25: A Cry for Help

537 66 31
                                    

Nagsimula na namang maging mag-isa si Annara. She used to be living like this a couple of years ago. Now, it seems things happening again.

Tulad nang dati, maaga siyang papasok sa eskwelahan, a-attend ng klase, magdu-duty sa library at uuwi na agad. Seems her world became no fun and quiet again. Bakit ba kasi pinagtulakan niya si Wicker noong nakaraan? Ilang beses na siyang naging ganito sa taong iyon. She didn't think about what would he feel from her being so cocky all of a sudden. Nagseselos ba siya sa mga babaeng humahanga na ngayon kay Wicker o kailangan ay ituon lang sa kanya ang atensyon nito?

Naglalakad siya mula sa malawak na pavement patungo sa garden ng campus. Doon siya manananghalian ngayon. Dumaan siya mula sa likod na bahagi nito at binuksan ang garden gate habang bitbit ang kanyang pagkain.

She paused when she saw Wicker there eating his lunch alone. He's sitting in an opened hut. Pinagmamasdan niya lang ito at naawa nang kaunti dahil wala itong kasama.

She felt a stung in her heart. A guilt that came all along. Naalala niya na hindi ito sanay makasama ang sandamakmak na mga babae. Mukhang napipilitan lang ito since tinanggap niya ang photoshoot offer at lumaganap na ang exposure niya sa buong campus. His pictures went viral online and the impact of his looks grew on them.

Medyo naiinis din si Annara sa sarili niya. Ito ba ang peace of mind na gusto niya? Ang makita si Wicker na mag-isa at walang kasama? Tila ba binabalik-balikan siya nang kahapong iyon. Oo, maaari naman itong sumama sa iba dahil naging popular na ito sa buong campus. Pero mukhang mas komportable itong mapag-isa.

Sa kalagitnaan nang patitig niya rito at bigla pumihit ang leeg nito at tumingin sa direksyon niya. She gasped and hide on the near plant immediately. Napahawak siya sa kanyang dibdib at siniksik ang katawan sa halamang naroroon para hindi siya makita nito.

Muli ay huminga siya nang malalim at tumayo saka naglakad papalayo. She closed her eyes and thinking about blaming herself. Ano ba ang kasalanan ni Wicker sa kanya at kailangan niyang gawin ang bagay na iyon? Bakit ba niya kailangan iwasan ito? Bakit ba niya pinagtataguan ito?

There's an ache erupted in her heart. She's so relentless towards him. Naiinis siya sa inasal niya rito. How dare she?

Nagtungo na lang siya sa library at nawalan na nang gana. The guilt is haunting her . . . seeing Wicker there all alone. Hindi mawala sa kanya ang isipin ito. Naaawa siya rito at naiinis sa sarili niya at the same time. Ano ba ang dapat niyang gawin? Maybe, she could apologize to him for overreacting. Pero paano niya iyon gagawin? Paano kung hindi nito tanggapin ang sorry niya? Paano kung galit na ito sa kanya? He never talked to her again after she told him she doesn't want a care from anyone but a peace of mind.

"Annara, okay ka lang?" Napalingon siya nang magsalita si Miss Georgette sa tabi niya. May dala-dala itong mga libro galing ng return section.

Bigla siyang natauhan at tumango.

"Napansin kong kanina ka pa tulala r'yan. May problema ba? And you looked pale. Nananghalian ka na ba?" There's a concern tone in Miss Georgette's voice. Maging sa mukha niya ay bakas din ang pag-aalala para dito.

She shook her head and smiled at her. "Busog pa po ako, Miss Georgette." Tumayo siya at naglakad palabas ng information counter para magpanggap na mag-a-assist ng mga estudyante.

Hindi niya aakalaing sumunod ito sa kanya. "Dahil ba kay Wicker?"

Natigilan siya saka umiling dito.

"Nag-away ba kayo? I've always seeing him here a lot of times. Pero napansin ko nitong mga nakalipas na linggo, parang hindi na siya nagpupunta rito."

Strange Voices of the DeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon