Nandito kami ngayon sa sala nila. Medyo malaki din yung bahay. Pero mas malaki yung kila Aaliyah.ANO BA YAN AALIYAH NA NAMAN!
Teka, kamusta na kaya yung babae na yun? Gising yun nung umalis ako, ngayon kaya gising pa sya? 7pm na din. Kumain na kaya yun? Sana gumaling na agad si Aaliyah.For sure hindi makakapasok bukas yun.
Teka naisip ko lang, ano kaya kung malaman ni Aaliyah na kasama ko yung tarantado nyang ex boyfriend? Na hanggang ngayon mahal nya pa din.
Ano bang pwede kong gawin para makapag move on na si Aaliyah?
Ang sweet sweet ko na nga eh.
.
.
.
.
.
.Kaso.
.
.
.
.
.
.Parang si michael pa din. Sabagay hindi naman agad agad nakakapag move on ang isang tao. Diba?
"Aaron?"
Itext ko kaya si Aaliyah?
"Huy.."
Tawagan ko?
"Huy aaron."
Kaso baka naman maistorbo ko sya. Baka nagpapahinga na? Hahayaan ko na lang? Mag iiwan na lang siguro ako ng message mamaya?
"HOY AARON DE LEON!"
O______O
Nagulat na lang ako nang tapikin ako ni Patricia sa braso.
"Bakit?"
"Kanina ka pa tinatawag! Okay ka lang ba?"
"Wag mo isipin yun pre, mahal ka non." Singit ni Michael.
Hindi kita kinakausap.
Kung wala lang akong pinag aralan baka nasabi ko na yan.
"Okay lang ako. May iniisip lang."
"Ano ba iniisip ko at nagkakaganyan ka?" Kunot noong tanong ni Patricia with matching hawak pa sa balikat ko.
Sa totoo lang, crush ko pa din si Patricia. Pero, di ako umaasa sakanya. Mas liligawan ko pa si Aaliyah kesa sakanya.
AALIYAH NA NAMAN.
IBA NA TO HA?! KAINIS NA!
"H-ha? W-wala patricia. Okay lang ako." Yumuko ako.
"Si Aaliyah ba? Gagaling din sya wag kang mag alala."
Napatingin ako kay Patricia at pagtapos binaling ko ang paningin ko kay Michael. Nakatingin din sya sakin na parang gulat na gulat.
"Bakit pre?"
Tanong ko.
PAGKAKATAON mo na to Aaron.
"H-ha? W-wala naman."
Sus.
"Kilala mo ba si Aaliyah?"
Nakita ko sa peripheral vision ko yung reaksyon ni Patricia. Nakatingin lang sya saming dalawa. Kung sino na yung mag sasalita, dun sya titingin.
"Aaliyah who? Madaming Aaliyah sa mundo pre."
"AALIYAH MARTINEZ. Yung ex mo pre."
Sabi ko ng may halong pang iinis. Oo sadya yun.
Nanlaki naman yung mata nya.
Pati si patricia ganun din.
"Wala akong kilalang AALIYAH MARTINEZ pre."
Ang kapal ng muka.
Parang ayaw ko nang magtimpi.
Kinuha ko yung phone ko sa bulsa ko. Tapos hinanap ko yung picture ni Aaliyah sa photos at hinarap sa muka ni Michael.
"Hindi mo yan kilala?"
Nanlaki na naman yung mata nya.
Ngumiti ako ng may halong pang iinis.
"Guys can someone tell me what's happening here?"
Tumayo si Patricia.
"Ano mo si Aaliyah?" Tanong sakin ni Michael.
Ano nga ba ko ni Aaliyah?
Kaklase?
Kaibigan?
Kalaro?
Bestfriend?
ANO?
-
-
-
-
-
-"Manliligaw nya ko."
---------------------------------
[ Author's Note ]
Manliligaw? Aaron naman. Pinapahamak mo sarili mo. Yari ka kay Aaliyah! Haha. Well, ito muna sa ngayon. Kelangan ko nang magpahinga. Pa-vote, comment and share po. MARAMING SALAMAT po!

BINABASA MO ANG
Unexpected Love
RomansaNaranasan mo na bang makipag pustahan? Makipag pustahan ng walang kasiguraduhan kung mananalo ka. Pustahan na magdudulot sayo ng sakit. Pustahan na magtuturo sayo kung pano magmahal ulit.