Kabanata 13
Tamis ng Pag-ibig
🍁🍁🍁
Sa tulong ng mga Babaylan at ng Poisonous Herbal Clan napagaling agad ang mga nasugatan. Umalis na ang iilan na Pinuno katulad nila Master Dran, Lady Serenity, Master Jermiah, at Master Pei. Yung iba ay hindi naman pumunta sa panaluyan kung saan kami tumutuloy ngayon dahil marami pa daw silang gagawin. Ang natira na lang dito ay si Master Noah at Lady Akari.
Nandito kami ngayon ni Prinsipe Hades sa harap ng panaluyan namin. Kausap kase ngayon ng kamahalan ang dalawang Master marahil ay pagtapos nito kailangan nilang pumunta ulit sa palasyo upang mag pulong ulit.
Nakita kong tumango tango ang dalawang Master sa kamahalan bago sa kanya nagpaalam. Tumango din sila sa aking kaya nag bigay galang at pugay ako sa kanila bago umalis.
Humarap sa akin ang kamahalan kung kaya't nabaling sa kanya ang aking paningin.
"Sumama ka sa akin," wika nito bago ako nilagpasan. Nagkibit balikat na lang ako at sinundan ang kamahalan. Mukhang mayroon kaming pupuntahan ngayon. Ngunit saan naman kaya ito?
"Saan tayo pupunta, kamahalan?"
"Saan mo ba gusto?"
"Kung ano gusto nyo yun din ang gusto ko..." nilingon nya ako bago tinaasan ng kilay
Ngumiti lang ako sa kanya. "Nagugutom ako, kamahalan. Kain muna tayo bago maglibot ng Centro."
Hindi sya sumagot basta na lang umiling at dumeretso ang tingin sa daan. Mas lumapad ang ngiti sa aking labi at masayang tinitignan ang mga bawat tindahan. May iilan akong nakikitang mga bata na bumibili ng mga pagkain. Yung iba naman nakikita kong nagsasayahan kumain kasama ang pamilya at kaibigan.
Tinuro ko ang kamahalan na bumili kami ng matamis na pagkain ngunit umiling sya. Sunod akong pumunta sa may pagkain na tinapay na kulay puti at bilog ang hugis. Dalawa ang binili ko at binigay iyon sa kamahalan.
Noong una hindi nya gusto pero dahil pinakagat ko sya ng pagkain ko hindi na sya nakaangal at kinain na rin yung kanyang pagkain.
Sunod namin napuntahan ang ibang palamuti ngunit hindi iyon nakaagaw ng pansin ko bagkus ayung sombrero na mayroong tabing ang disenyo. Para ka din natatakluban ang iyong mukha kapag suot ito. Sinubukan kong suotin ito at tinignan ko kung babagay sa akin.
"Maganda ba kamahalan?" tanong ko sa kanya ngunit umiling lamang sya. Ngumiwi ako bago sinoli ang sumbrero na yun.
Napansin kong kumuha sya ng bulaklak na desenyo sa buhok. Laking gulat ko na nilagay nya iyon sa aking buhok na nasa bandang tainga. Hindi ko alam kung ano ang marereaksyon ko sa ginawa nya.
"Maganda ka na..." sabay tingin sa aking mga mata. Pinagmas ko lamang ang tingin nya sa akin pero ako agad ang umiwas at umatras ng kaunti.
"Sigurado ba kayo kamahalan? Kaya na ba ito talunin ang ganda ni Lady Ariela?" biro ko sabay tawa. Ngunit seryoso lang syang nakatingin sa akin. Iyon nga lang iba yung pagkaseryoso nya ngayon parang kumikinang ang mata nya habang nakatingin sa akin.
"Mas maganda ka kung tatahimik mo yung bibig mo." sabay pakain nya sa akin ng pagkain nya. Napanguso ako habang pinapanood syang magbayad ng kinuha nyang bulaklak na disenyo para sa aking palamuti sa katawan.
BINABASA MO ANG
Ferocious Battle [On Going]
Spiritual"Hindi ako naniniwala sa pagibig." the young man said "Maniniwala ka, kapag nakita mo na sya.." the old man said (Credit sa quotes by A T T I C U S) Sa nagdaang taon ang batang lalaki ay hindi naniniwala sa pag ibig hanggang sa paglaki nito. Ngunit...