Kabanata 4
Bundok Sapari
🍁🍁🍁
Keziah Emerald Isha Point of View
Pagmulat ng aking mga mata ay sikat agad ng araw ang aking nakita. Medyo nahihilo pa ako at malabo ang aking paningin kaya hinintay ko ang ilang saglit bago luminaw ang paningin ko.
"Tawagin mo ang manggagamot, sabihin mong gising na si Kei."
"Masusunod, Binibining Amelia."
Narinig ko ang pagsarado ng pintuan. Mukhang lumabas na si Ligaya at sinunod ang utos ni Binibining Amelia.
"Mabuti na lang at nagising ka, labis kaming nag aalala sa iyong kalagayan." pinunasan nito ang aking mukha. Batid kong nililinis nito ang aking katawan at ramdam ko ang lamig dito kaya siguro ako nagising.
Dahan dahan kong minulat ang aking mata bago ngumiti kay Binibining Amelia. Mabuti na lang at bumalik na ang aking paningin akala ko nabulag na ako.
"Ilang araw na po ba akong natutulog?" tanong ko
"Mga apat na araw lang naman." sagot nito na kinagulat ko bigla.
Ngayon lang nangyare sa akin na maghilom ang na matagal ang sugat ko. Kung ganon sobrang lakas nga ng itim na kapangyarihan ang naramdaman ko. Hinawakan ko ang aking tiyan at nakita ko na wala ng bakas o peklat ito.
"Ang sabe ng manggagamot ay hindi biro ang natamo mo. Kung normal lang na nilalang iyon marahil ay naging abo na ito. Laking pasalamat na lang na hindi iyon nangyare sayo." wika nito habang nakakunot ang noo
Hindi ko magawang ngumiti dahil hindi pa nababalik ang lakas ko. Subalit nagagalaw ko naman ang aking ibang parte ng katawan. Kailangan kong pumunta sa malamig na lugar ngayon para manumbalik ang dati kong lakas. Hindi pwedeng ganito ako, baka matagalan pa ang pagbalik ng lakas kung hindi ako pupunta sa malamig na lugar.
"Pinag papawisan ka. Ano bang nangyayare sayo?" pinunasan ulit ni Binibini ang aking noo kasabay non ang pag dating ng manggagamot.
Tumayo ang Binibini at umupo naman ang mangagamot sa aking tabi. Isang matandang babae naman ngayon at mayroon itong bulaklak sa kanyang noo. Natitiyak akong kabilang ito sa grupo ni Lady Amity.
Hinawakan nito ang aking noo at naramdaman ko na lang ang pag ginhawa ng aking katawan.
"Matatagalan pa ang iyong pag galing. Hindi ko mawari'y kung anong dahilan kung bakit, samantala ang sugat na natamo mo ay magaling na. Marahil ay inubos nito ang lahat lakas mo." paliwanag ng matandang babae. Hindi ako sumagot bagkus ay napapikit na lang ako.
BINABASA MO ANG
Ferocious Battle [On Going]
Spiritual"Hindi ako naniniwala sa pagibig." the young man said "Maniniwala ka, kapag nakita mo na sya.." the old man said (Credit sa quotes by A T T I C U S) Sa nagdaang taon ang batang lalaki ay hindi naniniwala sa pag ibig hanggang sa paglaki nito. Ngunit...