15: An Old Saltbox House

643 86 29
                                    

Sandamakmak na libro ang nasa return counter ngayon kung saan naroroon si Annara. She's segregating the books and putting it in the bookcart. Mayamaya ay isa-isa niyang ibinabalik ang mga iyon sa mga estante kung saan ito nakahanay.

She's not in her moment right now. She felt panic and agitated. Halos ilang araw na rin siyang tila lutang at pagod. She's physically okay, but her mind is full–thinking about Wicker. She felt really upset with herself and the guilt in her chest is killing her.

Bakit ba gano'n ang inasal niya kay Wicker noong nasa coffee shop sila? Bakit ganoon na lang ang pakitungo niya rito? Ngayon ay tila binabalik-balikan siya ng eksenang iyon. Lalo na't halos isang linggo na rin niyang hindi nakikita si Wicker. Hindi ito pumapasok at kahit anino nito ay walang paramdam sa kanya. Iniisip niya ngayon na baka siya ang dahilan kung bakit bigla itong hindi na nagpakita.

Huminga siya nang malalim noong makabalik siya sa information counter at napaupo sa katabing silya na naroroon. Bagsak ang balikat niya at bahagyang napatungo.

"Annara, may problema ba?"

Nag-angat siya ng tingin nang magtanong si Miss Georgette sa harap niya. She's worried about her. She looked exhausted in her seat.

"Okay lang po ako, Miss Georgette," sagot niya at pilit na ngumiti para ikubli ang tunay niyang nararamdaman.

"If you're not feeling well don't hesitate to tell me, us here. Baka mamaya ay kung ano na naman ang mangyari sa 'yo."

She bowed. "Okay lang po ako. May iniisip lang."

Matapos niyon ay napatingin siya sa ilang librarian na nakatitig sa kanya na kap'wa nagsisipag-alala rin sa lagay niya.

Alam na alam ni Miss Georgette pati na ang mga librarian na naroroon ang nangyari sa kanya noong nakaraan. Naging usap-usapan din iyon panandalian sa buong campus dahil maraming estudyante ang nakakita nang pasanin siya ni Wicker upang isinugod patungong clinic. Some students are worried, but mostly felt scorned for her.

Habang walang estudyante ang dumarating para magpa-assist o manghiram ng libro, mas minabuti na lang niyang magbasa ng notes. Aaliwin na lang niya ang sarili habang nire-review ang lectures na mayroon siya.

She also felt distracted these days. Bakit ba siya nagkakaganoon? Dapat ay focus lang siya sa duty sa library at sa kanyang pag-aaral. Bakit nahahaluan ng iba ang dapat na priorities niya lang?

Nang ilipat niya ang mga pahina roon ay nakita niya ang isang maliit na papel na nalaglag sa sahig. Ang papel na iyon ay may sulat. Naalala niya bigla kung bakit mayroon siya nito na inipit niya sa kanyang kwaderno. It was Wicker's note for her. It was his thank you note he gave her. Nakasaad doon ang pasasalamat nito sa pagtulong na ginawa niya noon.

Ilang sandali lang ay napalingon siya sa kanyang bag. She saw Wicker's scarf. It was thick, soft and warm through her eyes. The sensation she felt when she wore it feel the same as she is imagining it from her neck. Wicker never doubted her, but she never let him know why she's having panic attacks. Kapag ba sinabi niya ito ay may magbabago?

For her, it has so many aspects to change. Maaaring mailang si Wicker kapag nalaman niyang nakaririnig siya ng mga ingay na hindi naman naririnig ng iba. Baka ay pagkamalan pa siyang nababaliw at iyon ang pinakaiiwas-iwasan niyang mangyari.

Baka ay mag-alala ito at sabihan pa siyang kumunsulta sa espesyalista. She just can't express herself very well. She's afraid and uncomfortable talking about it at the same time. Ano ba ang dapat niyang gawin?

Sa mga sumunod na araw ay halos hapon-hapon siyang naghihintay sa business building ng school. Nag-aasam na baka sakaling makita niya roon si Wicker habang dala niya ang scarf nito para kanyang isauli. Nagtanong na rin siya sa mga kamag-aral nito at palaging sinasabi ng mga ito na last week pa itong hindi pumapasok. And they don't even know why he stopped attending classes after that day. Umalis na ba ito o may nangyari lang na pang-personal?

Strange Voices of the DeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon