Chapter 24

36 1 3
                                    

AARON's POV

"Tol! Ano bang problema at kanina pa nakakunot yang noo mo? Para kang nalugi!"

Pang aasar ni Christian. Nandito ako ngayon sakanila. Kasama ko sila James at Paul. Kung bakit nandito ako? Hindi ko din alam. Basta ang alam ko lang, nakarating ako dito ng hindi ko alam. O diba ang gulo ko haha.

"Wala akong problema hoy." Tinuon ko nalang ang pansin ko sa paglalaro ng phone ko.

"Alam ko na problema nyan."

Napalingon ako agad kay Paul.

"Ano?" Sabay sabay kaming tatlo nina James at Christian.

Ngumiti muna ng pang inis si Paul bago sumagot.

"BABAE."

Tumingin sila sakin. Alam nyo yung tinging nakakainis? Yung parang nang aalaska. Basta ganun.

"Binata ka na tol?!" - Christian

"Gago! Anong tingin mo saken bata?!" Sagot ko.

"Babae lang pala e!" - James

"Ul*l torpe ka wag kang ano dyan!" - Paul tapos sabay tawa.

"Ang kapal ng muka mo! Di ako torpe! May girlfriend nga ako e!"

"NASAN?!" Sabay sina Paul at Christian.

"SECRET!"

Nagbatuhan sila ng kung anong mapulot nila hahaha. Hinayaan ko na lang.

"Pero teka. Si Aaron pinag uusapan natin dito. Anong problema tol." Sabi ni Christian pagtapos nya akong tapikin. Lumingon silang tatlo sakin.

O_______O Mga walang hiya tong mga to. Sinabi nang wala.

"Si Aaliyah kasi e."

@!!$&@!#!!!!!!

Miski ako nagulat sa lumabas sa bibig ko.

"Sabi na e!" Nag apir sina Christian at Paul.

"Mga gago."

"Sinong Aaliyah? Yung lagi mong kasama sa school?"

"Oo."

"Ah, yung mukang tibo."

Tibo? Abat?! Loko to ah.

"Anong tibo?! Hindi tibo yun! Ang ganda ganda nga nun e! Atsaka hindi pa nagkaron ng babaeng karelasyon yun! Hindi tibo yun!"

Pagkasabi ko nun. Na-realize ko na nakatayo na pala ako. Na-realize ko din na masyado akong naging defensive.

"Yiiieeeee. Wala akong sinabing tibo sya. Ang sabi ko, muka lang. Dahil kung kumilos yon, daig ka pa!"

Ganun ba kumilos si Aaliyah?

Hindi ko alam.

Para sakin kasi babaeng babae sya.

"O ano ba nangyare?"

Kamot ulo ako. Lintek.

"E kasi, taena! Hawak hawak pa sila ng kamay nung pangit na Grey na yon. Letse."

Naglaro na lang ulit ako.

"Grey?"

Oo hindi nila kilala. Kasi iba section nila e hahahaha.

"Oo. Grey. Sya yung bago sa section namin."

"Ah. Balita ko tol gwapings yun ah!" Tinapik ako ni James sa balikat.

"Gago! Mas pogi pa ko don!" Sigaw ko.

"Teka nga teka nga! Ano pa bang problema bukod don?"

"E kasi nga, sabi ko kay Aaliyah, wag nya nang kakausapin yung panget na yon. Mukang pinopormahan ni Grey yon e." Sagot ko habang naglalaro.

"Tapos sabi ba naman, sya lang pwedeng mamili ng kakaibiganin nya. Tapos makikita ko, ihahatid daw ni Grey kesyo may sakit daw si Aaliyah. So kelangan pag ihahatid magkahawak pa ng kamay. Edi wow."

Tuloy tuloy lang ako sa pag eexplain.

"Magsama sila. Pake ko."

Tahimik. Tahimik lang sila. Kaya na-curious ako at tinignan ko sila. Nagulat ako ng makitang nakatingin sila sakin. Yung tingin na mapang asar. Yung parang sinasabing "Naaaks." Or "Ayieeee." Ganyan.

"Tinitingin tingin nyo?"

"Ang sungit mo naman fafa!" Kumapit sa braso ko si Christian.

"KADIRI! UMALIS KA NGA!" Tinulak tulak ko sya.

Tapos nagtawanan kami.

Mga baliw e.

Ganun talaga.

"Pero tol." Singit ni Paul.

"O."

"Nagseselos ka."

WHAT?!

AKO?! NAGSESELOS?! OH PLEASE!

"Dude, you're wrong." Tumawa ako. Tapos yung dalawa pumalakpak. Sabay sabing "Wooo! English!"

"Tanga. Sasabihin mong 'Pake ko?' tapos namomroblema ka dyan. Edi may pake ka. Gets mo ba? Nagseselos ka. At once magselos ka, may gusto ka."

Okay. Natanga pa ko.

Pero. Hindi ako papayag! Hindi ako nagseselos! Hindi pwede!

"Basta hindi nga! Diba Tian?! Huy James!" Tinignan ko silang dalawa, pero humiwalay sila sakin at lumapit kay Paul.

"NAGSESELOS KA NGA AARON!"

Sabay pa sila.

"Hindi nga! Lintek naman o!"

"Oo nga! Hindi ka naman mamonroblema kung hindi! Naks tol!" - Christian

"Congrats tol, binata ka na ulit." - James

Ano daaaaw. Edi wow!

"Ano yan.. Hmmm." Sabi ni Paul sabay parang nag isip. Kaya hinintay ko yung sunod nyang sasabihin.

"UNEXPECTED... LOVE!" - Paul

UNEXPECTED LOVE?! PUCHA ANG BADUY!

Tinignan ko lang sila. Wala akong masabi. Walang lumalabas sa bibig ko kahit anong bukas ko nito.

Ako? Nagseselos? In love? Pano nangyari yun.

Hindi pwede.

Hindi pwede to.

Pero totoo ba? Taena kahit sa sarili ko hindi ko alam kung anong nararamdaman ko.

Natulala ako.
Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko. OA no? E ganun talaga. Hindi lang talaga ako makapaniwala. Promise.

Taena. Hindi pwedeng mangyari to.

Wala akong lakas ng loob para sabihin to sakanya.

Help. T______T

--------------------------------------
Author's Note:

#TeamAaron or #TeamGrey? Haha!

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon