Six

130 28 19
                                    

---

Nakakahiya. . . sobra. That was what I thought as I recalled what happened when I said "I am open to relationships" over the mic. I was standing there, and probably, no one was paying attention to me at that moment. Buti na lang ay walang lumapit para kausapin ako. Hindi ko alam ang sasabihin ko kapag nagkataon.

Oo, wala pang nag-respond, but later on, I doubted that someone will ever take the opportunity. Baka alam nilang may mga nagma-Mic-Taking talaga at nagsasabi ng gano'n dahil lang sa dare. Baka rin naman walang nakapansin. And. . . ako? Halata namang hindi ako magkakaroon ng gano'ng relationship. Si Abby nga, hindi na ako napapansin 'pag nandiyan na ang iba niyang mga kaibigan, and that's one of the problems I face when it comes to friendship. . . sa school. Romantic relationship pa kaya? Yeah, I know that this is just a place of lies, but of course, sino bang gustong maging partner ang isang tulad ko?

Hah, hindi nga ako maganda, e.

Napabuntong-hininga ako nang makita ko ang sarili ko sa salamin. I looked at the cubicles that were reflected by the mirror. They were all open and vacant, and because of that, I knew that I was alone. Ibinaba ko ang pouch ko sa gilid ng sink. Cleanliness is really observed here in Town in a Building. Nice.

I slowly removed my mask. I knew that I could get caught, and I could be the talk of the people here for hours because I took my mask off, but I didn't really know why I didn't care. I think. . . maybe it's because I am just a newcomer in Town in a Building, and they still don't know me. They won't care about me. . . not yet.

Nang makita ko ang mukha ko sa salamin, nahiya ako bigla, at hindi ko alam kung bakit. Nagdala naman 'yon ng agarang pagka-inis sa akin. Bakit ba hindi ko kayang tingnan ang mukha ko nang hindi nagki-cringe? Bakit kapag haharap ako lagi sa salamin, pakiramdam ko, ang pangit-pangit ko?

Agad kong naisuot ang maskara ko nang may narinig akong footsteps. Shit, shit, shit. Dala ng pagmamadali, sa ilalim ko na lang ng buhok ko ni-lace ang ribbon ni Cerulean imbis na sa ilalim ng kalahati. Habang naglalakad ako papuntang labasan ng restroom, hinagip ko ng tingin ang salaming nagpakita sa akin ng repleksyon ko. Ugh, why do masks look good on faces? ang pagtanong ko sa sarili ko nang makita ko ang maskarang maayos na nakalapat sa mukha ko.

Nakasalubong ko ang isang babaeng nakamaskara, of course, sa labasan, at iniwas niya ang tingin niya sa akin. Sa bagay. . . kahit ako ay umiiwas sa mga "blank" glances ng mga taong nakakasalubong ko randomly.

Nakita ko na agad sina Maddie at Lannie—ay, mali—sina Veronica at Paris na naghihintay sa akin. Nakatingin lang sila sa akin nang magsalita si Veronica.

"Okay ka na?" ang tanong niya na nagpatango sa akin.

"Saan naman tayo ngayon pupunta?" ang tanong ni Paris sa aming dalawa ni Veronica.

"Aba, aywan ko," I giggled. "Ako nga dapat ang itu-tour niyo rito, e."

"Sa baga—Cerulean, nasa'n 'yong—" Veronica said. "Nasaan 'yong dala mo kanina?"

"Ano—put—!" Agad akong napatakbo patalikod at pumasok na agad ako sa restroom na nasa kanan ko. I was about to reach for my pouch, which was near the sink.

"What the heck?" I mumbled after I realized that the pouch was not there anymore. My phone was in the pouch! So as the keys of our house. Ang bobo ko naman! Lalo akong nainis nang marinig ko ang sarili kong boses sa utak ko, at ito ang narinig ko: Idiot, restroom ng boys 'to.

Sincere LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon