Kabanata 3
Ang makulit na taga silbi
🍁🍁🍁
Keziah Emerald Isha Point of View
Pinagmamasdan ko ang mahal na kamahalan tumugtog ng plawta. Hindi ko maiwasan na tumitig sa ginagawa nya at sa kanyang mukha. Parang noon malayo ko lang syang pinagmamasdan subalit ngayon malaya na akong titigan sya sa malapit.
Hindi ko alam kung anong klaseng tunog ang ginagawa nya pero maganda ito sa pandinig. Ang sarap titigan ng maamo nyang mukha habang nag papatugtog ito ng kanyang instrumento. Pero pag kausap mo na ito medyo kumukunot ang noo nya tapos mas lalong sumisingkit ang mga mata. Parang sasabog na ata yung kilig ko kapag pinagmamasdan ko sya.
Napatingin sya sa akin bago matapos ang tugtog nya. Ngumiti lang ako sa kanya bago pumalakpak. "Ang galing nyo talaga sa kahit anong instrumento, kamahalan."
"Nasan si Jarred?" tanong ng Kamahalan bago inalapag ang plawta sa kanyang mesa. Nandito kami ngayon sa tore ng palasyo. Hindi ko alam kung bakit gusto ni Prinsipe Hades dito o baka dito ang madalas nilang pinupuntahan ni Captain Jarred.
Nagkibit balikat ako. "Hindi ko po alam. Magkasama tayo buong maghapon."
Sinamaan nya ako ng tingin bago ito tumayo. Naalarma naman ako bigla dahil mukhang nainis ko ata ito. "Nagbibiro lang ako, si Captain Jarred ay papunta na daw dito." napahinto ito sa pagtayo at muling bumalik sa pagkaupo.
Napa iwas ako ng tingin dahil para akong sasabog sa kilig. Hindi ko alam kung bakit ako kinikilig sa simpleng galaw lang ng kamahalan. Idagdag mo pa ang sobrang gwapo nito sa suot nyang zhiju na kulay puti. Ito yung suot nyang nakita ko sa kakahuyan. Iyon din yung unang kita ko sa kanya noon.
"Baliw." bulong nito na saktong narinig ko naman. Tumikhim ako at pinigilan ngumiti.
"Baliw sayo," bulong ko muli. Nakita kong tinignan nya ako ng seryoso kaya umayos ako ng tayo. Nasa tabi kase ako ng pintuan at medyo malayo sya sa akin.
"Ang sabe ko baliw nga ako." sabay nguso ko ngunit hindi na nya lang ako pinansin bagkus ay umiling iling na lang ito at bumalin sa kalangitan.
BINABASA MO ANG
Ferocious Battle [On Going]
Spiritual"Hindi ako naniniwala sa pagibig." the young man said "Maniniwala ka, kapag nakita mo na sya.." the old man said (Credit sa quotes by A T T I C U S) Sa nagdaang taon ang batang lalaki ay hindi naniniwala sa pag ibig hanggang sa paglaki nito. Ngunit...