12: The Cliffside Jump

683 87 31
                                    

Adrian is twelve while Annara is nine. Three years gap but no one can restrain their connectedness.

It was tuesday afternoon and of course, they'll be having good fun until the day ends. Susulitin nila ang araw na iyon.

Inihagis nila ang kanilang mga bitbit na bag sa kabilang bakod. Umapak si Annara sa likod ni Adrian at sumampa ito sa chain-link fence na mahabang bakuran mula sa may bakanteng lote malayo sa kanilang eskwelahan . . . maging sa kanilang bahay. It was also far away from houses nearby.

They are going to an old, rigid but tall mango tree in the middle of the land. Malawak ang loteng ito kumpara sa ibang nakikita nila. Mataas kasi ang lupain na nasasakupan nito, halos nasa dulo na rin at 'di kalayuan sa dagat.

"Ano'ng ginagawa mo r'yan? Halika na, umakyat na tayo!" sigaw ni Annara habang hinihintay si Adrian na palinga-linga nang makarating sila sa tabi ng puno ng mangga.

"Mabilis lang tayo, ah. Kasi . . ." hindi mapakali ang mga mata niya, "masungit 'yong may-ari ng lugar na 'to. May nahuli kasi silang mga bata na nagpunta rito. Baka ipakulong nila tayo."

Annara pouts her lips. "Ikaw, natatakot?" Hindi ito naniniwala. "Sa lahat ng pinuntahan natin, ngayon lang kita nakitang ganyan. Halika na, umakyat na tayo. Sabi mo may ipapakita ka sa akin kapag nasa tuktok na tayo ng punong ito?"

Tumingala si Annara at umibabaw sa kanya ang tayog ng punong ito. Sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi nang mapagmasdan ang umaalon na mga dahon nito mula sa mga sanga. Wala pa itong bunga, ngunit 'pag pumatak na ang tag-init, malamang ay sagana na ito sa hitik na hitik na mga bunga.

Tumitig si Adrian sa kanya. May bakas ng pag-aalala rito at kaunting alinlangan. Pero sa mukha ni Annara, wala kang mababanaag na kaba. Halatang gustong-gusto niyang makita ang kung ano ang nasa tuktok ng puno kahit pa mahuli sila ng may-ari nito.

The latter consequences doesn't matter at all.

Adrian helped her to climb the tree. Pinakapit niya ito sa mga matitibay na sanga hanggang sa makarating ito sa dulo.

Nakasabit sa leeg niya ang lumang binoculars. She's too excited when she got to the peak of the tree. Namangha na lang siya sa nakikita ng mga mata.

"Adrian, sobrang ganda rito!" singhal niya at halos busugin ang mga mata sa mga napapanood.

Pinagmasdan niya ang papalubog na araw mula sa gawing kanluran. Nasisilip niya rin doon ang lawak ng dagat, ang alon at ang linaw ng tubig mula sa binoculars na gamit niya. Ngunit hindi niya naririnig ang malakas na alon, subalit nararamdaman niya ang lakas ng hangin mula roon. Sa kabilang banda naman ay napapanood niya ang ilang nagtataasang mga puno at mga berdeng halaman na nakapaligid sa ilalim nito. Naliligiran ng anino ng mga ito ang liwanag na nagmumula sa papalubog na araw.

The scarlet-orange clear sky gave her warmth and comfort and serenity. The sunset is really glorious and breathtaking. It was surreal and almost heavenly. Ganitong-ganito ang hitsura ng nakikita niya mula sa mga painting, subalit ngayon, nasasaksihan na niya ito ng pangkasalukuyan.

Her heart filled with so much joy. Her smile contained with so much happiness. In the tree, she's somehow seeing everything above the world.

Hindi maialis ang tuwa sa kanya. May kaba pero nababalutan ito ng saya. Adrian really promised her to see this all at once. Hindi niya lubos akalaing totoo nga ang ikinuk'wento nito sa kanya. Napakaganda talaga ng kabuuan nito mula sa tuktok ng puno. Walang paglagyan ang kanyang sayang nadarama.

"Adrian, bakit hindi ka pa umaakyat?" Sinilip niya ito mula sa ibaba.

Ayaw tumingala ni Adrian dahil nakasuot si Annara ng palda. Naka-uniporme pa rin sila hanggang ngayon.

Strange Voices of the DeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon