33: Beauty and Yearning

497 56 16
                                    

There is beauty in longing, in yearning, in dreaming of what made her fall in love . . .

Wicker brought a cake for Catherine's growing business. They have to celebrate. Marami nang bumibili rito at malaki na ang nakukuha niyang promotion lalo na sa ilang social media sites para makita pa ng malawak na audience ang botique niya.

Naging sobrang busy ni Catherine kasama si Anton. Minsan na lang niyang matawagan si Wicker kaya naman ay sinurpresa niya ito sa kanyang botique.

"Congrats, babe!" Wicker kissed her cheek as soon as he got inside the botique. "Your botique will rise even higher than this. All your hardwork will pay off." He smiled proudly.

Ngumiti sa kanya si Catherine at kinalang ang kamay sa kanyang braso. "Thanks, babe."

Ilang saglit lang ay dumating na si Olly at Migo kasunod si Anton. Agad na sumalubong si Catherine sa mga ito. The boys congratulate her for the small success she's getting.

Habang nakaupo sila sa iisang table, Wicker can't focus about the ongoing conversation they are having. Tig-iisa rin sila ng champagne glass para lasingin ang mga sarili sa tagumpay ng botique.

"Babe, what's the matter?" tanong ni Catherine sa gilid niya. Kanina pa nito napapansin ang pagiging tahimik.

Biglang natauhan si Wicker at humarap sa kanya. "Nothing." Umiling siya. "Just thinking about something else. You were saying?" He cocked a brow.

"Dude, lumilipad na naman ba 'yang utak mo? Kanina pa ako kuwento nang kuwento rito tapos hindi ka naman pala nakikinig." Olly sighed.

Migo tapped him from the other seat across Anton. "You okay, Wick?" he asked.

Pinagmamasdan lang ni Catherine si Wicker dahil sa pagiging tahimik nito. He's not usually like this. Napapadalas ang pagtingin sa isang banda at pag-iisip sa ibang bagay. He sometimes smile without any reason to smile of. Kaya ay nagtataka na ang kasintahan sa mga ikinikilos nito.

Wicker went to the counter and volunteered to grab a bucket of ice for them.

Catherine followed him.

"Iba yata ang saya mo ngayon, ah?" Tumulong ito sa paglagay ng yelo sa bucket at kumuha pa ng isa pang champagne bottle. "Was it about the success I am having or is it something else? I think it's someone. Is it Annara who made you smile?" sunod niyang tanong.

Wicker looked at her. Did she really spilled that question smoothly? Parang iba ang dating nito sa kanya. Totoo bang si Annara ang iniisip nito kanina pa?

He can't react that quickly. Ang ibig bang sabihin nito ay si Annara nga talaga ang tumatakbo sa isip niya?

"Babe, bakit naman nasama bigla si Annara dito?"

"It seems she was the reason of that smile." Itinuro ni Catherine ang labi ni Wicker na kanina pa nakangiti. "Why didn't you bring her here? Para sana nakasama natin siyang mag-celebrate dito."

"She had life. Hindi siya palaging libre," saad ni Wicker at nakita ang pilit na ngiti ni Catherine mula sa kanya. "Look, babe, I'm sorry." Napailing-iling si Wicker.

"No. It's okay. Naiintindihan ko naman. Masyado akong busy. Hindi na kita masyadong nakakasama. I can't insert a little time to be with you. As long as hindi mo naman ako niloloko, I think that's enough for me."

Bumalik na si Catherine sa mahabang table kung nasaan sila nagdidiwang ng okasyon. Naiwan si Wicker mula sa counter at iniisip pa rin ang mga sinabi nito sa kanya.

Ilang linggo na ang nakalipas nang pagplanuhan ni Wicker ang pagtulong niya kay Annara-sa pag-aayos ng apartment nito.

Annara agreed with him. Pinagpaalam na rin niya ito sa ama. Ang problema lang niya ngayon ay kung paano siya makapagpapaalam sa dad niya para sa gagastusing renovation. Hindi biro ang gusto niyang mangyari para sa apartment nina Annara. Even if the renovation is not as massive as they think of it, it is still costly as they know. Gagastos at gagalaw talaga ang pera para dito.

Strange Voices of the DeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon