26: Somewhere Near

503 69 32
                                    

"Thank you for your time, Wicker. Hoping, maybe next time, we could talk longer." Jed tapped Wicker's shoulder as soon as they got out of the studio room.

Nagpaalam na ito sa kanya dahil may aasikasuhin pa itong ibang bagay at maging si Wicker ay may klase na sa mga oras na ito.

Jed rushed to the Fawnbrook Highschool as soon as he got his copy of the newly released school magazine. Hindi niya rin maitatangging hawig na hawig ni Adrian si Wicker kaya naman ay hindi siya nagdalawang isip na kapanayamin ito kahit na sa maikling oras lamang na mayroon siya.

Mas lumalim tuloy ang pag-aasam ni Wicker na malaman at makilala ang taong nasa likod ng pangalang Adrian. He have heard a lot of things about him. He got more curious about him of having close to his name. Sino nga ba talaga ang lalaking ito? Ano ang koneksiyon o kaugnayan nito sa kanya? Bakit palaging nadadawit siya sa kung ano'ng mayroon dito?

They'd talk privately. Sa maikling oras na iyon ay naitanong lang kay Wicker ang basic information niya at kung saan ang previous school na pinapasukan niya noon. But everything went way far. Ang inaasam ni Jed sa kanya ay makakalap ng importanteng impormasyon, ngunit malayo ang pag-aakala niya sa mga sagot ni Wicker.

He doesn't know anything about Adrian. Mas nalilito lang ito nang tuluyan.

Jed didn't say anything for Wicker to fully understand the situation or to think what's going on about the interview–where in fact he have the right to know the whole story. It's just he's giving him questions Wicker doesn't know anything about. Bitin at kulang ang panayam na iyon dahil naghahabol sila ng oras. Panay lang tungkol kay Adrian ang laman ng mga tanong matapos nitong makipagkilala sa kanya.

But Wicker highlighted one thing in that short interview; Jed said Adrian looks like him and he could probably somewhere near. Aside from that, he completely doesn't know what is all about.

These past days, Wicker didn't bother Annara ever again after hearing her that she doesn't need anyone but a peace of mind.

Ayaw niyang pilitin ang kanyang sarili sa mga taong ayaw naman siyang makasama. Itinuon na lamang niya ang kanyang atensyon sa paparating na mga pagsusulit sa mga susunod na linggo. Pinaghahandaan na rin niya ang pagdating ng school festival na idadaos sa kanilang eskwelahan.

Once he gets avoided by someone, he surely never disturb them again.

Hindi siya galit kay Annara o kung ano man. Noong una ay nagkaroon siya ng tampo rito, ngunit ano ang karapatan niya para maramdaman ito? Siguro nga ay ganoon talaga, he must've respect her. Kung ayaw niya, hindi na ipagsisiksikan ni Wicker ang sarili niya.

Madalas makita ni Wicker si Annara, ngunit hindi nila magawang mag-usap o kumustahin ang isa't isa. Their eyes sometimes meet, yet it was quick. Dahil sa t'wing mahuhuli ni Wicker si Annara na nakatingin sa kanya, bigla itong iiwas ng tingin. She pretends that he's not existing, yet she always have her eye on him.

Maging noong binisita ni Catherine si Wicker sa eskwelahan nito. Mula sa parking lot habang magkatabi silang dalawa. Nakita ni Wicker kung paano sila pinagmamasdan ni Annara sa malayo. He doesn't know if she wants to say something or she's just keeping her eyes on Wicker. Kung may sasabihin man ito, bakit hindi ito maglakas-loob na lapitan siya?

Nakatuon lang ang atensiyon ni Wicker sa kalsada habang nagmamaneho. He's with Catherine sitting on the passenger seat.

"Babe, magkaaway ba kayong dalawa ni Annara?"

Natigilan si Wicker nang magtanong ito sa kanya. He swallowed a lump sudden formed in his throat.

Agad siyang umiling. "No. Why'd you say that?" Saglit na sumulyap ito sa kasintahan niya at pilit na ngumiti.

Strange Voices of the DeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon