Kabanata 10
Master Sol
🍁🍁🍁
Kalalabas ko lang sa aming silid bago nag tungo muli sa palasyo. Umaakyan ako ngayon sa hagdan patungo sa palasyo na napaka sobrang dahil bago ka makarating sa bukana ng palasyo ay pagdadaanan mo pa ang mahabang hagdanan. Kailangan ko syang puntahan dahil iyon ang aking trabaho ang pag silbihan ang mahal na kamahalan sa lahat ng oras. Paakyat na sana ako sa mahabang hagdanan ng makasalubong ko ang isang babae na mala dyosa ang ganda at katawan. May kasama syang ibang alalay at dere deretso lamang ang kanilang lakad bago ako lagpasan.
Mukhang hindi nila ako napansin kung kaya't nag kibit balikat na lamang ako. Ngunit bago ako nagpatuloy sa paglalakad ay narinig ko ang sigaw ng babaeng dyosa.
"Ano?!" sigaw nito
"Ang tagal kong nawala tapos hindi nya ako papasukin? Nasan si Prinsipe Darzen ako mismo kakausap sa kanya?" masungit nitong pahayag
Mukhang mas mataray ito kaysa kay Lady Amity. Mukhang mahirap pati sya pakiusapan base sa inakto nito. Magpapatuloy sana ako sa paglalakad at balak sana lagpasan na lamang sila ngunit nakaka isang hakbang pa lang ako ng marinig ko ang pag tawag sa kanya ng alipin.
"Lady Ariela, huminahon kayong maigi. Ihahatid naming kayo papunta sa kamahalan.."
Lady Ariela?
Napaawang ang labi ko ng malaman ko kung sino yung babae kanina. Kung ganon sya yung madalas kong naririnig sa ibang alipin dito sa Golden Sky Palace? Sya rin yung narinig ko sa sinabe ni Lady Amity kausap ang kamahalan?
Nagbalik na sya? Mukhang.... mukhang makikita ko na sya madalas.
Mapait akong ngumiti. Maganda sya at walang katulad. Hindi kataka taka kung bakit isa sya sa mapipili bilang kabiyak ng kamahalan. Di hamak sa katulad ko na kalaban pa ang turing nila sa aming angkan. Tapos wala pa akong binatbat sa ganda nya.
Ganito ba yung pakiramdam na manliit bigla sa sarili at ikumpara ang sarili sa iba? Kung ganon masyadong masakit pala sa pakiramdam.
Napabalik ako sa aking katinuan ng may humarang sa aking dinadaanan. Hindi ko pala napansin na nag lalakad na pala ako patungo sa loob ng palasyo.
"Nakita mo na siguro ang magiging reyna pag dating ng panahon?" mapang asar na wika ni Lady Amity sa akin. Huminto ako sa harapan nya bago tumungo bilang galang sa kanya at mabilis din tumayo ng tuwid.
Nakita ko pa ang ngisi nito sa mga labi. "Doon pa lang sa kanya alam mong wala ka ng pag asa..."
Hindi ako umimik sa sinabe nya at nanatiling tahimik lang. Hindi ako makapag isip ng maayos dahil iniisip ko pa lang na masaya ang kamahalan sa kanya para ng binibiyak yung puso ko agad.
"Nararapat lang sayo yan. Hindi ka nababagay na maging reyna ng buong golden sky kingdom at mas lalo na sa puso ng prinsipe..."
Tumawa itong muli bago nag laho na parang mga dahon na lumilipad.
Hindi ako nababagay? Tama sya hindi nga siguro ako nababagay para sa prinsipe. Halos lahat tama sya... ano nga lang ba ako? Isang hamak na taga hanga lang naman ako. Isang alipin lang ng kamahalan.
Minsan naiisip ko bakit nga ba napunta ako sa ganitong estado? Bakit sa pamilya ko pa sila galit?
Tinignan ko ang kamahalan kasama si Lady Ariela. Nag teleport na ako upang makita silang dalawa. Nakatago lamang ako sa isang lugar na hindi makikita kahit ang kamahalan. Ngunit naging mali pala ang desisyon ko na makita silang dalawa. Dahil nakita kong mabilis na yinakap ni Lady Ariela ang kamahalan. Doon ako natigilan at mas lalong nawasak.
BINABASA MO ANG
Ferocious Battle [On Going]
Spiritual"Hindi ako naniniwala sa pagibig." the young man said "Maniniwala ka, kapag nakita mo na sya.." the old man said (Credit sa quotes by A T T I C U S) Sa nagdaang taon ang batang lalaki ay hindi naniniwala sa pag ibig hanggang sa paglaki nito. Ngunit...