Kabanata 6
Punyal
🍁🍁🍁
Keziah Emerald Isha Point of View
Ngumiti ako kay kamahalan pagkakita nya sa akin. Pero hindi nya ako pinansin bagkus ay kinausap lamang ang anak ng Heneral na si Lucas. Katabi rin nito si Captain Jarred na tahimik lang na nakikinig. Katabi ko naman si Cyndel. Hindi sumama si Lady Amity dahil kailangan nyang bantayan ang Inang Reyna. Hindi kase ito pinayagan ng kamahalan na lumabas dahil sa mapanganib. Kahit si Ligaya ay hindi na muna pinasama upang bantayan na lamang ang Inang Reyna.
Ngayon ko lang nalaman na Captain si Jarred ng Royal Army habang Heneral naman nila si Heneral Alonzo. Nakakapag taka lamang dahil hindi sumali si Lucas sa kanila o sadyang ayaw nya talaga dito?
"Kamahalan, tingin ko maabutan natin si Binibining Amelia kung may mauunang magtutungo na doon agad. Kaya inutusan ko ang aking alaga na dragon kung makita nya sa daan ang Binibini ay agad itong kunin at dalhin kung nasaan tayo." pahayag ni Lucas kay Prinsipe Hades na seryoso lang naglalakad.
Hindi ito sumagot bagkus ay tumango lamang ito. Mukhang wala sa mood ang kamahalan kaya tahimik lang ito. Marahil hindi pa rin maalis sa isip nya ang sinabe ng Inang Reyna. Iligtas daw namin si Binibining Amelia at kung magkita man sila ni Heneral Vicente ay pabayaan na lamang ito. Alam kong ayaw ng kamahalan sa desisyon ng kanyang Ina ngunit palagay ko ay nag dadalawang isip na ito ngayon.
Nasa daan na kami at malapit na sa Gate of Guardian. Nangunguna sila sa paglalakad habang kaming dalawa ni Cyndel ay pinang gigitnaan lang nila.
"Tahimik naman nila," bulong sa akin ni Cyndel
"Hayaan mo na baka may iniisip lang."
"Hindi kase ako sanay na tahimik lang. Tyaka dapat bilisan natin ng paglalakad kung gusto talaga natin maabutan si Binibining Amelia." may punto sya doon kaya napaisip ako. Kung sabihin ko kaya iyon sa kamahalan? Palagay ko kase ay malayo na ang narating ni Binibining Amelia. Kung hindi kami kikilos ng mabilis baka mapaano iyon.
Sumingit ako sa gitna nila Prinsipe Hades at Captain Jarred. Ngumiti ako kay kamahalan ng tinignan nya ako saglit bago tumingin muli sa daanan na nilalakaran namin.
"Kamahalan? Baka pag naglakad lang tayo hindi natin maabutan si Binibining Amelia?"
Hindi sya sumagot. Si Lucas ang sumabat.
"Nagpadala na tayo ng dragon para hanapin ito."
"Kaya ba 'non iligtas ang Binibini?" tanong ko sa kanya bago bumaling kay kamahalan. Napahinto ito at tinignan si Captain Jarred na nasa likod ko.
"Tawagin mo ang mga kabayo," utos nito sa kanya. Laking tuwa ko at ngumiti kay Cyndel na napailing na lang.
Sumipol si Captain Jarred pagtapos ay tumahimik kami para hintayin ang mga kabayong tinawag nito. Ngiti ngiti pa ako kay kamahalan kahit hindi nya ako pinapansin dahil nakatalikod ito sa akin. Ayaw nya talaga akong tignan ano? Naiirita ba talaga sya pagnakikita ako? Bakit kay Lady Amity naman hindi sya naiilang? Bakit sa akin parang kulang na lang lagyan nya ako ng maskara para hindi sya mairita sa pagmumukha ko eh.
Nilingon nya ako kaya ngumiti ulit ako sa kanya kaso pagtapos non tumingin na sya sa parating na mga kabayo. Napawi tuloy ang mga ngiti ko. Narinig ko ang pag tikhim ni Cyndel sa tabi ko kaya sinamaan ko sya ng tingin.
BINABASA MO ANG
Ferocious Battle [On Going]
Spiritual"Hindi ako naniniwala sa pagibig." the young man said "Maniniwala ka, kapag nakita mo na sya.." the old man said (Credit sa quotes by A T T I C U S) Sa nagdaang taon ang batang lalaki ay hindi naniniwala sa pag ibig hanggang sa paglaki nito. Ngunit...