THUNDER's POV
asan na ba yung mga ulupong kong mga kaibigan. kapag nagkamali lang sila sa pinapagawa ko. malilintikan sila sakin, ngayon na nga lang ako magpapautos sa kanila. ngayon pa nila ako bibiguin.
nandito ako ngayon sa isang kilalang restaurant dito sa makati, dito kasi napili ng mga magulang ko na mag dinner kasama ang long time girlfriend ko kuno.
ang alam kasi nila ay may girlfriend na ako at mag iisang taon na kami. ang problema, gawa gawa ko lang yun. dahil kapag sinabi kong wala pa akong girlfriend. ipapakasal nila ako sa anak ng kaibigan nila. at ayoko non. ayoko dun, nuknukan ng kaartehan. kulang na lang maging christmas tree ang kalabasan sa dami nyang abubot sa katawan.
mag aalas syete na ng gabi wala pa din sila caloy at si angel. si angel ay ang isa sa dati kong kaibigan. binigay ko sa kanila ang picture ni angel at ang address ng simbahan na pinagsisilbihan nito. isa kasi syang singer. sya ang napili ko dahil alam kong di ko sya magugustuhan at kailangan nya ng pera.
andito na sila mommy and daddy, shiiit. asan na ba sila?
____________________
lorie and thunder smith ;) >>>>>>>>>>>>>>
"hijo, bakit nagiisa ka, nasan sya?" tanong agad ni mommy ng makaupo sya sa upuan katabi ng kay daddy.
excited masyado? tss
"nasa powder room lang po. may inayos, umorder na lang po muna tayo" pagsisinungaling ko sa kanila mabuti naman at uto uto itong si mommy. kinuha nya na ang menu at namili na sila ng oorderin nila
dinial ko ang number ni jesrick pero unattatended ang gago. nasan na ba sila!
LORIE's POV
high heels... check
make up... check
out fit... check
"haaah haaah" inamoy ko ang hininga ko at sumangayon kayong lahat dahil mabango sya. myghad nagtu-tootbrush naman ako no.
"anong ginagawa mo?" tanong sakin ni caloy. nakita nya siguro yung ginagawa kong pagamoy sa hininga ko. who cares?
"inaamoy hininga! nakita mo naman diba?" pagtataray ko sa kanya. ang engot naman kasi nya. nakita naman nyang inaamoy ko. tatanong tanong pa sya!
"i mean, bakit mo inaamoy?"
"baka mabaho, sabi mo kasi mayaman sila. so baka alamuna" sabi ko sa kanya. mabilis akong pumayag sa kasunduang sinabi nya. babayaran ako kapalit ng pagpapanggap na girlfriend ng kaibigan nilang si thunder. kailangan ko ng pera so hindi na ako nagdalawang isip. pumayag na ako.
"basta yung sinabi ko sayo. wag kang gagawa ng katangaha--"
"katangahan, maging maayos ka sa lahat ng bagay at limitahan ang pagsasalita dahil baka mabuking" pinangunahan ko na sya. kanina pa sya paulit ulit. parang sirang plaka.
"good job babe, intindihin mo yun ha, kundi lahat tayo mabubuking nan" tss. babe na naman. babaero to pustahan isang daan.
nakapasok na kami sa isang restaurant, halatang mayayaman ang mga nakain dito. ang gaganda ng mga upuan, mesa at mga gamit. isama mo na din yung mga kumakain dito, mukha talaga silang mayaman walang duda. ano kayang sineserve na pagkain dito? wala sigurong bente pesos na dinuguan at monggo eh. natawa naman ako sa naisip ko, as if naman may tinda sila non dito no? haha
napagusapan namin ang kwento ng buhay ko kuno. wala namang pinagkaiba sa tunay na buhay ko, hindi daw ako mayaman pero nagustuhan pa din ako ni thunder kuno. magiisang taon na kami at mahal na mahal ko daw si thunder. yan ang sabi sakin ni caloy. kailangan kong umarte. sisiw lang sakin yun. ako pa ba? hahaha
BINABASA MO ANG
wedding with benefits
Romanceim lorie samantha fermin, samahan nyo akong sumaya, mainlove at masaktan. kung anong storya ko? basahin nyo na lang ang WEDDING WITH BENEFITS.