Kabanata 7
Panaginip
🍁🍁🍁
Keziah Emerald Isha Point of View
Nakita kong nakakunot ang noo ng kamahalan. Itim ang kanyang mata at mayroong guhit sa kanyang pisnge mula sa mata nito. Hindi ko maintindihan ang nangyayare. Hindi ko alam kung nasaan ako. Dilim lang ang aking nakikita pero nasa harapan ko ang kamahalan mayroon itong hawak ng espada gawa ngunit kakaiba ito sa lahat dahil may itim dito na bumabalot.
"Kamahalan? Gumising ka! Kinokontrol ka ng demon mo" sigaw ko.
Demon? Teka? Hindi ko nakokontrol ang sarili ko. Ano ba itong nangyayare sa akin?
"Paki usap! Bumalik ka na iyong dating anyo. Maraming bayan ang naghihintay sayo. Ikaw ang magiging hari ng buong Arsenia." sumugod sya sa akin at nagulat ako ng nagkaroon ako ng sandata na mukhang kakaiba din. Mayroong kuryenteng bumabalot dito at batid kong mas malakas ito kaysa sa Excalibur na basbas mula sa langit. Pinigilan ko sya. Sinasalag ko lang ang bawat atake nya. Nakikita ko ang poot sa kanyang mga mata. Nasasaktan ako. Hindi ko maintindihan ang nangyayare.
"Iisa lang ang dapat mamatay sa ating dawa." wika nito ngunit iba ang kanyang boses. Tila parang isang demonyo na hinalo sa kanyang tinig. "at Ikaw yun!"
Wala akong ginawa kundi labanan sya. Pero naramdaman ko ang pag tulo ng aking luha sa pisnge ko.
"Bumalik ka na mahal ko..." natigilan ito sa sinabe ko.
Mabilis akong napamulat mula sa aking panaginip. Panaginip nga ba ito o bangungot? Hingal na hingal ako dahil sa nangyare. Anong klaseng panaginip iyon? Bakit nandoon ang kamahalan?
Mahal ko?
Totoo kaya yun? O isang klaseng panaginip na binuo lamang ng aking isipan?
Inalis ko na lamang iyon sa aking utak upang hindi na ako gambalain pa sa susunod. Napahawak ako sa aking tiyan kaya sinilip ko iyon. Nakita kong wala na ang sugat at lason na natamo ko. Kasabay non ang pagbukas ng pintuan kaya nilingon ko ito.
Si Binibining Amelia kasama si Cyndel. "Mabuti at nagising ka na." wika ng Binibini sa akin
"Salamat na lang na may dumating na magaling na manggagamot dito sa bahay ng dating hari." wika naman ni Cyndel
Natahimik ako at napatingin sa dalawa. "Ilang araw na ba akong natutulog?"
"Dalawang araw na." sagot ni Cyndel.
Nagulat ako sa sinabe nya. Mukhang masama nga ang naging lagay ko. Mabuti nga at hindi tumagal di katulad noong nangyare. Pero malakas naman ako ngayon kaya hindi ko na kailangan pumunta sa nyebeng lugar.
"Kailangan ko pang puntahan ang Heneral dahil kagigising nya lang din." tumango ako sa sinabe ng Binibini bago ngumiti. Umalis ito ngayon kaya naiwan kami ni Cyndel sa kwarto.
"Maayos na ba ang pakiramdam mo? Maari na natin puntahan si Heneral Vicente." wika ni Cyndel sa akin
"Sinabe mo na ba kay Heneral?"
BINABASA MO ANG
Ferocious Battle [On Going]
Spiritual"Hindi ako naniniwala sa pagibig." the young man said "Maniniwala ka, kapag nakita mo na sya.." the old man said (Credit sa quotes by A T T I C U S) Sa nagdaang taon ang batang lalaki ay hindi naniniwala sa pag ibig hanggang sa paglaki nito. Ngunit...