Kabanata 11

9 1 0
                                    

Kabanata 11



Pagpulong ng iba't ibang pinuno



🍁🍁🍁




Masaya kong tinitignan ang kamahalan sa malayo. Nandito lang ako sa pasilyo ng palasyo habang ang kamahalan ay naglalakad kasama ang ibang alipin papunta sa kanilang pag sasanay. Hindi ako kasama sa kanya ngayon dahil may inutos sa akin si Binibining Amelia na pumunta sa kusina at salubungin ang bagong dating na alipin. Ngunit inuna ko muna ang pagsulyap sa kamahalan bago ako pumunta doon.

"Ang gwapo talaga ng kamahalan." Bulong sa hangin ni Ligaya. Ngumiti lang ako sa kanya at umiling iling habang nakatingin pa rin sa kamahalan "Ikaw Kei hindi ka ba na gwagwapuhan sa kamahalan?" dagdag na tanong nya sa akin

"Higit pa ata sa salitang gwapo ang kamahalan." Wika ko sabay bungisngis

Ewan ko ba kung bakit ko nagustuhan ang kamahalan. Hindi naman naging maganda ang unang pagkita ko sa kanya dahil muntik na nya akong mapatay noon sa kakahuyan. Mabuti na lang nakatakas ako kaagad. Pero bago mangyare yun may tinulungan ang kamahalan noon na iligtas ang batang babae at kasama nito ang kanyang Ina. Ngunit ang tatay naman nito ay namatay sa pagtatanggol sa mga masasamang nilalang kung kaya't doon niligtas ng kamahalan ang dalawa mag-ina.

Marahil ay sa mabuti nitong puso kaya napatibok nya ang aking puso.

Tumawa din si Ligaya bago nya ako tinapik. "Alam mo okay lang yan libre lang mangarap."

Sinimangutan ko sya agad. Tinignan ko ang kamahalan at tumingkayad kung nasan na ito. Nakita kong paliko na sa pasilyo bago ito nawala ng tuluyan. Kung hindi kami ngayon magkakatuluyan meron pa namang susunod na buhay.

Baka sakaling doon ko na makakasama ang kamahalan. Dahan dahan nawala ang ngiti ko sapagkat alam ko naman saan hahantong ang imahinasyon ko pero gusto ko lang na maging masaya at sulitin ang mga araw na makakasama ko ang kamahalan.

"Balita ko sa susunod na buwan ay magkakaroon ng pagpili sa mga magiging Crown Princess o sa magiging kabiyak na asawa ni Prinsipe Hades..."

"Ano?!" gulat na tanong ko sa kanya kaya napalingon ako dito

Ibig sabihin nalalapit na ang pagpili sa magiging reyna? Bakit ang bilis naman ata? Hindi pa ako handa na may makasamang iba ang kamahalan. Doon pa nga lang kay Lady Ariela nahihirapan na ako paano pa kaya kung iba?

"Halos lahat ata balak sumali. Pero alam mo ba kung bakit ako sabik sa pag pili ng magiging reyna?"

Nagkibit balikat ako. "Hindi. Bakit?"

"Gusto kong makita kung sasali din ba si Lady Keziah mula sa Ambrosine Clan." Ani nito kung kaya't naistatwa ako sa sinabe ni Ligaya sa akin. "Kahit na kalaban ang turing ng dalawang angkan hindi ko pa rin maiwasan isipin na bagay ang dalawa sa isa't isa. Sa dami dami ng pagpili ng magiging reyna gustong gusto ko si Lady Keziah kaysa sa iba." Dagdag pa nito bago kami nagpatuloy sa pag lalakad papunta sa loob ng palasyo

"Bakit naman?"

Ngumiti ito habang nakatingin sa kawalan. Tinitignan ko lang sya habang nag kwento. "Nahihiwagaan ang lahat kung bakit madalas nasa isip ng kamahalan ang babaeng nakita nya sa kakahuyan. Madalas hinahanap ng kamahalan noon ito ngunit hindi na nagpakita. Walang nakakita kung anong itsura ni Lady Keziah marahil ay hindi talaga sya lumalabas ng kanilang lugar. Ang tangi lang na alam ng lahat ay ang kapangyarihan nito ay nyebe. Kung kaya't labis kong gusto ang Lady Keziah para sa kamahalan. Sana lang talaga at sumali ito."

Ferocious Battle [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon