Kabanata 9
Mulawin
🍁🍁🍁
"Hindi ko alam kamahalan na nag aalala kayo sa akin." pang aasar ko kay kamahalan habang naglalakad paakyat sa kagubatan. Umalis kami upang puntahan ang kuta ng mga mulawin. Pinaliwanag ko sa kanya ang aking nakita kung kaya't pumayag sya agad. Hindi ko alam kung paano nya nalaman na hindi ako ang kumuha non at ganon na lang ang tiwala nya sa akin pero nagagalak ako dahil hindi nya ako pinaghihinalaan.
Napatahimik ako ng sinamaan nya ako ng tingin. Kami lang dalawa ng kamahalan ang nag tungo doon dahil nagmadali na agad syang kumilos. Hindi ko nga alam kung iyon ba talaga ang rason dahil pwede naman nyang isama si Captain Jarred dito imbes na ako.
"Bakit ba hindi nagkasundo ang dalawa na parehas lang naman na may pakpak?" tanong ko sa kanya habang winawasiwas ang mga dahon at halaman na humaharang sa daan.
"Magkaiba ang paniniwala," mabilis na sagot. Masyadong pinapatay ang paguusap naming dalawa. Gusto nya talaga na tahimik kaming naglalakbay?
"Ibig sabihin ba non taga winged tribe ka nabibilang?" tanong ko sa pa sa kanya at hindi sya tinigilan. Kunware ay walang alam pero ang totoo ay alam ko naman na hindi sya taga winged tribe.
"Hindi mo ba kayang itikom ang bibig mo?" hindi sya nakatingin habang sinasabe iyon kaya nakahinga ako ng medyo konti. Akala ko kase medyo galit sya sa akin eh.
"Sabi ko nga tatahimik na eh..." sabay ngiti ko. Hindi dapat iyon ang sasabihin ko kaso baka magalit ang kamahalan kapag sinabe ko yung maharot kong naisip.
"Pero kamahalan gaano ba kalayo ang lalakadin natin dito sa gubat bago makarating sa kuta nila?" tinabing ko ang mga halaman na nakaharang sa daan. Magpapatuloy pa sana ako sa paglalakad ng mauntog na naman ako sa likod ni Prinsipe Hades.
"Paumanhin! Hindi ko lang nakita-" lumingon ito sa akin bago tinakpan ang bibig ko. Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa nya pero agad syang sumenyas na tumahimik ako.
Nahulaan ko agad ang ibig nyang ipahiwatig kung kaya't pinakinggan ko ang paligid. Puro huni ng ibon lang ang naririnig ko sa paligid. Pero kakaiba ang tahimik ng kapaligiran.
Napatingin sa akin ang kamahalan na kinalingon ko din. Nagsalita ako ng walang boses na 'bakit?' ngunit umiling lamang sya. Nagkibit balikat ako bago tumingin muli sa itaas ng mga sanga. Ganon na lang ang gulat ko sa pagbaba ng mga mulawin sa lupa, mismo sa aming harap kung kaya't napatago ako sa likod ng kamahalan.
Tatlong mulawin ang nasa harapan namin. Walang takot nilang hinarap ang kamahalan? Matapang sila kung ganon.
"Anong hangin kung bakit ka napadpad dito kamahalan?" tanong na nasa gitnang mulawin. Sya lang ang pinaka makisig at matangkad kung kaya't madali ko syang makikilala. Ang mga Winged Tribe ay mayroong kulay ang mga mata nila habang ang mga Mulawin ay purong itim lamang. Iyon siguro isa sa pagkakaiba nilang dalawa.
Napatingin sa akin ang kamahalan kung kaya't napalayo ako agad sa kanya. Kinuha ko naman ang balahibo. Inabot ko ito sa gitnang mulawin na agad kinuha nya.
BINABASA MO ANG
Ferocious Battle [On Going]
Spiritual"Hindi ako naniniwala sa pagibig." the young man said "Maniniwala ka, kapag nakita mo na sya.." the old man said (Credit sa quotes by A T T I C U S) Sa nagdaang taon ang batang lalaki ay hindi naniniwala sa pag ibig hanggang sa paglaki nito. Ngunit...