chapter 4

1.9K 37 0
                                    


LORIE's POV

nandito kami ngayon sa ek ek mall

hindi ko kasi alam ang name ng mall eh. kanina pa kami ikot ng ikot pero hanggang ngayon, hindi pa namin napupuntahan yung pupuntahan namin. teka? san ba kami pupunta?

"saan ba tayo pupunta?" tanong ko sa kanya. aba! nakakapagod kayang maglakad ng maglakad -.-

"hindi ko din alam" eh? so kanina pa kami lakad ng lakad dito wala naman pala talaga kaming pupuntahan.

tumigil na ako at umupo na sa sahig. pagod na ako eh. bahala sya jan.

naka jeans naman ako kaya walang masama sa pagupo ko.

"huy, anong ginagawa mo? tumayo ka jan!" suway nya sakin. ah! bahala ka jan. pagod na ako, magpapahinga muna ako. wala akong pakialam sa mga nakatingin samin, may mga nakasimangot at nagtataka ang mukha at may mga nakangiti na parang kinikilig

kalahating oras ba naman kaming maglakad eh. kung hindi ka ba naman mapagod -.-

"huy, tayo na. malapit na tayo" sabi pa nya, umupo sya para magpantay kaming dalawa. nahihiya na siguro sya sa ginagawa ko. kasalanan din naman nya yun eh

paltos paltos na yung talampakan ko tapos hindi din nya alam yung pupuntahan namin -.-

"pagod na ako" maktol ko sa kanya. uhaw na pati ako. kung si meer ang kasama ko sa mall lagi lang kami sa may food court natambay kasi matakaw talaga si meer. pero itong si kulog. ni tubig hindi ako mabili, masyado ba nyang pinapalago ang pera nila. share share naman -.-

"mommy look oh, ang cute nila. hihihihi ^__^" narinig kong sabi ng batang babae na dumaan sa tabihan ko.

"they are mag asawa ba?" hirit pa nito, kabata bata asawa agad ang iniisip nitong bubwit na to. ibulsa kita jan eh.

"huy. mas matino pa ata yung batang yun kaysa sayo eh. haha"  nakangiti sya sakin at ang lapit lapit na naman ng mga mukha namin.

tumayo na ako at nauna ng maglakad. parang hindi naman ako sanay na ganun sya. mas okay na suplado sya kaysa ganung ngiti sya ng ngiti -.-

"blush on'' aaa. andito na agad sya sa tabi ko? malamang lorie magkasama kayo -.-

"anong blush on?"  sinasabi nitong lalaking ito?

"ang pula masyado ng mukha mo, wag ka masyadong kiligin. saka na pag dalaga ka na haha"  yun lang at nauna na syang naglakad. kainis sya! may pagtawa pa?

*_______*

namumula ako kasi masyado akong napapagod. hindi ako kinikilig sa kanya. pantuy naman sya masyado!

weh?

epal din tong utak ko eh. -.-

naglakad na din ako, nagugutom na talaga ako kaya tumigil ako sa tapat ng fast food chain na mcdo.

"kulog!!" sigaw ko dito, napatingin naman sya sakin. nasasanay na siguro syang kulog ang tawag ko sa kanya.

lumapit sya sakin "bakit?" tanong nya. ang gwapo nya masyado. kaya bago pa ako maglaway dito. tinuro ko na ang ang FFC na mcdo. sumimangot naman sya. ayaw nya bang kumain?

"ang daming tao" sabi nya.

:3 pero gusto ko ng kumain :3

"stop that" napatingin naman ako sa kanya. anong stop?

:3

"stop pouting"

"okay, pero kain na muna tayo" inginuso ko sa kanya yung mga tao sa loob na kumakain. ngayon ko na naramdaman ang gutom ko simula kaninang tanghali. kakain na talaga ako ng tanghalian. promith!

wedding with benefitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon