THUNDER's POV
kanina pa ako nakikipaglaro dito sa bunsong kapatid ni lorie, si paula. akalain mong napaglaro nya ako ng barbie, i'instagram ko kaya ang kabaklaan ko ngayon. sh*t asan ba ang mahal kong si lorie? yuck, bakla na naman ako.
speaking of, lumabas na si lorie sa kusina nila. nagluluto ata sila ng hapunan. unti unti ko na syang nakikilala. unti unti ko na syang minamahal, tama pa ba tong ginagawa ko? ako mahal ko sya. pero sya walang ibang inisip kundi ang pamilya nya. kung sakaling sabihin ko sakanyang mahal ko na sya, may puwang pa kaya ako sa buhay nya.
"thunder, paula. halina kayo kain na tayo" nakangiti nyang sabi. si paula naman ay masigla akong hinila papunta sa kusina nila. kakatayo pa lang namin ay bumukas na ang pinto at pumasok ang isang lalaki. siguro ito na yung isa pa nilang kapatid na si nathan.
"sino ka naman ha?" wow, ang astig! ang galang nya.
"kuya bad ka sa visitor natin" sigaw naman ni paula sa kanya. yan sige paula, awayin mo. batukan mo! joke
"nathan bakit ngayon ka lang, san ka galing?" si lorie, papalapit kay nathan.
"jan sa tabi-tab--- aray ko ate" binatukan kasi ni lorie si nathan. akalain mong ang tapang tapang nya pero tiklop sa ate.
"nag dota ka na naman" pinagalitan na nya si nathan.
"nanalo naman ako ate oh, may pera nga ako pandagdag sa pang gamot ni papa" sabi naman ni nathan, unti unti namang nagiba ang ekspresyon ng mukha ni lorie, lumambot.
"halika na kumain na tayo, sa susunod tigilan mo na ang kakadota mag aral ka na lang. ako ng bahala sa mga gamot ni papa" sabi pa nya dito
"halika na" sabi nya samin.
minsan napaka'kalog nya, yung tipong tatawa ka na lang ng tatawa sa kanya. kung minsan naman ay napaka seryoso na tatahimik ka na lang pag nag salita sya. minsa din naman ay nakakabaliw na syang pagmasdan, parang ngayon nababaliw na ako!
"halika na kuya barbie, kain na tayo. tingin ka pa ng tingin sa ate ko, baka mamaya sumabog na yang mata mo. hihihihi" tatawa tawang sabi ni paula. kanina pa nya ako tinatawag na kuya barbie, niloloko ko lang naman sya e.
pinaghainan kami ni lorie, ang papa nya ay umupo na din, nagkwekwentuhan ng masasayang bagay.
"kailan kayo babalik sa maynila hijo?" tanong sakin ng papa ni lorie.
nasabi na kasi namin kanina kung saan ako nakatira at paano kami nagkakilala.
natigilan ako, teka kailan nga ba kami babalik. hindi ko alam ang sasabihin kaya sinipa ko ang paa ni lorie sa ilalim para sabihing tulungan nya ako. pagsipa ko sa kanya sakto namang susubo sya ng pagkain kaya nabulunan sya
inabutan ko sya ng tubig.
"dahan dahan anak, iintayin ka naman namin kumain hahaha" pang aasar ng papa nya natawa din ako.
sinamaan nya ako ng tingin kaya sa papa nya na lang ako tumingin at nanghula ng sasabihin.
"siguro po pag naayos na po namin ang mga dapat ayusin dito, tulad po ng pagsusukat nyo ng damit at ng iba pang kasama sa kasal namin ni lorie" pagkasabing pagkasabi ko noon ay nagsi'ubuhan ang dalawang magkapatid na si nathan at lorie. may mali ba akong nasabi?
"ganun ba? buntis ba ang anak ko?" sabi ng papa nya. ngayon naman ay ako ang ubong ubo sa narinig ko, panong buntis e wala pa ngang nangyayari sa amin. ang gago din e, parang gusto ko pang may mangyari.
"anjello, ano ka ba nagsasalita ka ng ganan e nandito si paula at nathan." sabi ng asawa nito.
ako naman ang binigyan ng tubig ni lorie. diko kinakaya ang pamilya nya ha, kanina lang si paula, tapos si nathan at ngayon ang papa naman nya. ginigisa nila ako dito!!!
BINABASA MO ANG
wedding with benefits
Romanceim lorie samantha fermin, samahan nyo akong sumaya, mainlove at masaktan. kung anong storya ko? basahin nyo na lang ang WEDDING WITH BENEFITS.