Eleven

57 23 31
                                    

---

December 14 pa lang, pakiramdam ko ay February 14 na, at kakagising ko pa lang ay naalala ko na agad ang ginawa ko kahapon. Naalala ko na agad kung ano ang pinasok ko, at hindi pa rin mawala sa mukha ko ang hanggang taingang ngiti. Damn, masyado na akong nagiging corny about this, I thought.

Kaya habang nagbre-breakfast ako, sinusubukan kong pigilan ang masyadong pagngiti para—parang—makapag-practice dahil baka masyadong mahalata si Chris na sobra akong nadadala sa mga sinasabi niya't ginagawa. I'm excited to see him again though.

In the least expected moment, the doorbell buzzed its way to call me, kaya naman tumayo ako para buksan 'yon. Lannie's presence greeted me, and I immediately knew what we would be up to—ang mahaba-habang kwentuhan.

"Ngayon pa lang ako kumakain, e," I said, giggling. "Kain tayo."

"Busog pa ako, dear," ang sabi niya. "Grabe, nagsangag si Mommy tapos itlog ang ulam, then tuyo."

"Ah, kaya pala," I laughed, sitting again to eat. Paborito niya kasi 'yon. "Ako naman, ito, noodles kasi kagabi, nag-crave ako."

"Kinikilig pa rin ako," I added involuntarily, as if my heart or my mind spoke for itself.

"Nasaan ba si Tita Michelle?" ang tanong niya.

"Wala si Mom," ang sabi ko naman. "Pumasok sa work."

"Ah," she said. "Okay."

"Kaya kinikilig ako," I said. "Kasi makakapunta tayo ng Town in a Building tapos naalala ko na naman siya."

Damn, napaka-cheesy at napaka-corny ko na talaga.

"Punta ba tayong Town in a Building ngayon?" Lannie asked, watching me finish my meal.

"Gusto ko nga, e," I said before drinking down a glass of water. "Ikaw ba?"

"Oo naman!" she exclaimed. "Punta tayo?"

"Sige, sige!" Agad na akong tumayo para ilagay na ang mga ginamit ko sa lababo. Sinundan naman ako ni Lannie kung saan kami nagkwentuhan. Hangga't maaari ay binilisan ko ang paghuhugas ng mga pinagkainan ko dahil hindi na ulit ako makapaghintay na makaalis at makapunta sa Town in a Building.

"Oo nga pala," Lannie said, "anong sabi niya no'ng sinagot mo na siya?"

"Ayon," I smiled, scrubbing the sponge against the spoon, "parang nagdiwang siya through his words, but to be honest with you. . ."

I paused, looked at Lannie, and continued, "it was sexy."

"Naku po," Lannie giggled, looking at me like I wasn't myself. "Pero dahan-dahan ka lang, dear, at baka mamaya, masaktan ka. Mundong puro kasinungalingan pa rin ang pinasok natin."

It made me pause from everything. From washing the dishes, from thinking of a reply to give to Lannie. But I didn't let it get me for a long time. Bumalik agad ako sa paghuhugas ng mangkok na parang 'di ako masyadong nag-alala tungkol doon. Sa totoo lang din kasi, hindi naman ako masyadong naalarma pagdating sa mga gano'ng bagay. Sa isip ko, Town in a Building was just Town in a Building because the world outside was tough for me.

Sincere LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon