23: Peace of Mind

504 74 64
                                    

After the pictorial, Wicker gained so much admirers. Napapansin na siya noon ng ilang kababaihan sa campus, ngunit mas tumindi ang paghanga nila rito matapos ang pictorial niya. Hindi naman kasi maitatanggi ang lakas ng karisma niya sa mga babae. Kahit noon pa, noong nag-aaral pa lang siya sa Bellmoral, lapitin na talaga siya ng mga ito. Paano pa kapag inilabas na ang mga kopya ng school magazine at brochure na ang mukha niya ang nasa cover nito?

Pumasok si Wicker sa malawak na hallway ng main building ng campus. Sinalubong agad siya roon ng mga babaeng nakapansin sa kanya. They gave him flowers and letters and chocolates, it could be the photoshoot's impact. He doesn't expect this'll come.

"Wicker, bakit hindi ka kaya sumali sa basketball team ng school. Tiyak mabubuhay na naman ang varsity team na matagal nang inaagiw!"

"No, he should've join the school dance troupe. Mukhang magaling siyang sumayaw."

"Nahihibang ka na ba? You're talking about how he's capable of dancing, didn't you know that he's had photoshoot last time? Magkaiba ang pagsasayaw sa pagiging isang modelo. Duh!"

"Then he should try to join the art club. He can unleash his hidden talents. Do you sing, Wicker? P'wede ka rin sa school choir!"

These girls are pushing him into something he's not fond of. Pagsasayaw? Pagkanta? Pagguhit? He doesn't have that kind of talents. Maybe these girls are overthinking that his looks could do everything way beyond. Masyado yata silang nag-iisip ng kung ano-anong bagay na kayang gawin ni Wicker.

"Doesn't he look like Adrian?"

"Yeah, look at him. They're both cute. Kung hindi ko siya kilala bilang Wicker, iisipin ko talagang nagbalik na si Adrian sa campus."

"Pero mas maganda ang idea na parang magkapatid at kambal silang dalawa. Their features are quite the same."

Maraming mga estudyante ang nagpa-picture sa kanya roon sa hallway. Halos pinalibutan na siya mula roon. They wanted his sign, his picture and even his hug. Hindi naman matanggihan ni Wicker dahil wala na siyang ibang magagawa kung hindi pag-bigyan ang mga ito. They cornered him and he has no way out.

Simula nang maganap ang photoshoot, napansin din niyang kaliwa't kanan ang pagkukumpara at pagbanggit ng pangalang Adrian sa kanya. Sino ba ang Adrian na ito? Minsan ay napapaisip at nahihiwagaan siya kapag nadadawit siya kasama ng pangalan ng lalaking ito.

Habang pinalilibutan si Wicker ng mga estudyante ay nakita niya si Annara na mag-isa at nakatayo mula sa dulo ng hallway habang pinagmamasdan siya. She's seriously staring at him. Pinanonood niya rin ang mga babaeng abala sa paglapit kay Wicker.

Naroroon lang ito, nakatayo sa isang banda at hindi siya magawang lapitan tulad ng mga babae sa paligid niya.

"Uhm, girls, I have to go. Have something to do. See you later," nagpaalam na siya sa mga ito at dali-dali naglakad patungo kay Annara.

Annara didn't wait for him, she immediately turned her back at him and walked away.

"Annara, wait up," he called her out.

Patuloy pa rin itong naglakad na parang walang narinig. Umakyat siya sa hagdan patungong second floor hanggang sa inabutan na siya ni Wicker.

"Haven't seen you in a while. Kumusta ka?" Sinabayan niya ito sa paglalakad.

"I did the same thing as what I was doing for the last couple of years. Study, duty, go home and go back here again," matabang na sagot nito at napasinghap. Hindi siya makatingin kay Wicker. "Anyway, I have to go, may klase pa ako," dagdag niya at nagmadali sa paglalakad.

Strange Voices of the DeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon