JESRICK's POV
"jeck? may appointment kang pupuntahan, ha anak?" tanong sakin ni mommy, ang gulat ko eh!
"mom! bakit bigla bigla po kayong napasok, di man lang po kumatok e" sabi ko, bigla kasi syang pumasok sa kwarto ko e kasalukuyan akong nagbibihis, ang totoo nyan kalahating oras na akong nagpapalit, mag iisang oras na din siguro, diko kasi malaman kung anong mas bagay na isuot e. sa sobrang gwapo ko kasi, lahat bagay sakin. kaya hirap na hirap ako. lols!
"dati ko namang ginagawa to ah. wow! binata na ang jeck jeck ko. may girlfriend ka na ba anak? kanina pa kitang iniintay bumaba" pang aasar ni mommy, hayy nako naman. di na ako nakawala sa kanya. palagi na lang nang aasar! sa barkada ko lubog na ako sa pang aalaska nila, pati din sa bahay may mang aalaska pa din pala sakin. tss.
"wala po, kakagraduate ko lang naman po mommy, girlfriend agad iniisip nyo. wala nga po yan sa isip ko e. ano ba naman po kayo!" tanggi ko kay mommy. panigurado kasing hindi na naman ako nyan titigilan e.
"sus, nakoooo! e kung ganun pala, bakit ka nag alarm at ang nakalagay pa ay, the best day ever, aber aber. sino naman yon, jeck?" tanong ni mommy.
mas bagay na siguro sakin ang isang simpleng tshirt na blue at isang simpleng pants. kaya yun na lang ang isinuot ko.
"wala po iyon" tanggi ko pa din kay mommy.
nagpapabango na lang ako ngayon. nilulunod ko ang sarili ko sa pabango, mahirap na baka ma-turn off pa sakin si lailanie ko.
"siguraduhin mo lang na hindi ka iiyak jan sa girl na yan ha. i dont want you to be hurt" she smiled at me.
"pipilitin kong hindi masaktan mom" sabi ko sa sarili ko habang nakatingin sa salamin. sabay kindat na pamatay ipis!
papunta na ako kay lai para sunduin na sya.
Bumaba na ako sa sasakyan ko, habang nasa loob kasi ako kanina. pinipigil ko yung naghahalong kaba at tuwa. grabe kinakabahan ako sa mga pwedeng mangyari.
hahakbang pa lang ako ng may isang babaeng mahabang kulay red ang buhok, may cup na red at vans siguro na red na naka'shades na lumapit sakin.
"hi" bati nya at ngumiti pa ng pagkatam es tam es.
"hello" hindi naman ako isnabero. pagkasabi ko non ay dumeretso na ako papunta kay lai. ayokong masayang ang oras ko para lang dyan sa babaeng pula na yan.
"hoy! jes. ano pang gagawin mo jan?" sigaw ng babaeng pula.
tinitigan ko sya. nakangiti lang sya sakin. bakit parang kilala ko sya?
"lai?" takang tanong ko. tama ba? si lailanie ko ito?
"kuha mo! tara na" hinila na nya ako papuntang kotse. doon sya umupo sa driver seat.
"susi" wala akong ibang masabi at magawa kundi sundin na lang sya. para bang may dala syang gamot na pwedeng lumusaw ng sarili mong kaisipan. ang ganda naman kasi talaga nya e.
"fasten your seatbelt" sabi nya sabay kindat. ahh! sh1t. bakit ang ganda nya! bakiiiiiit?
"sh1t" nasabi ko na lang ng maramadaman ko ang sobrang bilis ng pagnamaneho nya. papatayin nya ba ako. hindi naman ako sanay ng ganito kabilis. kahit naman medyo tarantado ako, hindi ako nasuway sa batas trapiko. good boy ako e.
"lai, okay lang naman kung dahan dahan e" suhestyon ko sa kanya pero isang ngiti lang ang ibinigay nya sa akin. argh! ang ganda nya talaga.
mayamaya ay may biglang nagtext sa cellphone nya. habang ako kapit ng kapit sa kung anong bagay na makapitan ko dahil sa takot sa bilis ng pagmamaneho.
BINABASA MO ANG
wedding with benefits
Romanceim lorie samantha fermin, samahan nyo akong sumaya, mainlove at masaktan. kung anong storya ko? basahin nyo na lang ang WEDDING WITH BENEFITS.