"Manliligaw nya ko."
PUCHA! ANO YUNG SINABE KO?! BAKIT KO SINABE YON?! YARI AKO KAY AALIYAAAAAAAAAH!!!
PAHAMAK KASI TONG UNGGOY NA MICHAEL NA TO E!
WTF! ANONG GAGAWIN KO!
"M-manliligaw?"
Natauhan ako nang magsalita yung dalawa. Sabay pa nilang sinabe yan.
Anong sasabihin ko?
Oo?
Hindi?
ANOOOOOOOOOO!
Yumuko si Michael. Pero panandalian lang. Tapos ngumiti na ulit sya.
Anong meron?
"Alagaan mo yun pre."
Hindi ko alam kung anong ire-react ko. Bakit ganun sya magsalita? Anong dahilan ng pagyuko nya? Bakit parang hindi naman nya intensyong saktan si Aaliyah?
"So nanliligaw ka pala kay Aaliyah ah!" - Patricia
O____________O
Feeling ko ang init init ng muka ko.
TANG! Bahala na si Batman!
"O-oo!"
--------------------------
MICHAEL's POV
Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng inis kanina.
Samantalang ako naman yung may kasalanan kung bakit naghiwalay kami ni Aaliyah.
*FLASHBACK*
"Happy 1st month satin baby! I love you so much!"
Habang nagpe-play yung video na ginawa ni Aaliyah para sakin, hindi ko maiwasang mapangiti.
Hindi ko alam sa babaeng to kung bakit mahal na mahal nya ko. Samantalang napakalayo namin sa isa't isa. Sa totoo lang, nahihirapan ako kapag long distance relationship. Ni hindi mo maalagaan yung taong mahal mo. Ni hindi mo alam kung okay ba sya. Kung anong ginagawa nya. Kung talagang mahal ka ba nya.
Mabilis lumipas ang panahon, nagdaan ang 2nd month namin pero parang hirap na hirap na talaga ako. Parang gusto ko na lang i-give up si Aaliyah. Kasi alam ko, nahihirapan na din sya. Wala naman akong magawa. May pasok ako lagi. Sunday lang ang pahinga ko. Hindi ko sya mapuntahan.
Kasabay ng paglipas ng panahon..
Unti unting nawawala na ang nararamdaman ko kay Aaliyah. Idagdag pa yung pagiging busy nya. Hindi ko alam kung saang bagay.
Pero nagsosorry naman si Aaliyah kapag ganun. Atsaka bumabawi sya.
Pero dumating yung time na nawalan na talaga ako ng gana.
Hindi na ako nagcha-chat sakanya. Sinabi ko din sakanya na sira yung phone ko. Halos 1week akong walang paramdam. Nakalimutan ko din yung 3rd month namin.
Aaliyah..
I'm sorry.
Dalawang buwan ang lumipas. Nagdesisyon ako na magbakasyon muna sa lola ko. Dito sa Manila.
Aaliyah. Sana kahit isang beses makita kita..
*END OF FLASHBACK*
Naglalakad na ako ngayon pauwi.
Hindi na ko nagtagal don. Ewan. Parang hindi ko kayang makita yung manliligaw ni Aaliyah e.Hindi ko alam kung bakit nainis ako.
Hindi naman pwedeng may feelings pa ako kay Aaliyah. Dahil unang una, ako yung nakipag hiwalay.
Pangalawa, nililigawan ko na si Patricia.
------------------------------------
AALIYAH's POV
Ugh.
Ang sakit ng katawan ko.
Ang init ng paligid ko.
Pati yung mata ko.
Bakit ba ko nagkasakit. Wala naman akong maalalang rason para magkalagnat ako.
Nahihirapan ako.
Unti-unting tumulo ang luha ko.
Opo ganito talaga ako kapag may sakit. Iyakin kasi ako. Kaya konting sakit lang, naiiyak na ako.
Siguro, dapat ipahinga ko na lang ulit ito. Simula nung umalis si Aaron dito, hindi na ako nakatulog. Pero ngayon, inaantok na ako.
Oyasumi.
---------------------------------------
[ AUTHOR's NOTE ]
Hi sa gumawa ng cover ng Unexpected Love. Maraming maraming salamat! @somebeautifulgirl <3
BINABASA MO ANG
Unexpected Love
RomanceNaranasan mo na bang makipag pustahan? Makipag pustahan ng walang kasiguraduhan kung mananalo ka. Pustahan na magdudulot sayo ng sakit. Pustahan na magtuturo sayo kung pano magmahal ulit.