Chapter 1

222 17 9
                                    

Naranasan nyo na bang makipag pustahan?

Sa isang kaibigan.

Pustahan na hindi basta basta pustahan.

Pupusta ka. Kahit di ka sigurado kung mananalo ka.

-------------------------------------------------------

Ako si Aaliyah Martinez 17 years old. At ito ang aking kwento. Echos hahaha!

"Aaliyah! Lika dito!"

Aba? Nak ng teteng tong si Aaron. Ang cute po ng pangalan namin no? Parehas Aa hahaha! Inaasar nga kaming magkambal e. -_______________-

"Ano?! Ikaw may kailangan ako pa lalapit?!" Sigaw ko sakanya. Nasa may stage sya ng school. Ako naman nasa ground.

Naglakad na ako palayo nang biglang may humawak sa braso ko.

"Hoy! Ang arte mo!" Tumawa sya ng tumawa. Oo si Aaron. Si Aaron De Leon.

"Maarte ka dyan. Bakit ba kasi?"

"Laro tayo mamaya!"

"Ng ano?"

"Taguan. Taguan ng feelings hahahaha!" 

"Sabog ka ba?" Tumawa kami. Parang baliw din kausap tong isang to e.

"Tara kain tayo." Hinila nya ako sa canteen.

Actually, papunta na sana ako sa canteen kanina kasi nagugutom na talaga ako.

"Anong gusto mo?" Tanong ni Aaron.

"Lahat yan. Bibilin mo ba?!"

"Kung ano yung pinaka mura. Yun yung bibilhin ko para sayo." Tumawa na naman sya.

"Kuripot."

"Joke lang. Sige na pili ka na."

Oo magkaibigan kami ni Aaron. Lagi kaming sabay kapag break time. Ewan nasanay na kami e hahaha. Bumili na sya ng pagkain namin. Tapos naghanap na kami ng table at doon kumain. RAPSA talaga pag libre! Hahahaha!

"Laro tayo mamaya." Sabe nya habang ngumunguya pa.

"Sige. Anong oras?"

"After class."

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon