Kabanata 12
Pagpupulong ng iba't ibang pinuno
🍁🍁🍁
Seryoso akong nakatingin sa harapan namin habang kinakausap ng kamahalan ang taga bantay sa Pagpupulong ng lahat ng mga pinuno. Pinakita ng kamahalan ang palawit na palatandaang na kami ay taga Golden Sky Palace. Pagkakita ng kamahalan ay pinapasok na kami nito. Nasa hulihan ako nakapwesto kung kaya't pinagmamasdan ko ang lahat na nakabantay sa pagpasok. Maging ang sumunod sa amin ay tinignan ko habang naglalakad papasok sa lugar na pagpupulungan ng mga pinuno.
Napansin kong nagkagulo pa ang sumunod sa amin na parang ayaw ata sila papasukin. Nakakapag taka lamang bakit sila hinarang ng ibang taga bantay?
"Kei!" tawag sa akin ni Cyndel kaya naman agad akong sumunod sa kanya
Tahimik lang kaming sumunod sa kamahalan. Nilagpasan pa namin ang magubat na daanan bago kami nakapunta sa magarang lugar kung saan magpupulong ang lahat. Sa gitnang bahagi ay matatagpuan ang malaking bukal habang nakapalibot ang lahat ng upuan sa parihabang bukal sa gitnang bahagi. Umupo na kaming lahat bago kami tumingin sa harap namin kung saan naka upo na ang Leader ng Council. Sila ang gumagabay sa lahat ng panukala at batas dito sa Arsenia.
Napansin kong kinausap ni Lady Ariela si Prinsipe Hades. Palibhasa magkatabi silang dalawa. Hindi ko mapigilan tuloy mainis bigla. Nakakainis kaseng makita na dinidikitan ni Lady Ariela ang kamahalan. Nasa likod lang ako naka upo dahil ang katabi pa ng kamahalan ay si Captain Jarred. Tapos sa likod nito ay si Mari na ang mga katabi nito ay ang mga Royal Knights.
"Hahanapin mo lang ako kapag kailangan mo ako. Psh!" bulong ko sa hangin bago pinag krus ang braso sa aking dibdib.
"Seselos ka na naman dyan, Kei." asar na wika ni Cyndel na sinamaan ko ng tingin sa kanya
"Dapat kase inunahan mo o di kaya doon ka sa tabi ni Lady Amity para naman medyo kahilera mo ang Prinsipe." natatawa nitong wika.
"Hindi na kailangan. Masaya na ako dito na katabi kayo." wika ko ngunit narinig ko ang bungisngis ni Ligaya sa aking tabi.
Sinamaan ko lamang sya ng tingin na agad nyang kinahinto. Hindi ko na lang sila pinansin bagkus ay minatyagan ko ang bawat paligid. Halos lahat ay nandito na kung kaya't nagsimula na ang Leader ng Council na si Oring upang makipag kaisa para matalo ang kadiliman.
Napansin kong nandito na ang ibang pinuno katulad ni Master Noah. Sya yung nakita ko noong unang araw ko sa Centro. Kasama nya ang iilang miyembro ng kanilang grupo na kasapi rin sa shaman. Nakita ko din si Lady Akari kasama ang iilang miyembro ng Floral Realm. Ganoon din si Master Carter na may iilang kasama na miyembro ng Poisonous Herbal Clan. May iilan pa akong pinuno na nakikita ngunit hindi ko sila kilala. Madalas lang sa akin ikwento noon ng aking Ama ang tatlong pinuno na naging kaibigan din nito kung kaya't kilala ko silang tatlo.
"Diba si Lady Serenity iyon ng mga Babaylan?" rinig kong tanong iyon ni Mari
"Oo. Ang ganda nya noh?" wika naman ni Ligaya kaya napatingin ako sa tinitignan nila. Nasa tabi lang namin na pwesto ang tinitignan nila kung kaya't mabilis kong nakita ang tinutukoy nila na si Lady Serenity.
"Sino si Lady Serenity?" tanong ko sa kanila
"Sya ang pinuno ng mga Babaylan. Sikat sila sa buong Arsenia dahil sila ang madalas ang nagpapagaling sa mga may sakit. Para silang Poisonous Herbal Clan na pwedeng manggamot o di kaya para ring Witch Tribe dahil kaya din nilang mangkulam." si Tiarra ang sumagot
BINABASA MO ANG
Ferocious Battle [On Going]
Spiritual"Hindi ako naniniwala sa pagibig." the young man said "Maniniwala ka, kapag nakita mo na sya.." the old man said (Credit sa quotes by A T T I C U S) Sa nagdaang taon ang batang lalaki ay hindi naniniwala sa pag ibig hanggang sa paglaki nito. Ngunit...