LORIE's POV
nasan na kaya yung mokong na yon? nakakapagod manakbo.
*ting
from: thunder
hoy pagong! nasan ka na? mauna ka na pumasok, may bibilhin lang ako sandali.
tignan mo yun! iniwan na lang ako bigla. hays! makapunta na nga kay papa.
sa labas ng pinto kung saan bubuksan ko na sana kaso lang...
"hindi mo sana sya pinayagan, ang bata bata pa nya para magpakasal. ano ka ba naman. wala na ba syang pangarap sa buhay para gawin nya yun. kahit kailan talaga wala syang ibang inisip kundi sarili nya. pinagaral mo sya, pinagaral natin sya para lang magpakasal ng maaga? ano ba nama---"
hindi na naituloy ng magaling kong madrasta ang sinasabi nya, dahil binuksan ko na ang pinto. hindi ito malakas dahil alam kong sasama lang ang loob ng papa. pero sapat na ang pagtingin ko sa kanya ng masama ngayon para malaman nyang narinig ko ang mga pinagsasasabi nya.
sino ba namang matutuwa kapag narinig yon. kung tutuusin, wala syang karapatan dahil hindi sya ang bumuhay sakin, kundi ang mga magulang ko noon pa man, at hindi sya parte ng itinuturing kong pamilya. isa pa wala syang alam sa mga nangyayari. wala syang alam at wala syang dapat malaman.
"alam mo na pala na ikakasal ako, ang bilis ba ng tsismis?" sa tonong hinding hindi nya makakalimutan.
"sinabi ko sa kanya anak" si papa. nakatingin pa din ako sa madrasta ko hanggang ngayon, hindi dahil gustong gusto ko syang tignan kundi dahil menememorize ko ang hugis ng mukha ng huling taong gusto kong makita sa kasal ko.
"hindi kayo kasal ni papa, hindi ba? hindi rin naman kita tunay na ina, so walang dahilan para makialam ka pa" gusto ko lang iparating ang labis na poot at galit na nararamdaman ko sa kanya.
"anak, tama na yan"
"kailan daw po ba kayo lalabas papa?"
hindi sumagot si papa...
"hindi pa namin nakakausap ang doctor nya"
"ikaw na pala ang papa ko ngayon, kausap kita?"
"lorie samantha, anak. tama na yan!" sabi ni papa
gustong gusto kong pigilan ang sarili ko, pero hindi ko magawa, sinira nya ang pamilyang meron kami. napakabait nya pag kaharap ako, pero kapag nakatalikod naman ay ubod ng sama bakit sya ganun! nakakainis.
"sorry papa. tatawagin ko lang po ang doctor"
lumabas na ako ng kwarto, syempre kung ipagpilitan ko pa ang nararamdaman ko, baka lalo pang magtagal ang papa ko sa ospital.
"pwede na syang umuwi mamaya. basta hindi lang sya mapapagod ha. at laging inumin ang mga gamot"
"opo doc."
pabalik na ako kila papa, pwede na kaming umuwi ngayon. makikita ko na ulit ang mga kapatid ko ^______^
"hahaha, sa susunod kasi makinig ka na sakin, aunderin na naman kita sige ka!" boses ng impakta.
pagbukas ko ng pinto...
"san ka galing?" nasa loob na kasi si thunder, hindi ko alam kung saan galing.
"jan lang" nakangiti nyang sagot. so nakikinuod pala sya sa paglalambingan ng tatay ko at ng bruha. kadiri!
feeling ko tuloy ang sama sama ko na. enebeyen!
BINABASA MO ANG
wedding with benefits
Romanceim lorie samantha fermin, samahan nyo akong sumaya, mainlove at masaktan. kung anong storya ko? basahin nyo na lang ang WEDDING WITH BENEFITS.