Epilogue

37 14 4
                                    

---

Masakit na ang mga binti ko sa tagal kong tumatakbo. Parang masyado na akong nalayo sa bahay. I should've taken my way to the left alley instead. Tsk! Bad idea.

Lumingon ako para makita ko ang nasa likuran ko nang magulat pa ako sa dapat ay na-anticipate ko na. Shit, those men are really up to something. They're putting so much effort in chasing me. Lumiko na naman ako, at ilang sandali pa ay hindi ko na alam kung nasaan ako. Medyo naaalala ko naman kung saan ako dumaan, I tried convincing myself, pero naguguluhan na ako sa nangyayari sa akin ngayon. Puwede namang iba na lang ang habulin nila. Bakit ako pa?

It's already afternoon, and I think I'm too far from home. Hahanapin ako nina Mom at Dad nito, e. Sasabihin nila, bakit ako late umuwi.

Hindi ba alam ng mga pangit na mokong na 'to na nagsasayang lang sila ng oras sa akin? Ang bilis ko kaya tumak—

Shit.

Sa pagtakbo ko, bigla akong may nakabanggang isang matangkad na lalaki. Nakaharang siya sa dadaanan ko, at ang agad kong napansin ay ang tattoo niyang noose na nasa pulso. Hindi pansinin ang design nito pati ang location, pero napansin ko agad 'yon.

Hindi ko na nakita ang mga pagmumukha ng mga mokong na naka-itim na humahabol sa akin, pero sigurado akong kasamahan nitong kaharap ko ang mga humahabol sa akin. Shit, really.

Wala na akong iba pang nagawa kung hindi ang sipain siya sa tiyan. At hindi ko inakalang gano'n kalakas ang sipa ko. Napahakbang siya patalikod, kaya mukhang na-distract naman na siya. I was surprised to see that I was still safe despite the fact that I did not do something immediately. Good thing. But what the heck? He did not even do anything to me.

Good thing, again, naalala kong may dala akong magagamit ko para sa self-defense. But damn it, ang bigat ng backpack ko. I rummaged my pocket, and I immediately got my pocketknife in my hand. Nagpatuloy ako sa pagtakbo, at hindi ko na inisip na gamitin pa ang pocketknife ko. I mean. . . hindi ko naman talaga planong gamitin 'to.

Pero umiral na ang takot sa akin. Marami sila. Hindi ko sila kakayanin kung maaabutan nila ako lalo na't isa akong duwag; nag-iisa rin ako. Pero isa lang ang naisip kong gawin kung sakali—ang tumakbo. It can be a cowardly thing for others, but it's the bravest thing I can do.

Pero 'yon nga, e. Marami sila. Baka mamaya, nasa susunod na eskinita lang sila. Pero 'wag naman sana.

Ah, aywan ko. Bahala na.

Kung kanina ay lumingon pa ako para makita kung nasaan na sila, ngayon, parang hindi ko na kakayanin. Nararamdaman ko na ang pagod. Bakit ba kasi napadpad ako rito sa walang-taong lugar? Dapat talaga hindi ako dumaan dito, e. If I didn't go here, I'm probably safe.

Habang pinipilit ko na lang tumakbo, napatapilok ako. Sa dinami-daming pagkakataon nga naman, oh. Sinubukan kong tumayo ulit nang madapa ako. Maaabutan ako nito, e. Sa mga oras na 'yon, isa na lamang ang nasa isip ko—ang sumuko.

Pero hindi pa rin nila ako naaabutan. I can still escape. Besides, may pocketknife naman ako, e. I immediately stood up, successful in convincing myself, and I ran again. Kahit na nararamdaman ko na ang sakit ng katawan ko, pinilit ko pa rin. At kahit 'di ko pa man sigurado, alam kong plano nila ang patayin ako.

Believe me, my life is in fucking danger. I can feel it.

I needed to get back home as soon as possible. There, our neighbors can help me.

Habang tumatakbo ako, pinag-igihan ko ang pagmamasid sa dinadaanan ko. May mga shop sa paligid, at may mga pangalan ang mga ito. . . pero hindi ko mabasa ang iba.

Sincere LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon