Kabanata 14

19 2 3
                                    

Kabanata 14


Misyon ng Hari kay Prinsipe Hades



🍁🍁🍁



Keziah Emerld Isha Point of View


Tinignan ko ang aking mga Royal Knights at si Eliot na nagsasanay dito sa gubat. Nasa tagong lugar kami kung kaya't walang makakita sa amin dahil medyo malapit ito sa bayan. Iyon nga lang hindi masyadong napupuntahan kaya ito ang napag pasyahan kong lugar kung saan bubuin ko ang 12 na District dito sa Golden Sky Kingdom. Nakitaan ko kase ng kakayahan si Eliot kung kaya't pinagsasanay ko sila kasama si Ray, Ryu, Sky, Acey, at Hermes ang aking mga Royal Knights.


"Ikaw na ang bahala sa kanila Hermes. Maiiwan ko muna kayo dito at hindi muna sa akin sasama. Maghahakot pa ako ng labing isa na magiging pinuno bawat Distrito."


Tumango ito sa akin. "Lahat ay gagawin ko para maging malakas sila, Pinuno."


Tumingin ako kay Eliot na sinasanay ni Acey sa pakikipaglaban. "Sya ang kauna unahan nating nakuha kung saan sya ang magiging pinuno ng District 1."


"Kailangan mo syang masanay Hermes. Naniniwala ako sa kakayahan nya na kaya nyang maging malakas katulad nyo. Sina Ray at Ryu ay kailangan pang mag ensayo dahil hindi basta basta ang kanilang haharapin lalo na at mga half breed sila. Hindi pa nila gamay ang kanilang kapangyarihan."


Tumango tango ito sa akin. "Ako na ang bahala sa kanila ngunit paano kayo?"


"Wag mo ako alalahanin. Kailangan ko lang muna sa ngayon pumunta sa bayan para doon maghanap pa ng ilang nilalang na nararapat sa Distrito."


Hindi na ito sumagot at tumingin na lang sa mga nag eensayo. Pinaubaya ko na ito ang lahat kay Hermes dahil alam ko kaya nyang palakasin pa ang mga kasama nya. Umalis na ako doon at pumunta sa palasyo. Pumunta ako sa kusina upang alamin kung anong lagay nila doon. Ngunit nakita ko na inuutusan nila si Niela na bagay na kinatuwa ko.


Masayang tumutulong na ngayon si Niela sa iilan pero lalo syang sumaya ng makita ako. Dali dali syang pumunta sa harap ko upang bigyan ako ng yakap. Labis akong natuwa sa kanya kaya lumuhod pa ako para maka pantay sa kanya.


"Nagluluto ka rin ba?" tanong ko sa kanya

"Hindi po. Tinutulungan ko lang po sila mag luto." sagot nya sa akin

Ginulo ko ng bahagya ang kanyang ulo kahit nakatali ito ng tirintas. Napatingin ako kala Binibining Felicia na seryosong nagluluto. Si Ginoong Hernan naman ang nagtitimpla ng lahat na rekado. Ang lahat na taga luto ay masyadong tutok sa kanilang ginagawa. Marahil ay niluluto na nila ang pagkain sa Hari at Reyna.

Ferocious Battle [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon