chapter3

2.1K 30 0
                                    


LORIE's POV

pasimple akong pumasok sa room kung saan kami magkaklase dahil 30mins na akong late. 

para akong tanga maglakad, yung pag nakagawa ng ingay saka mamamatay -.-

"ms fermin your 30 mins late." may sa demonyo yata tong prof namin, pano ba naman, nakaharap sya sa board habang nagsusulat. so pano pa nya ako nakita ng lagay nyang yun -.-

hindi na lang ako umimik. umupo na lang ako at hindi na gumawa ng ingay, mahirap na baka kainin ako nyan ng buhay.

"nakipagdate ka kasi kagabi eh  na-late ka tuloy  haha" si kria. kaibigan ko ata? ewan! irregular sya kaya minsan lang kami magkasama. dito lang sa subject na ito.

"sira, hindi no"

naisip ko na naman yung kagabi. haaaay. alam ko naman na diko matatakasan ang gulong pinasok ko,

buong klase ay yun ang iniisip ko. hindi ko na namalayan na lunch break na pala. hindi na lang ako kakain, wala akong gana.

bes, nasa library ako

teks ko kay janine. sya ang bespren ko maniwala kayo at sa hindi. may bespren ako haha!

nasa loob ako ng library ng biglang tumunog yung cellphone ko. shiit ang ingay! nasan na ba yung cellphone ko. ang sama na ng tingin sakin ng librarian. ghaaaad! papatayin na nya ako at ipapakain sa mga buwaya, pagpipyestahan na nila ako. ayoooookoooo! okay OA na masyado.

at pagkatapos ng limanlibong taon nasagot ko ang tawag.

"hello?" mahinang sabi ko dahil lahat na ng tao sa library nakatingin na sakin.

"hi babe, kamusta ka?" huh? sino to? pagtingin ko kung sinong tumawag ay number lang. peste to ah. nagkanda leche leche ako sa kanya hindi nya ba alam?!

"hello babe?" sabi nya sa kabilang linya

"hoy bwisit kang lalaki ka, kung wala kang magawa sa buhay mo magpakamatay ka na. wag ka ng tumawag dito dahil hindi mo ako babe, hindi ako baboy peste ka!!!" narinig ko pang tumawa sya pero pinatay ko na yung tawag. peste sya!

ano naman akala nya, magogoyo nya ako sa kinabe-babe nya? tukmol pala sya eh.

"GET OUT!!"

"ay tukmol.." nagulat ako sa sigaw ng malaking dambuhala sa tabi ko. huhuhuhu T.T si manang librarian T__T

kinuha ko na ang gamit ko at mabilis na umalis. ng makalabas ako ay nakabunggo pa ako. tss

"sorry po, sorry" hingi ko ng paumanhin. ano ba namang kamalasan meron ako! lahat na lang ng uri pinagdadaanan ko na -.-

*ring ring ring

0926*******calling

peste to, sya na naman? hindi ba sya titigil? aba! hinahamon mo ako ha!

"hello!! hindi ka ba talaga titigil. tantanan mo na ako hindi kita kilala utang na loob!!" inunahan ko na syang magsalita. nakakainis naman kasi, sa dami dami ng babadtripin nya, ako pa na nanahimik sa library at nagbabasa.

"hello? lorie, hija are you okay?" pamilyar tong boses na to ah.

omo! mommy ni kulog! waaaaaaaah O___O

"ahm. ms.smith? kayo po pala, ahehe. ka..kamusta p..po? ahehe napata..wag p.po ka..yo?" pautal utal kong sabi. napakagat labi na lang ako sa pagiintay ng susunod nyang sasabihin. huhuhu T.T

"ahm. i just want to invite you. dito ka na magdinner mamaya. ayos ba yun sayo? huh?" omaygad! buti talaga ang bait nya. promith!

"aaah! ahehehe, opo naman po. ahehe, pasensya na po nasigawan ko po kayo. akala ko po kasi yung nanloloko sakin eh, ahehe" paghingi ko ng paumanhin. namamawis na ako hah. puro kaengotan ako ngayon.

wedding with benefitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon