One

187 35 12
                                    

---

I stared at my gray-painted ceiling as I recalled what just happened. I could say I was still tired, but I could still remember what happened.

"Good morning," ang pagkarinig ko. Napabangon ako bigla, pero kasabay nito, naramdaman ko ang pagod.

"Why are you here?" ang tanong ko nang makita ko si Lannie na nakatingin sa akin habang naka-upo pa siya sa sofa. The same pink outfit I last saw her in. The same bag I could remember. Seriously, she stayed?

"Alam mo naman siguro ang nangyari kanina, 'di ba?" she said with her real-concerned tone as she stood up. "Pumasok ka sa Town in a Building."

"Yeah, yeah, I know what happened, although 'di ko alam na. . . 'Town in a Building' ang name ng lugar na 'yon," ang sabi ko, "pero bakit ka pa nandito?"

I made a glance at the digital clock on my nightstand. 10:24 PM. Around 5 PM siguro ang oras no'ng hinabol ako ng mga lalaking naka-itim. Lannie just said "good morning" to me, but it's already 10 in the evening. Sarcasm, but woah, Melanie. I almost believed.

"I and Maddie took you home," ang sabi ni Lannie at saka umupo sa gilid ng kama ko. "So. . . siguro naman ay masasabi mo na sa akin kung bakit ka napadpad sa Town in a Building," ang pag-uulit niya.

"Nasaan na si Maddie?" ang off-topic kong tanong.

"She went home," ang mabilis niyang sagot. "Sabihin mo na kasi 'yong nangyari. Hindi ako titigil kakatanong, sige."

She rolled her eyes and then laughed. Purat talaga 'tong babaeng 'to.

"Galing kasi ako ng school noon," ang sabi ko, finally, at saka nag-unahan ang mga mas detalyadong pangyayari sa utak ko. "Tapos naisipan kong lakarin na lang ang second trip ko dahil hindi naman ako nagmamadaling umuwi. Habang naglalakad ako, napadaan ako sa hindi masyadong mataong lugar. Doon ko na napansin na parang may humahabol sa aking mga naka-itim. Tumakbo ako hanggang sa 'di ko na alam kung saan ako napunta, then napadpad ako sa walang-taong lugar."

"I'm an idiot kasi hindi ako dumiretso ng daan papuntang bahay. Medyo nawala talaga siguro ako sa sarili ko no'ng hinabol na nila ako. Dala rin siguro 'yon ng panic."

Nakatingin lang sa akin si Lannie habang pinakikinggan niya nang maigi ang mga sinasabi ko.

"May naaalala ka sa mga mukha nila?" ang bigla niyang tanong. "Nagpakita ba sila ng motive ng. . . anything bad?"

" 'Di ko maalala 'yong mga mukha nila, e, pero may nakita akong tattoo sa isa nilang kasamahan," ang sagot ko. "Hindi ko alam kung kasama nila 'yon o ano, pero nabangga ko siya sa pagtakbo kasi nakaharang siya. You know the feeling na talagang parang may plano sila? It's not concrete, but it scared me. Basta. . . . Tapos noose ang design ng tattoo niyang 'yon."

"Stephanie, kailangan mong maalala ang mga mukha nila," ang sabi ni Lannie.

"Hindi ko na maalala, e," ang sagot ko. "Bakit ko pa kailangang alalahanin?"

"Itatanong natin sa mga pulis," ang mahina niyang sabi. "Kaya lang kasi wala naman akong nababalitaang gano'n."

"You mean. . . sa akin mo pa lang unang narinig?"

"Oo," ang sabi niya, "pero sasabihin natin kay Tita Michelle."

Napatigil ako, at agad akong napasimangot. Malamang ay tinadtad ni Mom ng tanong si Lannie. Paano niya kaya sinagot ang mga tanong ni Mom? Baka mamaya, napagalitan siya.

" 'Wag mo nang sabihin," ang sabi ko. "Para naman kasing 'di kapani-paniwala ang nangyari. Ano 'yon? I just saw men in black, and I assumed that they were gonna kill me? Magdududa rin ang mga pulis if we'll tell them."

Sincere LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon