah. Huwag kang tatabi sa akin. Nabibigatan ka pala bakit ka lapit ng lapit."

Nagdadabog siyang tumayo at lalabas na sana ng kwarto ng mabilis ko siyang hinabol at binuhat pahiga. "Ibaba mo ko. Mabigat ako, 'di ba? Baka mabali buto mo. Humanap ka ng magaan dyan, sila na lang buhatin mo."

"Bakit ako maghahanap ng iba, nandyan ka naman na asawa ko?"

"Mabigat ako. Ayaw mo na sa akin."

"Wala naman akong sinabi na ayaw ko sa 'yo? Ang matampuhin mo, Ris." hinampas niya ang dibdib ko. Mabuti na lang at mahigpit ang pagkakabuhat ko sa kanya. Kung hindi, baka nabitiwan ko siya. Maisip ko pa lang na malalaglag ko ang asawa ko ay hindi ko na kaya. Paano kung masaktan pati ang anak namin?

"Ngayon, matampuhin na ko? Umalis ka dito. Lumabas ka ng kwarto. Ayaw kitang makita."

"Therese Emilia?"

"Lumayas ka!"

"Pinapalayas mo ko sa bahay ko?" natatawa na ko. Dahil ba 'to sa pagbubuntis niya kaya biglang uminit ang ulo niya? Inilapag ko siya dahil sumasakit na ang dibdib ko kakahampas niya. Nang makita kong matatag na ang tayo niya ay tsaka ako umatras ng bahagya.

"Okay. Ako na lang lalayas."

"Wait lang!" pigil ko sa kanya. "Saan ka na naman pupunta?"

"Lalayasan na kita. Ayaw mo na sa akin."

Niyakap ko siya ng mahigpit. Hindi naman siya ganito kanina. Pero naalala ko, naging ganito ang mga asawa ng mga kaibigan ko nang magbuntis din sila.

Normal lang 'yan, Sebby. Patience, patience! Kailangan mong mag-pasensya para sa mag-ina mo.

"Therese?"

"Ano?" paangil niyang sabi. Habang hinahaplos ang braso kong nakayakap sa kanya.

"I love you."

"Love you, too."

"Bakit ka nagagalit?" hindi ko mapigil ang pagtawa ng sumagot siya na para bang ayaw niya talagang sabihin na mahal niya rin ako. "Hindi mo na ko mahal?"

"Mahal."

"Mahal din kita." nagulat na lang ako ng bigla siyang umiyak. "O bakit? Ano na namang ginawa ko?"

"Wala. Kinilig lang ako."

Attorney Taray niyo, kinikilig sa akin.

Hans Needs To Be Fixed, TooTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon