LORIE's POV
"peace be with you, peace be with you"
nandito ako ngayon sa simbahan, sa totoo lang? di ko alam ang mga ginagawa nila ngayon kasi nakapikit lang ako. masyado ko kasing dinadamdam ang presensya ni lord. ang tagal ko kayang hindi nakapunta ng simbahan, since grade 4 komyunyon, ngayon na lang ulit ako nakapunta at nakapag simba sa simbahan. kasi naman masyadong busy sa lahat, pagaaral at trabaho. nakakapagod diba? pero lord kahit busy ako, nagdadasal naman po ako gabi gabi. promise pooooo honesto!
ako nga pala si lorie samantha fermin, isang working student. at tulad ng ibang mga working student, isa din akong mahirap na studyante. mahirap naman talagang maging studyante diba? sino bang may sabing madali?
"maaari po, magsi-upo na po ang lahat"
ang totoong pinunta ko dito sa simbahan is humingi ng tulong kay lord, looooooooord. anong gagawin ko ba sa problema ko? tulong naman po oh. saan ako kukuha ng malaking pera? hindi naman ako makakakuha ng ganung kalaking pera sa pagtatrabaho ko. haaaaay what to do, what to do?
"maaari po, magsi-upo na po ang lahat"
kaya naman sana lord, matulungan nyo ako, sinadya ko na po kayo dito, wag nyo pong isipin na pag may kailangan lang po ako saka ako pupunta sa inyo.wag po ganun lord, thankyou thankyou :) salamat po lord.
"magsi-upo na po ang lahat"
"ate, ate" nagbalik ang wisyo ko sa epal na batang kulbit ng kulbit sa tela ng damit ko. may balak pa atang sirain. problemado na nga wala pang damit? kamusta naman yun diba?
tiningnan ko naman ang batang nakaupo malapit sakin. problema ba nito?
"bakit?" tanong ko sa kanya. pero tinuro lang nya yung mga tao sa paligid ko.
WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH
lord kakasabi ko lang na tulungan nyo ako eh, bakit ganito? nakakahiyaaaaaaaa!
"sorry po father, na carried away lang po" sabi ko at umupo na. ano ba naman yan lorie. hanggang sa simbahan ba naman artista ka pa din?
napangiti lang naman sakin si father, buti naman at hindi nya ako sinigawan, nakakahiya pa siguro masyado yun. ohmyghad na ohmyghad yun as in sober sober.
natapos din ang misa at ang nakakahiyang eksena ko sa loob, ano berssss. tamang lakad lang tuloy ako pauwi nito. masyado kasi akong masipag eh.
napukaw ang aking malalim na pagiisip at ang malalim na salita ko sa batang papalapit sakin. isa po syang pulubi mga kaibigan. at dahil hindi ako maarte gaya ng iba jan. hindi ako lalayo. magkasing amoy lang naman ata kami nyan eh. lamang lang ako ng isang paligo pantay na kami. hahaha
"ate, ate penge naman po akong pambili ng pagkain" sabi nya sakin. ANOOOO? ate? grabe kailan pa ako nagkaroon ng kapatid dito? ngayon ko lang nalaman. ate nya daw ako? ano to reunion?
"talgang ate mo ko ano?" kunwaring pagtataray ko dito. ngunit ngumiti lang sya. ang kyot nya, kaso madungis lang.
"kayo talaga ang hilig nyong lumapit sa mga magaganda, maganda nga wala namang pera. oh eto bente. pambili ko yan ng ulam ha. pag nagkatrabaho ka na papaltan mo sakin yan.utang yan hindi yan bigay. wag kang asyumera, feelingera, ambisyosa, intrimitida---"
"ate bibigyan mo ba ako o hinde?" Aba talaga naman to, sya pa ang naiinip. Ano po? Kung hindi lang ako mabait, nakonyatan ko na tong batang ito.
"wag ka namang magmadali, excited much?" sabi ko sa kanya pero tawa lang ang sagot nya. kulit nya po -.-
Nakita ko ang saya sa mukha nya ng maibigay ko ang bente. Masarap tumulong diba? Ohsya. Lulubusin ko na. "Oy yang benteng yan, ibili mo na ng rugby. Aabot yan ng isang linggo. HAHAHAHAHAXD" biro ko sa kanya, tumawa din naman si ugok. "De joke lang. Ibili mo yan ng tinapay, sensya na wala akong pera eh." Sabi ko sa kanya. Akala ko aalis na sya pero niyakap nya ako. Ahmm medyo mabantot ang amoy, pero keri lang. At akala ko may sasabihin pa sya pero bigla na lang syang tumakbo palayo. Ako? naiwan na tulaley. Atleast nakatulong ako diba? Makauwe na at nagugutom na ako.
BINABASA MO ANG
wedding with benefits
Romanceim lorie samantha fermin, samahan nyo akong sumaya, mainlove at masaktan. kung anong storya ko? basahin nyo na lang ang WEDDING WITH BENEFITS.