Kabanata 8
Acasia
🍁🍁🍁
"Ranseur ba ang tawag dyan?" rinig kong tanong sa akin ni Cyndel. Tumango ako sa kanya, hindi ko sya nilingon dahil nasa sandata ang aking paningin. Tumingin pa ako sa iba't ibang sandata ngunit naagaw ng aking paningin ang mga ibang sandata na nakapaloob sa salamin. Batid kong mahahalaga ang mga sandatang iyon o di kaya makakapangyarihan. Pero ang aking pinagtataka paano nakuha ng kamahalan ang mga ganitong klaseng sandata?
Nasa harap na ako ng Dragon Sword. Nakapaloob din ito sa babasagin na lagyanan. Ito ang isa sa mga sikat na sandata dahil minsan na itong ginamit ng mga nakaraang hari. May iba naman na sandatang binigay ng bathala noon sa mga taga pangalaga katulad ng Charmalagne Sword at Fantasy Sword. Halos nandito din ang dalawang sandata na naka seldo din katulad ng iba.
"Minsan ko ng narinig na ginamit ng Hari at Reyna ang dalawang iyan." sulpot ni Cyndel sa aking tabi habang pinagmamasdan din ang aking tinitignan.
"Ang sabe ni Captain Jarred bihira lang din ang merong Excalibur na sandata. Hindi ka ba tinanong noon kung bakit kang meron ganyan?" tanong pa ni Cyndel habang nakatingin sa akin. Ang sandata ko ang tinutukoy nya kung kaya't napahawak ako sa aking Excalibur.
Tinanong na sa akin iyon ng kamahalan ngunit dahil alam kong itatanong nya iyon ay nakaisip na ako ng dahilan. May isang ermitanyo ang nag bigay sa akin, iyon mismo ang aking sinabe sa kanya. Hindi ko alam kung maniniwala ba sya o hindi. Pagtapos ng sinabe ko ay hindi na muli sya nag tanong pa.
Tinignan ko muli ang aking sandata bago tumingin sa harapan kung saan nakikita namin ngayon ang mga iilang kagamitan sa pakikipag laban.
"Umalis na tayo, baka may makakita pa sa atin dito." wika ko sa kanya. Tumango ito bago kami naglaho. Sa kwarto namin, kami ni Cyndel na lumabas, sakto naman na syang pag bukas ng pintuan.
Tinago ko ang aking gulat ngunit si Cyndel ay nakita nila Ligaya at Jewel. Natawa na nga lang si Ligaya dahil sa itsura ni Cyndel. Napailing na lang ako habang nakangiti. Muntik na kaming mahuli mabuti na lang pala at naisipan kong umalis agad.
"Pasensya na, hindi ko alam na may tao." wika ni Ligaya bago sila nag tungo sa kanilang mga kama. Maswerte pa kami dahil nasa kama na kami agad bago bumukas ang pintuan.
"Okay lang! Kase itong si Kei mayroong problema hindi nya sa aking masabe at gusto na lang daw mag isa. Bilang kaibigan gusto ko syang samahan kaya tahimik lang akong pinagmamasdan sya." napakunot ang noo ko sa sinabe ni Cyndel lalo na ng tumingin sya sa akin at pasimpleng kumindat.
Medyo nagulat pa ako doon at aangal pa sana sa kanya ngunit nabaling na ang tingin ng dalawa sa akin. Ngumiti ako ng pagak sa kanila. Medyo dinagdagan ang pag arte upang maniwala sila. Sana lang talaga maniwala para walang problema.
"Pasensya na sana maintindihan mo ang sitwasyon ko ngayon."
Tumango ito ng dahan dahan habang napayuko. Gusto kong umismid dahil sa pag arte nya. Ano ba itong napasok naming dalawa? Kung hindi lang kase ako na kuryusidad sa sinabe ni Cyndel sa mga sandata ay hindi kami pasikretong pupunta doon edi sana hindi kami maapupunta sa ganitong sitwasyon.
Hindi ko batid na may mag hinala sa amin kung sakaling may makakita man o nalaman nila na mayroong pumasok. Hindi ko intensyon na kuhain ang mga armas bagkus ay gusto ko lamang na tignan ito. Ako'y nababahala lang sa sinabe ni Lady Amity sa akin. Hindi ko lamang gustong madungis ang aking pangalan o mapag bintangan sa maling pananaw. Kung mangyare iyon ay natitiyak akong hindi ko na masisilayan ang kamahalan. Hindi ko gusto rin magkaroon ng digmaan sa aming pagitan kaya kung maari ay kailangan kong umiwas sa gulo.
BINABASA MO ANG
Ferocious Battle [On Going]
Spiritual"Hindi ako naniniwala sa pagibig." the young man said "Maniniwala ka, kapag nakita mo na sya.." the old man said (Credit sa quotes by A T T I C U S) Sa nagdaang taon ang batang lalaki ay hindi naniniwala sa pag ibig hanggang sa paglaki nito. Ngunit...