THUNDER's POV
Dadalhin ko si lorie sa church na pag gaganapan ng kasal namin ngayon, handang handa na nga ang kasal e, nakapagpasukat na kami ng mga damit, natikman na ang mga ihahaing pagkain at yung mga invited nabigyan na ng invitation. isa na lang ang gagawin, ang puntahan ang mga magulang ni lorie para ipaalam ang kasal. pero hanggang ngayon, dinadaga pa din kami, dahil napagalaman ko na ang sakit pala ng papa nya ay sakit sa puso, e pano na lang kung atakihin yun bigla.
ilang araw na lang kasal na namin, pakiramdam ko nga hindi na kami nagpapanggap e!
"san ba tayo pupunta, grabe pagod na ako kanina pa tayo paikot ikot e" si lorie yan kanina pa reklamo ng reklamo, e nakaupo lang naman sya.
"panong ikaw ang napapagod e kitang nakaupo ka lang naman jan, ako nga tong drive ng drive e." kung akala nyo sweet ako sa kanya, pwes mamatay na kayo dahil mali ang akala nyo. natotorpe ako e, alam nyo ba yung feeling na sasabihin mo na sana kaso napurnada sa kaba. yun yun e, yun yun!
kung ano man tong nararamdaman ko, akin na lang to. hindi ko pa naman sigurado e.
"kahit na, paikot ikot na mata ko kakatingin sa paligid e. malamang mapagod ako, may pagkain ka bang dala---aray ko naman, bakit kailangan mong ibato? tsk, pag hindi to masarap patay ka sa--"
"magtigil ka na nga, puro ka reklamo ayaw mo na lang kainin, babawiin ko yan"
binato ko kasi sakanya yung supot ng burger, kanina ko pa yun binili e hindi ko mabigay bigay dahil nahihiya ako, edi ayan ibinato ko na lang mas komportable, hindi naman malakas yung bato, ayoko syang masaktan ayiiiieeeeeh p*ta ang bading.
ilang sandali pa ay nandito na kami, nauna akong bumaba ipagbubukas ko sana sya ng pinto kaso pag hawak ko para buksan na yung pinto......
"araaaay!!"
"ano ba kasing ginagawa mo, alam mong bababa ako haharang harang ka jan, masakit ba?"
"umaray ako diba? edi malamang masakit!! tsk!"
"sorry, ang tanga mo kasi e halika na malayo yan sa bituka wag kang bading" sabi nya matapos haplusin ang braso ko. sakit e !
pano ba naman, bigla na lang binuksan yung pinto, magpapaka-gentleman ako e, napostpone pa!
"woooooow!! astig naman ng simbahan na to!" sabi nya, masaya akong mukhang nagustuhan nya.
"dito tayo ikakasal" sabi ko sa kanya.
"alam ko, tingin mo sakin engot, hindi lang ako makapaniwalang ganito sya kalaki."
" ANO?? "
alam na nya? sinong nagsabi papatayin ko. kaya ko nga sya dinala dito para isurprise, pero mukhang ako pa ata ang na'surprise.
"ingay mo!! sinabi sakin ni lai, tara pasok na tayo"
kaasar, naunahan pa ako ni lai, yung pinsan kong yun ka-badtrep e. susunugin ko yung hellokitty collection nun, ewan kung bakit gustong gusto ng hello kitty, e wala naman yung panty.
pumasok na kami sa loob, manghang mangha sya sa laki ng simbahan, dito din kasi kinasal sila mama kaya dito na lang din daw kami, tutal maganda naman to kaya pumayag na din ako.
*ring ring ring.
"hello?.... po?? kamusta na po? opo luluwas na po ako agad" aligagang aligagang tumakbo si lorie palabas ng simbahan pagkapatay ng linya.
hinabol ko sya hanggang sa kotse. "anong nangyare lorie!" umiiyak na sya. "thunder si papa inatake sya kailangan kong umuwe. kailangan ko nang umuwe, hindi daw maganda ang lagay nya uuwi ako, thunder uuwi ako..." iyak na sya ng iyak.
BINABASA MO ANG
wedding with benefits
Romansaim lorie samantha fermin, samahan nyo akong sumaya, mainlove at masaktan. kung anong storya ko? basahin nyo na lang ang WEDDING WITH BENEFITS.