LORIE's POV
kanina pa ako paikot ikot sa sala dito sa apartment ko, maging ako ay nahihilo na.
"pwede ba magtigil ka sa isang tabi lang? nakalahilo ka na besty"
kasama ko ngayon si janine at si arlan. iniintay namin si thunder nasabi ko na sa kanila ang tungkol samin ni thunder, ine-expect ko na magagalit sila pero ibang iba ang nangyari nagtatalon sila sa tuwa dahil mayaman daw ang mapapangasawa ko.
ayos lang daw yun. pero si meer ay nanatiling tahimik non, siguro dahil focus sa panonood.
ngayon gaganapin ang engagement party namin, may pag engagement party pa e wala ngang nangyaring proposal. tss! imagine ang bilis naman nya at hindi ako prepared dun.
and then kahapon lang...
sinabi nya ang tungkol sa engagement party nung binigay ko sa kanya ang napirmahan ko ng kontrata, gusto ko pa nga sanang umangal ang kaso lang iniwan na nya ako agad. galit pa rin kasi sya dahil pinaghintay ko sya ng ilang oras. kanina akala ko sya na yung paparating pero hindi pala, bagkos ay yung mga kaibigan nyang sila caloy ang nagdala ng damit na susuotin ko
at ngayon nga ay kasama ko si janine at arlan para tulungan akong mag ayos, kinulot nila ang buhok ko at minake-up'an para mas bumagay sa damit.
"wala kasi akong magawa e. malapit na yung party, 6 na, 2 hours na lang. papaano kung mabisto kami? diba!" sagot ko na patuloy pa din sa paglalakad pabalik balik.
"hindi yan girl, trust me. super ganda mo kaya!" sabi ni arlan. ano naman kayang kunek ng sinabi nya
"wala kang magawa try mong lumaklak ng isang galon na kape at tumira ng kahon kahong sleeping pills. tignan natin kung anong mas mabisa. kaasar to" si janine. hilong hilo na siguro
*ding dong.
joke lang, mahirap lang ako kaya hanggang katok lang.
*tok tok tok
sabay sabay kaming napatingin sa pinto, sumenyas sila na buksan ko na.
"natatakot ako bes. baka kasi galit pa din sya ang awkward nun--teka ano ba--wait lang naman besty hindi pa ako hand--"
" lets go?" pagbukas na pagbukas ni janine ng pinto ay bumungad sa akin ang isa sa napaka gwapong nilalang na nakita ng mata ko. ang gwapo nya tonight! hihihi! lande.
'o-okay" kinuha ko ang bag ko, ngumiti pa sakin ng pagkaloko loko si janine. siraulo lang talaga.
tahimik lang ako habang nakatingin sa gilid ng daan, hindi ko naman kasi alam kung saan ang pagdadausan ng party e.
gustong gusto ko pa ding magsorry sa kanya pero umuurong yung dila ko kapag sasabihin ko na. baka naman kasi hindi nya ako pansinin, wag na lang!
kanina pa ako hindi mapakali e, isabay mo pa ang hindi magandang takbo ng tyan ko gawa ng kinain ko kanina, parang may sariling gera na gustong magsilabasan. titiisin ko na lang!
hindi ko na kaya talaga, gusto ko munang tumigil sa kahit saang may banyo para ilabas to, pero mukhang malayo pa at isa pa itong katabi ko, hindi man lang nagsasalita hindi ko malaman kung pipi ba o walang bibig.
hindi na ako mapakali. waaaaaah!
"may proble--"
"WALA!! wa-wala akong problema" hindi ko na sya pinatapos. napaghahalataan na ba ako? hayys!
nauutot na talaga ako, maingay naman ang sasakyan siguro naman hindi nya maririnig masyado, isa pa pag daw may tunog ang utot kalimitan na walang amoy. siguro naman walang mangyayaring masama ano? pero ayoko! baka marinig nya.
BINABASA MO ANG
wedding with benefits
Romansaim lorie samantha fermin, samahan nyo akong sumaya, mainlove at masaktan. kung anong storya ko? basahin nyo na lang ang WEDDING WITH BENEFITS.