LORIE's POV
"whaaaaaaat?!" nakakarinding sigaw ni janine kaya tuloy nagtinginan samin ang mga katabing costumer, nandito kasi kami sa cafeteria/canteen iniintay si meer.
"hinaan mo naman yang boses mo ano ka ba!"
"hindi lang kasi ako makapaniwala, is it for real? ano ba.. ano na ba ang.. argh!! ano na ba ang lagay nyong dalawa ha?" tanong nya sakin.
naikwento ko na kasi sa kanya ang proposal na pinaghandaan ni thunder, ewan ko nga ba kung pinaghandaan nga yun. ngayon lang kasi kami nagkita ulit dahil may trip sila out of town. tourism kasi e!
"hindi ko alam. wala naman kasi syang sinasabi sakin e.. basta nagpro--"
"kahit naaaa. malay mo naman may nararamdaman na sya sayo diba?"
nararamdaman? tama ba ang rinig ko? nararamdaman nya? as if naman ganun kabilis mainlove yung tao. hindi ako maniniwala na may nararamdaman na sya sakin, imposible.
"imposible, nung isang araw lang kami nagkaroon ng deal tapos ngayon may nararamdaman na sya sakin, inlababo na agad? rush hour lang ? " sagot ko kay janine.
"besty, hindi porke mabilis ang pangyayare hindi na pwedeng mainlove, its not rush hour its love at first sight!!" kinikilig kilig pang sabi nya, sira talaga!
"hindi namin gusto ang isat isa nung unang kita pa lang namin. magtigil ka nga jan. kung ano ano pinagsasasabi mo."
magsasalita pa sana sya kaso saktong dumating si meer. weird.. bakit ganyan ang itsura nya.
"what?" tanong nya samin.
"sayo pa talaga nanggaling ang tanong na yan? seriously meer, what happen to you?" asar na sabi ko. hello? gulo gulo ang buhok nya parang hindi sinuklay, ang polo nya ay hindi nakabutones yung unahan at may band aid pa syang maliit sa taas ng kilay nya. so uso pala sakanya ang medyo badboy look?
hindi sya umimik, umupo sya sa tabi namin at tinungga ang iniinom na juice ni janine.
"yuuuuck, ano ka ba czed? yung laway mo eeeew" natawa na lang ako sa sinabi ng besty ko. alam kong nagjojoke lang sya, minsan kasi trip nya ring asarin si meer.
"tsk, arte mo!" sabi ni meer, si janine naman ay nangirap lang. ngayon kasi kami magaaral para sa midterm namin, hell week kumbaga.
"alis na ako besty, may klase pa ako e. may kasama ka na naman, mauuna na din ako uuwe magaaral din ako, hindi lang ikaw. haha, next time na tayo chika. bye!" umalis na si janine. kami na lang dalawa ni meer, tulala sya sa hawak nyang baso habang tulala naman ako sakanya.
ano naman kayang iniisip nya?
hindi ko napaghandaan yung biglang paglipat ng tingin nya sakin kaya nahuli nya akong nakatulala sakanya. akala ko aasarin nya ako pero biglang lumungkot yung mukha nya.
"tuloy na ba talaga?" naguluhan ako sa tanong nya.
"ha?"
"ni thunder smith"
"kilala mo sya??" di makapaniwalang tanong ko. akala ko kasi hindi sila magkakilala e.
"kahapon ko lang naalala na sya yung photographer namin last time. hindi ko lang sya namukhaan nung gabing nakausap ko sya" nakatingin na naman sya sa baso, yung totoo? anong meron sa baso?
at teka.... photographer? akala ko ba sa kompanya nagtatrabaho si thunder? so may iba pa syang racket ganun? ano nga bang negosyo nila? hayst. ewan..
BINABASA MO ANG
wedding with benefits
Romanceim lorie samantha fermin, samahan nyo akong sumaya, mainlove at masaktan. kung anong storya ko? basahin nyo na lang ang WEDDING WITH BENEFITS.