Nasa condo kami ni Scarlet, ang babaeng Chua. Hindi ko alam kung bakit nang pinabasa ko kay Hans ang forwarded message ni Xtyn ay tumango lang siya at nag-maneho ng tahimik hanggang sa nakarating kami dito. Naiinis ba siya na tinanggap ko ang alok sa pagpunta dito? Sabi ko naman kahit ako na lang mag-isa, pero hindi siya pumayag.
Pagpasok namin ay tumambad sa akin ang magkapatid na Chua. Kaya pala, magkamukhang-magkamukha silang dalawa. Mahaba rin ang buhok ni Gray. Mas makintab pa nga kaysa sa buhok ni Scarlet pero halata naman kung sino ang babae sa kanilang dalawa. Bakit? Ahit ang kilay ni Scarlet.
“Happy Birthday, Red.” bati ni Hans dito. Ngumiti naman ang tinawag nitong Red sabay hampas sa braso ni Hans.
At sino ang nagbigay ng pahintuloy sa iyo na himasin ang braso ng fiance ko?
“Alam mo, Kuya Sebby, kapag narinig ka ni Tyn, magagalit sa 'yo 'yon.” nakangiti itong humarap sa akin, “You must be Ris. Hi, I'm Scarlet. I was informed of your presence tonight by our host.”
“Host? Hindi ikaw? Happy birthday, by the way. I'm sorry, I don't have anything for you. Hindi kasi ako nakapag-prepare agad.”
“No worries, Ris. Your presence tonight is more than enough. Tara, iwan mo na 'yan si Kuya Sebby. Greet the host. The duo. Today might be my day, but in reality, it is their anniversary. Anniversary talaga nila ang ise-celebrate natin tonight.”
Mula sa pintuan, halos sampung hakbang ang nilakad ko papunta sa kusina ng condo ni Scarlet. Doon ko nakita si Xtyn at Ollie na parehong may hawak na baso ng juice. Tyn is smiling widely while looking at the skies, habang si Ollie naman ay malawak ang ngiti habang nakatingin sa kanya.
Hay, bebe. If only you'll look at me that way. Sana hindi unrequited 'yong love mo.
Scarlet tapped my shoulders. Hindi ko alam kung nahalata niya ko at ang feelings ko kay Ollie. I decided to ignore what I am currently feeling and scanned the place. Scarlet's condo is not too big nor too small. May dalawang pinto sa left side, the bathroom and her room, na parehong malapit sa kitchen area niya na kumpleto sa gamit. Balcony na tanaw na tanaw ang lawak ng kalangitan at malaking entertainment space sa kanan. Maybe it was her own decision to make the place spacious.
Nakakailang, sa totoo lang, kasi pakiramdam ko ako lang ang outsider dito. We are twelve in this room pero hindi kami nagsisiksikan. Nakakatuwa lang na kahit hindi niya ko lubusang kilala, Scarlet hold onto me like I'm her best friend. Buong gabi siyang nakadikit sa akin habang si Hans ay kasama ng mga barkada niya.
After setting up the foods, Scarlet asked us to gather around the living room for her sweet surprise. She called us one by one to give her gifts. Totoo nga ang sinabi ni Ollie. Hindi mo siya kailangan bigyan dahil siya pa ang magbibigay sa iyo.
Bumaha ng pagkain at alak. Everyone is enjoying the night, everyone including me. They are indeed a bunch of good people. Hindi nila naiparamdam sa akin na hindi ako belong sa grupo nila. Habang tumatagal, mas lalo akong nagiging kumportable kasama sila. Katabi ko si Scarlet sa single-seater sofa niya. She's talking nonstop. Random lang naman. When you listen to her, there is a part of you that will be drawn closer to her. Parang may magic. Kahit alam mong kung ano-ano lang naman ang sinasabi niya, magugulat ka na lang na nakikinig ka pala at nakikipag-usap sa kanya. Her voice is warm and charming. Scarlet herself looks very cheerful and full of life. Hindi nakakapagtaka na hindi siya nakakaramdam ng pagkailang kahit hindi siya kasali sa grupo. She can easily blend in with just anyone.
“Sweetheart, can you please sing for us.” sabay kami napalingon ni Scarlet kay Dax. He was talking to Xtyn. Biglang umingay ang paligid, para bang bigla na lang natabunan ng ingay nila ang existence namin ni Scarlet. “Sing for Therese.”