Mansyon Villavicencio
08:34 PM
Bruno: Miss ka na namin Ris
Mac: Miss you ate Ris
Candy: Miss you ate Ris
Hi! Miss ko na din kayo.
Inday: Kumusta na si Nanay Anita?
Inday: Bakit kasi kailangan niyo pa umuwi ng probinsya? Hindi ba pwedeng dito na lang kayo magpagaling?
Kailangan kasi ni nanay ng sariwang hangin.
Uuwi rin ako dyan
Bruno: Nakakamiss ka pala, Ris?
Wow ha???
Bruno: Noon kasi kahit bihira ka namin makita dahil lagi kang kasama ni Sir Luis, alam namin na nandito ka lang. Ngayon kasi malayo ka talaga.
Candy: Ate alam mo ba sabay kayong umalis ni Kuya Hans dito sa bahay akala namin ni Mac magsasama na kayo eh
Ha???
Bakit siya umalis dyan?
Mac: Hindi rin namin alam ate huli namin nalaman namatay yung kaibigan ni Kuya Hans eh
Ha???
Bakit di ko nalaman?
Sinong kaibigan???
Inday: Si Kuya Ollie
Wait???
Si Ollie?
Anong nangyari???
Kailan pa?mm
Bruno: Kalma teh. May gusto ka ba sa kaibigan ni Hans?
Issue ka na naman Bruno
Kaibigan ko rin kasi yun
Bakit parang di ko nabalitaan?
Inday: Ano ka ba? Nakita ko pa nga comments mo sa post ni Ms. Tyn.
Akala ko may pakulo na naman silang magkakaibigan
Kailan pa to???
Bruno: Pa-siyam ngayon
Uuwi ako
Candy: Wow ate
Mac: Feeling ko talaga may gusto si ate Ris kay Kuya Ollie
Mac: Chill lang siya nung malaman niya balita kay Kuya Hans pero kay Kuya Ollie biglang uuwi?
May pangako lang ako
Hindi ko pa natutupad
Bibisita ko
Inday: Sus ate Ris
Candy: Kuya Hans na, Kuya Ollie pa. Sinuswerte naman talaga
Tumigil kayong dalawa
Seryoso to.
Seen by Inday and Candy