Oliver Morris Quintaña
11:23 AM
Nakausap ko na si Lola Sita.
Ang sabi niya, kahit pa makapangyarihan ang mga salita niya, kung ayaw magpakasal sa akin ni Ris wala na siyang magagawa.
Oliver Morris: Bakit kasi hindi ka na lang mag-confess?
We banter most of the time. I insult her all our life.
Sa tingin mo, kung aamin ako sa kanyang gusto ko siya, may magbabago ba?
Oliver Morris: Of course, paps!
Oliver Morris: Things will turn. Complete hundred and eighty degrees.
Ha?
Oliver Morris: 180° kako
Oliver Morris: Okay na?
Dyan nga ako sa 180 nalito.
Oliver Morris: Paps, magbabago ang lahat. Maniwala ka sa akin.
Oliver Morris: Bakit mo ba siya iniinsulto? Bakit mo ba siya ginagalit? Bakit mo siya inaaway?
Oliver Morris: Di ba, nagpapapansin ka lang?
She's so focused.
Hindi ko alam kung paano ko siya makakausap ng maayos because she's so independent. Hindi niya kailangan ng iba para maka-survive siya.
As much as I love her as a strong woman, I felt like, she will never need me.
Oliver Morris: Things will be complicated, more complicated, kapag umamin ka. You are so ruthless to Ris.
Oliver Morris: Mabait naman siya. She's very intellectual, too. Isipin mo na lang, she's younger than you but at a very young age, ganoon na kataas ang intellect niya. Ganoon na kabilib ang daddy mo sa kanya.
Yeah.
I hate her then because of that.
Lagi akong kinukumpara sa kanya ni Dad. Kung gaano kaganda ang background ni dad bilang pulitiko, na wala naman talaga siyang tinatago, ganoon kapangit ang marka niya sa akin.
Hindi mapanakit si dad; physically but emotionally, I was beaten. Why can't I be as smart as her? Why can't I be like her? You see her latest achievement, when was the last time you brought an achievement home? Ikaw ang lalaki pero laging 'yong babae ang nagdadala ng success sa bahay na 'to.
Ollie, I'm so tired. I'm so tired to prove myself. I'm so tired to compete. Tanggap ko naman na. Mas matalino siya. Mas magaling siya. Mas masipag siya. I will never be good as her.
Dad, instead of pushing me to be better, instead of challenging me to be Emilia, I was being compared. Pakiramdam ko wala na kong kayang gawin na tama. That's why I stopped doing my best. That's why I choose to stop learning new things.
I grow up hating her and then, all of a sudden, I just woke up one day that I like her. Hindi ko alam kung kailan nagsimula eh. Hindi ko alam kung paano. Ang huling naaalala ko, galit ako sa kanya kasi pakiramdam ko kinuha niya lahat sa akin. Inagaw niya ang lahat ng akin.
Kaya hindi ko alam kung paano ko siya pakikisamahan. Hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin. Hindi ko alam kung paano ko itatago yung nararamdaman ko.
Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanyang hindi naman talaga ko nagagalit sa kanya.
Galit ako sa sarili ko. Galit ako sa sarili ko kasi kahit ganito na yung nararamdaman ko, hindi ko maamin sa sarili kong gusto ko siya.
Oliver Morris: HAHAHAHAHA!
Anong nakakatawa?
Oliver Morris: Ikaw
At bakit?
Oliver Morris: Ayan na
Oliver Morris: Nagawa mo na
Ang alin?
Oliver Morris: Pag-amin
Ha?
Oliver Morris: You just admitted that you like her.
Oliver Morris: Ayan na yung hinihintay mo Sebby
Oliver Morris: Admitting that you like her is the first step. You acknowledging your feelings is the admission you are waiting for.
Oliver Morris: Hindi ka na mahihirapan umamin sa kanya.
No!
Paano kung supalpalin lang ako nun?
Oliver Morris: Sebby, rejection is part of the process.
Oliver Morris: It's okay to be rejected.
Oliver Morris: Later on, matanggap ka rin nyan.
Bwisit ka!
Bakit ba ikaw kinausap ko?
Oliver Morris: Wala ka naman makakausap na matino.
Oliver Morris: Ako lang
Whatever.
Oliver Morris: HAHAHAHAHA
Seen. 12:20 pm