Kabanata 2
Lason
🍁🍁🍁
Keziah Emerald Isha Point of View
Dahil sa nangyare kahapon pansamantala muna akong pinahiwalay kay Ligaya. Nilagay muna nila ako sa pagtulong sa mga hardinero. Inutusan nila akong pitasin ang mga prutas kung kaya't ako lang mag isa ngayon. Nakakadalawang basket na ako ng makaramdam ako ng pagod. Pinunas ko ang pawis na tumutulo sa aking pisnge bago nagpasyang humiga sa damuhan.
Tinignan ko ang aking kasuotan. Isang jiaoling ruqun ang pinasuot sa akin ngayon. Maganda naman sya at mas kumportable ito kesa sa ibang damit na binigay sa akin kahapon. Naisip ko bigla may tirahan na akong tinutuluyan at libre pa ang pagkain ngunit kapalit non ang pagsisilbi sa mga Royal Empire. Nakakatuwa lang dahil kung noon hanggang panaginip lang ako na makita ko sila ngayon parang kakaiba sa pakiramdam dahil nakamit ko yung hiling ko.
"Tapos ka na ba?" malamig na boses pa lang ay agad akong napabangon at nagbigay pugay sa kamahalan.
"Pasensya na po, nagpapahinga lang po ako ng saglit." napapikit ako baka kase palayasin ako bigla ng Prinsipe dahil sa ginawa ko.
Hindi nya ako pinansin bagkus ay tinignan nya lang ang nga prutas na nasa basket. Naalala ko ang sabe sa akin ni Ligaya ayaw daw ni Prinsipe Hades na masyadong pala tanong at dumidikit dito. Bakit ayaw nya na lang deretsuhin na ayaw nya sa babae?
Napasimangot ako dahil doon pero agad ngumiti ng tinignan nya ako. "Ano pa hinihintay mo?" asik nya
Nagsimula na akong kuhanin ang mga prutas gamit ang panungkit. Habang ginagawa ko iyon ay nakanguso lang ako. Kakapahinga ko lang tapos tuloy na naman ako sa gawain. Hindi ko alam kung pinaparusahan ba nya ako o ano.
Habang nanunungkit ako ng prutas ay pasimple ko syang tinitignan. Nakasuot pa rin sya ng Yesa na kamiseta ngunit iba naman ang kulay ngayon. Mahaba ang kanyang buhok ngunit nakapuyod naman iyon tapos ang tangkad nya pa. Yung singkit nyang mata na sobrang lamig ang mga titig, ang ilong nyang matangos, ang panga nyang perpekto, tapos yung labi nyang mapula. Idagdag mo pa ang kakisigan nito at ang kinis ng mukha. Masasabe ko sa lahat ng lalaking nakita ko sya na ata ang pinaka gwapong nilalang-
"Aray!" nahulog kase yung mansanas sa mukha ko.
BINABASA MO ANG
Ferocious Battle [On Going]
Spiritual"Hindi ako naniniwala sa pagibig." the young man said "Maniniwala ka, kapag nakita mo na sya.." the old man said (Credit sa quotes by A T T I C U S) Sa nagdaang taon ang batang lalaki ay hindi naniniwala sa pag ibig hanggang sa paglaki nito. Ngunit...