chapter 5

1.9K 34 1
                                    


LORIE's POV

kanina pa nanlalamig yung kamay ko. namamawis na din ako. OMO!!!

hoy hindi ako najejebs ha. sadyang kinakabahan lang talaga ako.

"okay ka lang?" tanong sakin ni kulog. nandito na kami sa tapat ng bahay nila.

go lorie samantha! kaya mo to!

bakit kasi kailangang buong pamilya nila ang haharapin ko.

"lets go?"

nag umpisa na akong lumakad, nasa likod lang ako ni kulog. bakit bigla akong nanliit sa suot ko? ee kasi naman eh =____=

saan ba kami pupunta nitong kasama ko. ang dami pang pasikot sikot, pano sobrang laki ng bahay nila. ayan tuloy hindi na makita yung pupuntahan.

grabe na yung pawis ko -.-

konti na lang baka majebs na talaga ako nito.

"huy!!"

"ay jebs!!" nakakagulat naman to. tss!

"anong jebs?" may nasabi ba akong jebs kanina? hindi nya ba alam yun?

"jebs?, jebsilog! oo jebsilog. ahehe" YAAAAAk! puro kabalugaan na naman ang naiisip ko. makatakas lang sa kamangmangan nitong kasama ko =__=

"ano yun?" tanong pa. isa pa -.-

yung totoo, di nya talaga alam yun?

"parang tapsilog. jebsilog, may kasamang sinangag at itlog at ano. ano. ano-"

"na may kasamang jebs?" takang tanong nya. ako na yung nandidiri sa mga pinagsasasabi ko. ohmaygad! wag nya lang masabisabi sa iba ang kalokohan ko, pati tuloy sya nadamay na sa kabaliwan ko.

"ah. ahehehe, oo yun nga!" yun na lang ang sinabi ko sa kanya. alangan namang iexplain ko pang mabuti sa kanya no? grabeng kamangmangan naman ang taglay nya. EEEWW!

"oh ayan na pala sila eh, thunder bakit ang tagal nyo ata?" nakipagbeso si kulog sa isang babaeng maganda. kaso siguro matanda sya sakin ng ilang taon.

"hello lorie, alicia" kilala nya ako? ang cute naman ng pangalan nya, nakipagbeso din sya sakin. ang ganda naman nya ^___^

"and this is chester, my husband. and justine, my son.. say hi to ate lorie" pinakilala nya sakin ang asawa at anak nya. grabe ang gaganda naman ng lahi nila. ang cute cute pa ng baby nila. ang sarap pisil pisilin hanggang sa umiyak tapos itatapon na sa ilog. joke!

"hi, mommy lorie" ang cute nya *____* ano daw mommy lorie?

nagtawanan naman ang iba pang kasama, nandoon nang nakaupo ang mommy at daddy ni kulog katabi nila ang isang babae din na siguro ay bunsong anak ng mag asawang smith.

"baby, hindi sya mommy. tita lang" pagtatama ng babaeng dalaga. siguro sya na si cerine?

"mommy lorie!!" tuwang tuwa na sabi ni justine. cuuuuute *__*

"pasensya ka na, lagi naman ganan si justine, have a seat"

pinaghila ako ni kulog ng upuan at sa tabi ko na din sya umupo.

"ahm. dad, kailan po ba ang wedding nila kuya thunder?" nakain na kami ng maitanong ng babae ang kasal. chismosa lang ang peg?

"sa birthday na ng kuya mo. kaya mag behave ka para makaabay ka." sabi naman ng dad ni thunder.

"mommy oh, si daddy hindi nya daw ako iaabay oh" pagsusumbong nya. ang kyut lang nila. pati si thunder napatawa na din.

"cerine, umayos ka nga nandyan ang ate lorie mo oh, isipin nya para kang timang jan haha" kung magusap usap sila parang natural lang, ang saya kaya ng pamilya nila pag sama sama. sana ako din may pamilyang ganto.

wedding with benefitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon