"Aaliyah, nagkita kami ni Michael.."Errrr! Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sakanya yon. Pano kung magalit sya?
Teka bat naman sya magagalit?
Nakaharap ako sa salamin habang nagpa-practice ako ng line na yon.
Buo na talaga desisyon ko.
Sasabihin ko na talaga.Kinagabihang yon, nagpunta ako kila Aaliyah para ayain syang maglakad lakad at para na rin sabihin ko yung pinapasabi ni Michael.
Nag doorbell ako.
Bumukas naman yung pinto at lumitaw ang mommy nya.
"Oh, Aaron! Gabi na ah. Pasok ka?"
"Good evening po tita. Aayain ko lang sana po si Aaliyah maglakad lakad may sasabihin din po kasi ako sakanya." Ngumiti ako pero hindi ako pumasok.
"Ah ganun ba, pero anong oras na kasi. May pasok pa kayo bukas. Umuwi kayo agad ha. Sandali lang at tatawagin ko sya."
Ngumiti muna si tita bago sya tumalikod. At ako naman, naghintay sa pintuan.
2 minutes na wala pa ding Aaliyah na lumilitaw sa harapan ko.
Maya maya, narinig ko na yung boses nya.
"Uuwi din po ako agad mommy."
Tapos natanaw ko na sya. Kumiss muna sya sa pisngi ni tita at naglakad na palabas. Pagkaharap nya sakin ngumiti lang sya at sinabing "hi" atsaka naglakad na agad kahit nasa pintuan pa din ako.
Galit pa din kaya sya?
Sana hindi na.
Naglakad kami.
Sya ang nauuna. Malayo pagitan namin sa isa't isa.
AWKWARD.
Maya maya, nagsalita na sya.
"Anong sasabihin mo?"
Natigilan ako. Eto na, sasabihin ko na. Pero san ko sisimulan?
"A-ano kasi.."
"Kung tungkol to kay Grey wag mo na lang ituloy."
O____O
Ganun ba talaga kaimportante yung lalaking yon?
Yumuko ako.
Naiinis ako pero hindi ko alam kung bakit.
"Aaliyah.."
"Nagkita kami ni Michael."
Panandaliang natahimik ang paligid.
"A-anong sabi mo?"
Tumingin ako sakanya at nagulat sa reaksyon nya.
Nanlalaki yung mata nya pero mangiyak ngiyak na sya.
"Aaron you think this is funny?!"
Tumulo na yung luha nya.
Nasasaktan ako.
Nasasaktan ako dahil nakikita kong umiiyak yung kaibigan ko.
Huminga muna ako ng malalim.
"Dalawang beses ko syang nakitang nagmamasid sa bahay nyo."
Unti unti syang lumapit saken. Pero nagtuloy lang ako sa pagsasalita.
"Ang sabi nya sakin, gusto ka nyang makausap. Pero sinapak ko agad sya. Kasi naiinis ako."
Nagulat ako dahil sinuntok ni Aaliyah yung dibdib ko. Pero hindi malakas.
"Aaliyah."
"Sabi nya sabihin ko daw sayo sorry at salamat sa lahat lahat." Pagpapatuloy ko.
"Damn it Aaron!"
Humahagulgol na sya sa harap ko.
Gusto ko din maiyak dahil nakikita kong nasasaktan si Aaliyah.
"Why didn't you tell me?! Bakit hindi mo hinayaang mag usap kami?! Bakit pinairal mo na naman yang galit mo?! Kung hindi mo lang sana ginawa yun, edi sana nakapag usap na kami! I hate you!"
I...
I... was....
Dumbfounded.
I felt worthless.
Bakit hindi ko masabi sakanyang hinayaan ko si Michael?
Gusto kong sabihin.
Pero hindi na ako makapag salita.
Nakakaramdam pa pala ako ng sakit?
Hindi pa pala ako manhid.Gusto kong sumigaw.
Lahat ng pagwawala sa mundo gusto kong gawin dahil sa nararamdaman kong to.Why am I affected?
Hindi ko namalayan na nakatakbo na pala si Aaliyah palayo.
At nangyari ang hindi ko inaasahang mangyari..
My tears started to fall.
And then those words came from my mouth...
"I love you..."
---------------------------------

BINABASA MO ANG
Unexpected Love
RomansaNaranasan mo na bang makipag pustahan? Makipag pustahan ng walang kasiguraduhan kung mananalo ka. Pustahan na magdudulot sayo ng sakit. Pustahan na magtuturo sayo kung pano magmahal ulit.