Kabanata 15

14 1 1
                                    

Kabanata 15



Smoke Acid

🍁🍁🍁

Keziah Emerald Isha Point of View


Gumamela, rosas, sun flower, at marami pang iba akong nakikita dito sa garden ng palasyo. Tanaw ko pa ang iba't ibang bulaklak hanggang sa kabilang dako ng hardin. Maraming mga paru paro, alitaptap, bubuyog, tutubi at maliliit na hayop dito sa hardin. Nakikisali din ang alagang dragon sa pag habol kay Niela at sa ibang hayop habang sila ay nagtatakbuhan.

Napatawa ako sa kanila dahil kung tutuusin kaya naman ng dragon lumipad hindi lang nya gusto dahil maliliit ang mga kalaro nya habang ito ay sobrang laki.

“Kamahalan! Hintayin nyo ako dahil kailangan kitang makausap. Mahalaga ito para sa magiging kasal natin.” rinig kong sigaw ni Lady Ariela kaya nilingon ko sila.

Nagtiim bagang ako sa narinig. Sinamaan ko sila ng tingin habang sila ay papalayo. Magpapakasal? Walang opisyal kung sino ang papakasalan ng kamahalan. Nakakainis! Hindi ko alam pero parang gusto ko manigas sa lamig itong si Lady Ariela. Nakakasira sya ng araw.

“Kamahalan! Saglit lang naman!” huling rinig ko na wika ni Lady Ariela. Mukhang ayaw sya pansinin ng kamahalan pero naiinis pa rin ako sa kanila. Walang araw ata na hindi ko sila nakikitang hindi nagkakasama.

Kaya lagi din akong naiinis sa nakikita ko.

“Ate Kei, bakit ka po naiinis?” nilingon ko si Niela na inosenteng nakatingin sa akin. Nasa harapan ko na sya at mukhang tapos na sya makipag laro sa mga kaibigan nya.

“Wala lang ito. Samahan mo ako Niela ngayon pupunta tayo sa bayan. Mamimili tayo ng mga panganga-ilangan dito sa palasyo.” wika ko sa kanya na mabilis nyang kinatango.

Pumitik ako para magkaroon sa kamay ko na alampay. Isang tela para hindi masyadong bulgar ang pagkatao ni Niela. Mabilis kaseng malalaman ng iilang imortal na tao ang kasama ko kung kaya't pinulupot ko ito sa kanyang leeg para hindi maamoy ng sinoman si Niela ay isang mortal.

“Huwag na huwag mong huhubarin iyan naiintindihan mo, Niela?” tumango sya sa akin bago ngumiti. Ngumiti din ako sa kanya pabalik bago kami naglaho para makapunta sa bayan.

Nakarating kami sa isang iglap lang. Nag umpisa na kaming maglakad habang hawak ko si Niela. Marami kaming nakikita na kagamitan at pagkain. Nakita kong hinahawakan ni Niela ang kanyang tiyan marahil ay nagugutom na ito. Huminto muna kami sa paglalakad at bumili ng pagkain.

Pagtapos inabot ko sa kanya ang pagkain. Tag isa kaming dalawa para may kasabay din syang kumain pero syempre gutom din ako kaya bumili na ako ng para sa akin.

Napahinto si Niela sa paglalakad habang tinitignan ang batang nanlilimos ng pagkain. Kung tutuusin gusto ko na talagang malaman kung sino ang may gawa nito ang kaso napaka hirap malaman kung bakit sila nagkaganito. Ibibigay sana ni Niela ang pagkain nya pero naunahan ko na sya.

“Ako na, kainin mo na lang iyong iyo Niela.” wika ko sa kanya bago binigay sa batang nanlilimos ang aking pagkain

“Salamat,” hinati pa ng batang lalaki ang pagkain sa sumunod nyang kapatid na babae na bitbit ang isang sangol din.

Jusko! Bakit ba nangyayare ang ganito dito sa Golden Sky Kingdom?

Sumipol ako sa upang tawagin si Ryu at Ray. Ilang saglit pa ay mabilis silang nakarating sa akin gamit ang pinaka mabilis nilang takbo.

“Pinuno!” nagbigay pugay sila sa aking dalawa bago tumayo ng maayos

“Dalhin nyo ang tatlong batang ito sa inyong lugar.”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 05, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ferocious Battle [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon