LORIE's POV
naglalakad lakad ako ngayon dito sa campus. may 30 mins pa akong tetengga dito.
pano naman kasi, eh hindi na ako pinapasok ng magaling kong teacher sa klase nya. 1 1/2 hr lang naman ako late ang damot nya ( -3-)"
"sya nga yon, yung sinundo ng gwapong lalaki dito. tapos nakikipaglandian pa kay czedrick meer! grabe sya ha. " rinig kong sabi ng babaeng nakaupo sa bench malapit sakin.
tinignan ko naman ang paligid. pero bukod sa kanila, ako lang ang tao dito na dumaan.
"sabi nga nila, kung hindi makuha sa santong paspasan, ehdi sa matinding landian na lang! hahaha!"
hinarap ko ang nagsalitang iyon. anong karapatan ng dalawang to na pagchismisan ako?
"excuse me lang ha--" hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng biglang magsalita ang isa. kaasar, you dont do that to me!!!
"bakit dadaan ka ba?" mataray na sabi nito.
"oo dadaan ako, dadaanan ko yang mala-rocky road mong mukha" mataray ko ring sabi sa kanya. hindi ako magpapatalo syempre.
"anong sabi mo?!" galit na sabi nito. tumayo na sya sa kinauupuan nya samantalang yung kasama nya kanina ay pinipigilan sya. good thing na wala masyadong tao dito. kung meron man, iilan lang at malayo layo dito kaya hindi din kami makikita.
"uulitin ko pa ba yung sinabi ko? masokista ka din e no? in'english ko lang naman yung tawag sa bako bako mong mukha"
"wag mo ngang malait lait ang bestfriend ko!!" singhal sakin ng bestfriend nya kuno.
isa pa to eh.
"oh anjan ka pala joker, hinahanap ka na ni batman ibalik mo na daw yung make-up kit nya. " pang aasar ko sa kanya, dahil nabigla ako sa combination ng kulay sa mukha nya. jusko! balak nya atang mag imbento ng panibagong kulay -.-
"anong sabi mo?''
"hindi sa maganda ako ha, pero bakit ang papangit nyo?" pang aasar ko pa
sa kanila.
"ikaw rocky road, pumunta ka na lang sa pabrika ng sorbetes at ibenta mo yang mukha mo! mapakinabangan man lang ng mamamayang pilipino, at ikaw joker magtago ka na dahil inubos mo ang foundation ni batman pati ang telang nakalaylay sa ek'ek ni darna dinekwat mo pa! magsilayas na nga kayo sa harapan ko!!" sigaw ko sa kanila. takot na takot silang nagtatakbo palayo sakin.
mga bwisit na to, kung makapagsabi ng malandi kala mo ang gaganda
tinignan ko ang orasan ko sa kaliwang kamay ko, 20mins pa bago ang next class ko. tss!
itext ko kaya si meer. hindi ko kasi sya nakita sa room kanina. absent na naman ata, napapadalas ang pag absent nya? kunsabagay may trabaho kasi sya eh. madami atang ginagawa ang gwapong model.
48 missed calls
sino naman kayang tatawag ng ganito kadami sakin?
*ring ring ring
hindi ko pa lubusang naisip kung sino naman ang tumawag kanina ay bigla na lang tumunog ang cellphone ko.
kulog calling......
nanlaki ang mata ko. si kulog natawag!! ano na naman kayang kailangan nito? (π_π )"
"hello?"
"bakit di ka sumasagot? kanina pa ako tumatawag!" medyo may pagkairita ang tono na boses nya.
"may klase kasi ako kanina, sorry!"
BINABASA MO ANG
wedding with benefits
Romanceim lorie samantha fermin, samahan nyo akong sumaya, mainlove at masaktan. kung anong storya ko? basahin nyo na lang ang WEDDING WITH BENEFITS.